Chapter 38

36 2 0
                                    

Eugen Pov





"Umalis na kayo, kuya. Ako ng bahalang mag-alaga sa ate ko dahil alam kong sasaktan niyo na naman siya." Kumunot ang noo ko nang marinig ang mga munting boses sa buong paligid ko pero hindi ako gumalaw dahil sobrang pagod na pagod ang katawan ko.

"Stop being rude to us Phanter!" Sigaw ni mama na agad nagpawala sa antok ko.

Why can't they let me rest for a while? Is it too much to ask for that?

"Then stop hurting ate! Dapat nga dinadamayan niyo rin siya hindi 'yong kayo pa po ang nananakit sa kaniya!" Bakas ang galit at pagsusumamo sa boses na 'yon ni Phanter.

Bumuntong hininga ako at unti-unting binuksan ang mga mata ko. Kumurap-kurap pa ako hanggang sa luminaw ang paningin ko. Sumulyap ako sa harapan at doon ko nakita sila mama na nagtatalo. Ngunit imbes na pigilan sila ay natulala lamang ako sa banda nila.

Nahuli agad ni kuya ang paningin ko dahilan ng mabilisan niyang paghakbang sa akin. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya at umupo sa gilid ng kama ko bago hinaplos ang pisngi ko.

Nanatili akong nakatulala sa mukha niya at hindi ko alam kung bakit wala na akong maramdaman. Parang nag-shut-down lahat sa akin na pati nararamdaman ko ay hindi ko na matukoy kung ano.

"Okay ka lang?" Marahang tanong niya ngunit wala akong mai-sagot.

Gusto kong sabihin na hindi pero ayaw bumuka ng bibig ko. Ano bang nangyayari sa akin!? Eto na ang pagkakataon kong isumbat sa kanila lahat pero bakit tahimik lang ako! Gusto kong umiyak para makita nila kung gaano na ako nasasaktan sa mga pinaggagawa nila pero bakit walang lumalabas sa mga mata ko!?

"Gutom ka ba? Gusto mo ipagluto kita ng paborito mong tinola?" Binuhayan pa ni kuya ng konti ang boses niya pero nanatili akong nakatulala sa harapan niya.

Bakit nandito kayo? Bakit ang dali lang sa inyo na kausapin ako at mag-ala pagkatapos niyo akong saktan? Wala na ba talaga akong halaga sa inyo?

"Kausapin mo si kuya....." bahagya siyang lumunok na parang may nakabara sa lalamunan niya bago marahang hinaplos ang buhok ko, "m-may masakit ba sa'yo?"

Hindi ko alam kung bakit ako tumagilid ng higa patalikod sa kaniya at doon tumunganga. Inisip lahat ng mga nangyayari sa buhay ko.....lahat-lahat ng pasakit na ibinibigay ng mga taong mahal ko pero hindi ko magawang magalit kase mahal ko sila.

Naramdaman ko ang pagsandal ng kung ano sa balikat ko pero hindi ko magawang lumingon. Rinig ko ang buntong hininga niya until ilang seconds ay naramdaman ko na ang pagkabasa ng balikat at t-shirt ko.

"I'm s-sorry....." hindi ko alam kung bakit ang mga salitang 'yon ang nakapagpangilid ng luha sa mga mata ko. It was the most painful words that I ever received from my kuya. "I've been a bad brother to you. I just can't believed that you killed Tito. You know how much he means to me when we were young, right?"

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko pero hindi ako humikbi at hindi rin ako nagsalita. Natatakot ako na baka masabi ko sa kanilang lahat 'yon....natatakot ako na aminin na ang pinakamamahal nila ay pinagsamantalahan ang katawan ng nakababatang nilang kapatid at anak.

Umusog ako palayo sa kaniya dahilan para mawala ang sandal niya sa balikat ko. Mabilis na pinunasan ko ang luha ko at doon ulit tumunganga. I can't even explain what I'm feeling right now. Is it possible to shut down all your emotion because of so much pain? Because thats what I'm feeling right now, I'm not okay.....

"Eugen, please, I wanted you to follow what Trevor's mother asking for." Seryosong boses ni mama mula sa bandang likuran ko, "let him go. Don't drag him into your mess. Let him live with his peaceful life."

Along the Way (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat