Chapter 33

37 2 0
                                    

Eugen Pov

Pagkahinto ng taxi ay inayos ko na ang sarili ko at nagbayad kay manong bago lumabas. Inayos ko ang buhok ko at itinali muna ang mahaba kong buhok bago dumiretso sa gate.

Marahan lang ang lakad ko papasok sa bahay at halos sabay-sabay na tumayo sila kuya nang makita ako. Kumunot ang noo ko dahil sa hitsura nila. Parang may mali.....

Lumakad ako sa kanila, "kuya, alam mo na ba ang-------" naputol ang pagsasalita ko nang sinalubong ako nang napakalakas na sampal ni mama.

Inangat ko ang kamay ko para haplusin ang pisngi ko bago tumingin kay mama na gulat na gulat. "B-bakit niyo ako sinampal, ma?"

Kita ko kung paano pigil ang luha niya at bahagyang tinuro ako. Matutulis ang mga matang nakatingin sa akin dahilan para magtaka ako. Ramdam ko ang hapdi sa pagkakasampal ni mama dahil sobrang lakas n'on as in malakas talaga!

Tumingin ako kila kuya at kinunotan sila ng noo, "kuya............? Phanter?" Hindi sila sumagot pero hindi ko magawang mabasa ang expression ng mukha nila.

Malamig ang tingin at ramdam ko ang tensiyon na hindi ko alam kung para saan.

Bahagya akong napadaing nang marahas na hinawakan ni mama ang braso ko. Hindi ako makahanap ng tamang salita para sabihin sa kaniya na nasasaktan na ako.

Sinubukan kong magpumiglas sa hawak niya pero talagang gigil siya kaya nahirapan ako.

Wala ba siyang pakialam na masaktan ako?

"Sabihin mo nga sa akin, Eugen. Anong nangyari 14 years ago sa bahay nila mama!?" Galit na sigaw niya dahilan para tumigil ako sa pagpupumiglas.

No......

Bumigat ang paghinga ko habang nanatiling nakatingin kay mama. Bahagya kong binuka ang bibig ko para magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko.

Nang makabawi sa gulat ay hindi matago ang takot sa mata ko nang tumitig sa kaniya. "B-bakit niyo tinatanong?" Mahinang tanong ko at bahagyang humigpit ang kapit sa dulo ng damit ko dahil bahagya ko nang nararamdaman ang mga kuko ni mama sa braso ko.

"Hah!" Malakas na usal ni mama bago umiling sa akin, "pagkakamali namin na hindi na namin naitanong kung ano ang nangyari sayo at kung bakit nasa hospital ka. Dahil maski sila nanay ay walang alam! Pero punyemas ano 'tong nalaman namin huh!?"

Nanlamig ako at nangilid ang luha dahil sa sinabi niya. Nalaman? Anong nalaman nila? No....hindi namnn siguro 'yon, tama Eugen....just calm down.

Hinanap ko ang mga mata nila kuya pero tanging malamig na tingin lang ang ibinigay nila sa akin. Hindi ba nila alam 'yong nangyari kay Cindy? Siguro kapag sinabi ko sa kanila 'yon ay maiiwasan ko ang mga tanong ni mama.

Puno ng pagsusumamong tumingin ako kay mama. "Ma, pwede bang saka na tayo mag-usap? May nangyari po kase kay Ci-----ouch....." Daing ko nang mas bumaon ang kuko ni mama sa braso ko.

Alam ko....alam ko na nag-iwan na 'yon ng marka dahil sa pagkabaon nito.

"Calm down, hon. Nasasaktan mo na ang anak mo." Seryosong suway ni papa at nang akmang hahawakan niya si mama sa likod nang hinila-hila ako ni mama sa braso at nagsimula ng pumatak ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan.

Napaawang ang bibig ko at bahagya ring nangilid ang luha dahil sa nasasaksihan. Puno ng galit at sakit sa mga mata niya habang paulit-ulit na hinahatak ang braso ko.

"B-bakit!? Anong nagawa namin sa'yo at nagawa mo 'to!? Sabihin mo!" Buong lakas niya akong naitulak dahilan ng pagkatumba ko sa sahig ngunit mabilis kong naitukod ang mga kamay ko at ininda na lamang ang sakit ng pagkakatukod nito.  "W-wala akong anak na kriminal!" Umiiyak na tinuro-turo niya ako habang yakap-yakap siya ni papa.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now