Chapter 23

36 2 0
                                    

Eugen Pov




"T-Trevor?" Mga asul na mga mata ang bumungad sa akin.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at pumikit-pikit dahil ang aga naman niya yatang pumunta. Nahihiyang ngumiti siya kaya mabilis na binuksan ko ang gate ng tuluyan.

May narinig kase akong tunog ng kotse sa labas kaya mabilis na lumabas ako. Hindi ko akalain na si Trevor ang bubungad sa akin!

Ngumiti siya ng tipid at pasimpleng sumulyap sa bahay namin. "Nakakaistorbo ba ako?" Pasimple pa siyang napakamot sa batok niya na halatang nahihiya.

Umiling ako at nilakihan ang pagkakabukas sa gate namin. Pumasok siya at mabilis kong sinara ang gate.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung papasukin ko ba siya sa loob ng bahay or papauwiin na lang. Hindi ko kase alam if tumigil na sila mama at papa sa pagtatalo nila.

I smiled a little. "Ang aga mo naman yata. I mean, I thought 5 pa ang uwian niyo?"

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya at pinagmamasdan siya. Mabilis naman niyang ibinulsa ang mga kamay niya sa pants ng uniform niya at ngumisi sa akin.

"Hmm....let just say, fate seems favor on me." He said while grinning and God knows how much I wanted to pinch his cheeks because of his cuteness.

"Ahh....but not with me," bulong ko sa huling linya.

"Huh?"

Umiling na lang ako at niyaya siya papasok sa bahay. Lord sana po tapos na silang magtalo! Dahil ayokong maging uncomfortable si Trevor once na narinig niya ang sigawan nila mama!

Nakasunod lang siya sa akin at nang buksan ko ang pinto ay halos pumikit pa ako para paghandaan ang mga sigawan nila pero wala akong narinig ni isang ingay.

Nakahinga ako ng maluwang at dumiretso sa sala at tumingin sa kaniya. "Upo ka muna dito at ipaghahanda na lang muna kita ng makakain."

Mabilis na tumalima naman siya at naupo sa may harapan ko. Pasimple kong inilibot ang paningin ko ngunit hindi ko makita sila kuya.

Aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Trevor ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya at halos makita ko na naman ang sarili kong nalulunod sa mga asul niyang mata.

"Are you okay?" Bakas ang pag-aalala sa tanong niya at bahagya pang pinisil ang kamay ko.

Lumunok ako ng ilang beses at tumango pero pasimpleng umiwas ng tingin. Dahil alam ko kapag tumitingin ako sa mga mata niya ay parang gusto ko na lang sabihin sa kaniya ang lahat ng gumugulo sa isipan ko.

Mamahalin mo pa kaya ako kapag nalaman mo na ang totoo sa nakaraan ko?

Isang bagay kung bakit patuloy na nasasaktan ang isang tao.....at 'yon ang takot na meron sa puso natin.

"Oh, nandito ka na pala, iho." Mabilis akong napatingin kay mama na nakangiting umupo sa may harapan ng sofa ni Trevor.

'Yong mga ngiti niya na parang walang nangyari. Mga ngiting kayang-kayang lokohin ang nararamdaman ng isang tao at itago ang katotohanan....

Pero kahit na nakangiti siya 'yong mga mata niya ay halata ang pamumugto nito.

Nakaramdam ako ng galit dahil sa ginagawa nila. Ang tagal kong kinimkim ang takot na nangyayari na ngayon! How can they do this to us!

Mabilis na tumayo si Trevor at lumapit kay mama para magmano. Naaliw naman ang mga mata ni mama habang nakatingin kay Trevor.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now