Chapter 22

32 2 0
                                    

Eugen Pov




"Where's your mother?" Sabay kaming napatayong tatlo nang pumasok si papa na hingal na hingal at salubong ang mga kilay.

"Anong nangyayari Pa?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni kuya at marahang lumapit kay papa.

Tumingin sa amin si papa at bakas ang hirap at galit sa mukha niya. Hanggang sa tinapik niya ang balikat ni kuya at mabilis na tumakbo papasok sa room nila.

Nagkatinginan kami nila kuya at sabay na napabuntong hininga.

"What the hell was that!?" Tila kulog na dumagundong sa buong bahay ang boses ni papa.

Mabilis na tumakbo kami papunta sa kwarto nila. Ngunit nang pinihit ni kuya ang pinto ay naka-lock ito.

Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Not now please, I'm not yet ready for this! Damn.

Halos kalampagin nila kuya at Phanter ang pinto nang magsimula na kaming nakarinig ng mga nababasag na bagay.

"Pa! Ma! Open the door, please!" Sigaw ni kuya at paulit-ulit na kinakatok ang pinto.

Nanatili akong nasa likuran nila at hindi makagalaw dahil sa dami ng iniisip. I can feel my world slowly turning into ashes.

"I'm sorry! I'm sorry, honey!" Umiiyak na sabi ni mama.

"Sorry!? Your saying sorry to me after I caught you!? Are you fuckin' serious!?" Sarkastikong tumawa si papa pero bakas ang sakit at galit sa kaniyang boses.

"It's not what you think hon!"

Nakarinig kami ng malakas na kalabog na mas lalong ikinatakot nila kuya. Mabilis nilang pinagkakalampag ang pintuan at nagbabakasakaling buksan nila papa.

Why? Why now?

"What the hell are they talking about!?" Sigaw ni kuya at akmang kakatok ulit nang mabilis kong hinawakan ang braso niya.

Parang nilulukot ang puso ko sa nangyayari. Nangilid ang luha ko at namumungay na mga matang tumingin kila kuya.

"L-let's go to our room, kuya." I pleaded while caressing his arm, "Let them fix their problem, let's give their privacy."

Si Phanter ay tahimik na lang na nakikinig sa ingay sa loob habang si kuya ay seryosong nakatitig sa akin.

You don't need to listen with this bullshit because I know it will only hurt you and I can't let that to happened.

"Aba't kung makapagsalita ka diyan akala mo hindi ko rin alam lahat ng pinaggagawa mo huh!?" Umiiyak na sigaw ni mama na nakapag-paalis ng tinginan namin ni kuya, "Huwag kang magpanggap na malinis dahil alam mo sa sarili mo na hindi! Dahil bago ko gawin ang bagay na 'yon ay mas nauna ka pang gawin 'yon!"

"Kuya, bakit ba sila nagsisigawan?" Puno ng sakit na tanong ni Phanter.

"May alam ka ba, Eugen?" Agad nangilid ang luha ko at umiling kay kuya.

"W-wala kuya!" Nanginig ang boses ko dahilan para tignan niya ako, "Tara na kase, kuya..."

Seryosong tumitig sa akin si kuya hanggang sa napabuntong hininga siya. Hinawakan niya ang magkabilang braso namin ni Phanter at nagtungo sa sala para maupo sa sofa.

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Ayokong malaman nila na alam ko dahil I know it will only hurt them more.

"May problema kaya sila? I mean, ngayon ko lang sila narinig na magsigawan ng ganoon, e!" Turan ni Phanter at tumayo sa harapan namin at nagpalakadlakad habang kinakagat ang hinlalaki niya,  "Tapos ano 'yong sinasabi ni Papa na nahuli niya si Mama!? Okay pa naman sila kanina, a!"

Diyan mo malalaman kung paano magbago bigla ang lahat. 'Yong feeling na umalis kayo nang masaya pero uuwi ng umiiyak at nasasaktan.

Napatingin ako kay kuya na galit na inihilamos ang mga palad sa mukha. Salubong ang kilay na tumingin sa kawalan. "I don't know what's happening, damn!"

I pursed my lips then closed my eyes tightly. How can I be ready for this? It was too sudden for everything!

"Eugen, kung may alam ka sa nangyayari, tell us." Napakuyom ang mga kamay ko at mas bumigat ang dibdib.

Sana bukas na lang! Bakit kung kailan dadalaw si Trevor saka mangyayari lahat ng 'to?

"Kuya....sila Papa ang tanungin mo, huwag si ate, dahil for sure pati siya ay clueless sa nangyayari." Mahinahong sabi ni Phanter at umupo na sa tabi ko. Bata pa lang ako ay alam ko na Phanter.....

Binuksan ko ang aking mga mata at tumingin sa kawalan. Ramdam ko ang titig ni kuya kaya mas lalong nanahimik ako. Ayokong malaman nila sa akin....dahil maski ako ay hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin 'yon sa isa't isa.

Kuya sighed heavily then held my hand tightly. "Sorry, princess."

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng tipid. Sa t'wing tititigan ko ang mga mata nila ay nanghihina ako. Dahil hindi ko kakayanin na makita silang nasasaktan at umiiyak, dahil kung pwede ko lang saluhin lahat ay gagawin ko!

Pero hindi ko pala kaya dahil may mga bagay sa dibdib ko na nag-uumpisa na namang bumalik sa dati. Mga masasakit na ala-ala na pilit kong tinatakbuhan.

Hindi ko akalain na unti-unting naghihilom ang sugat na dulot kay Trevor pero mas lalong lumalaki naman ang sugat dahil sa pamilya ko at baka mamamatay na ako kapag nadagdagan pa ng nakaraan.

"Alam nating pareho na una pa lang ay hindi na 'to magwowork! Pero anong ginawa mo!? Pinilit mo pa rin ang sarili mo sa relasyong 'to na alam mong hindi naman tayo magiging masaya!" Natigilan ako dahil sa sigaw na 'yon ni mama.

I felt a million of knives slowly stabbing my heart and shattering it into pieces.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo!? Nabuntis kita noon at hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na tinatakbuhan ang responsibilidad!" Galit na sigaw ni papa, "Huwag mo akong sisihin sa mga bagay na pareho naman nating ginusto pero sadyang hindi lang tayo nakuntento!"

"Affair, huh." Gulat akong napatingin kay kuya na agad kong ikinailing.

"No kuya, baka hindi affair 'y'yon...." Mahinang sabi ko at napakagat sa labi, "Baka.....may problem lang sila na kailangang sila lang ang makaka-ayos..."

Nagulat ako nang binawi ni kuya any braso niya at tumayo. Pareho kaming nakatingin sa kaniya at nang humarap siya at tumingin sa mga mata ko ay nakaramdam ako ng kaba.

"Sana wala kang alam sa nangyayari. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sarili kong kapatid ay may alam sa mga bagay na apektado ang buong pamilya...." But I did that to protect you from pain.

Napayuko na lang ako at hindi na kayang tumingin sa kaniya. Rinig pa rin namin ang sigawan at mga pagkabasag sa kwarto nila.

"Edi maghiwalay na lang tayo kung gan'on!" Sabay kaming napatayo nila kuya.

Hell no!

"Fuck..." Mura ni kuya at mabilis na tumakbo sa kwarto nila mama na sinundan naman ni Phanter.

Habang ako ay nanatiling nakatayo at tila napako roon. Nangilid ang luha ko at alam kong wala na........

Dahil the moment na sinabi nila ang mga salitang 'yon, alam kong tapos na talaga......

Tama nga sila.....walang sikretong hindi nabubunyag.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now