Chapter 11

39 2 0
                                    

Eugen Pov

"Ano pang tinutunganga mo diyan, Eugenia? Naman, e, malelate na tayo sa klase! Tara pasok na tayo sa gate." Halos hawakan pa nila ni Phanter ang magkabilang braso ko para lang mahila papasok sa room.

"Kuya!" Halos magpabigat pa ako para lang hindi nila mahila papasok sa gate.

Kahit naman sinabi kong magpapanggap ako walang maalala sa harapan niya pero nakakahiya pa rin talaga. Baka nga makita ko pa lang labi niya at matulala lang ako edi paktay buking na!

"Ate....may quiz pa kami, e." Napakamot na ng batok si Phanter habang nakahawak pa rin sa braso ko.

"Gan'to na lang, mauna na lang kayong pumasok sa loob the---"

"Hell no!" Sabay silang dumaing at halos murahin ko sila dahil sa biglaang pagbuhat nila habang hawak hawak pa rin nila ang braso ko.

Napalabi ako at halos mangiyak-ngiyak na nagpabigat sa kanila dahil halos dumoble na ang lakas nang tibok ng puso ko.

I saw some students looking us weirdly at 'yong iba ay natatawa lang lalo na at nakalambitin na ako kila kuya. Sa tangkad at lakas ba nilang 'yan ay posibleng hindi nila ako mabuhat. Parang kahoy lang kung buhatin!

Mula sa malayo ay nakita ko na sila Cindy na nakaupo sa bench at umiinom ng kape. Sabay pa nilang nabuga 'yong kapeng iniinom nila nang makita ang posisyon naming tatlo.

"Anong nangyari sa inyo?" Takang tanong niya at pinunasan ang gilid ng labi dahil sa biglaang pagbuga nila ng kape.

Mabilis na ibinaba nila ang braso ko at sabay na itinuro ako, "Ewan ko ba sa babaeng 'yan at bigla na lang ayaw pumasok sa gate. E, alam na nga lang maaga pasok namin! Akala mo may tinataguan,"

"Baka may ayaw makita." Maliit na boses na sabi ni Chloe sa may bandang gilid ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Oh no.....don't tell me may alam siya!?

"What?" Natatawang tanong niya nang makitang nakatitig ako sa kaniya.

Umiwas ako ng tingin at umayos ng tayo sa gilid niya. Sana hindi muna mag-krus ang mga landas namin! Si kuya ay mabilis na humalik sa noo ni Chloe na agad ikinapula ng pisngi ni Chloe.

Ngumiwi ako at pasimple silang inirapan. Sa pagtingin ko sa harapan ay nakita ko kung paano lang nakatayo si Phanter sa gilid ni Cindy habang si Cindy ay tahimik na nakaupo lang.

Oh, awkward.

"Nga pala babe, wala daw maalala si Eugen kung bakit siya umuwi kasama si Trevor. Alam mo ba?"

Chloe smirked.

"Hmm....wala ka talagang maalala Eugen?" Inosente niyang tanong pero kakakitaan ng pang-aasar ang mga mata at ngiti niya.

"Uhm....Wala nga Chloe. Grave talaga dahil nagising na lang ako kinabukasan ay nasa bahay na ako." Natatawang ani ko na agad niyang ikinatango.

"Really? Then we should ask Trevor, then." Nakangiting sabi niya at mas lalong nataranta ng tumingin siya sa likod ko.

Oh no....don't tell me he's here!? Lord, wag naman po sana ngayon kami magkaharap! Hindi ko pa yata kakayanin!

"Yo! Goodmorning mga magaganda naming ate!" Boses ni Dexter ang narinig ko mula sa likuran ko.

Naming ate? Huhuhu....bakit ba kase ako pa ang mas matanda sa'min?

"Ang aga-aga, napakahyper mo Dex! Ano bang iniinom mo sa umaga at nang maging ganiyan din kami kaenergy!" Natatawang sabi ni Cindy.

Dexter laughed, "Alagang energen lang 'to, ate Cindy!"

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now