Chapter 3

75 2 0
                                    

Eugen Pov

"Oh....your early ate," Phanter said with his shock expression.

I smiled and messed his hair.

"Masama pa ba pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ko at marahang hinaplos ang noo niya.

Ngumiti siya at umiling ngunit pansin pa rin ang pamumutla ng mukha niya dahilan para haplusin ko ang pisngi niya.

Mas matangkad siya sa akin kaya halos tumingala pa ako. Hanggang baba niya lang din ako dahil nasa grade 10 na siya.

Sana all matangkad.

"Okay na ako ate, actually pwede na nga akong magbasketball ulit, eh." Kumunot ang noo ko at bahagyang kinurot ang braso niya.

He laughed before he sit to the sofa. Hindi naman malaki ang bahay namin kundi sapat na para sa aming lima.

"Nasan sila mama?" Takang tanong ko nang makitang wala siyang kasama rito.

Kase usually kapag alam nilang nandito na kami ay maririnig na agad namin 'yong boses nila.

Umupo ako sa tabi niya at hinubad ang sapatos ko before sinandal ang mga legs sa hita niya at sumandal sa sofa.

"Umalis sila ni papa at mamamalengke dahil naubusan na tayo ng stock diyan sa ref." Napatango ako at ipinikit ang mga mata ko.

Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit na wala naman kaming ginawa maghapon. Damn. Ngayon lang ulit ako nakaramdam na naman ng ganitong klaseng pagod. I wonder, why?

"Go to your room ate...you seems exhausted,"

"Hmm....magsasaing muna ako para tuloy-tuloy na 'yong tulog ko." Mabilis na inalis ko ang mga hita ko sa kaniya at tumayo.

Gusto ko kase once na natulog ako ay ayoko na 'yong gigisingin agad. Kaya kapag pagod talaga ako ay nagluluto na ako para tuloy-tuloy na 'yong pahinga.

"Ako na ate....pahinga ka na lang." Tatanggi na sana ako nang makita ko ang seryoso niyang hitsura.

Damn. Bakit ba minsan maloko 'yong mga kapatid ko pero minsan naman ay seryoso kaya tiklop agad ako.

"Alright....just don't overdo yourself, okay?" Tumango siya at hinalikan ang noo ko bago umalis para pumuntang kusina.

Tahimik na lamang akong tumungo sa aking kwarto at pabagsak na hiniga ang katawan sa kama.

I yawned and hug my pillow and as I closed my eyes, his perfect pair of blue eyes suddenly appeared in my mind before I dozed off to sleep.

"Eugen....." Naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko dahilan para hawiin ko ang kamay niya.

Istorbo..

"Eugenia Domingga Balut...." Inis na iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang nakapamaywang na si kuya Gelo.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at humikab. "Istorbo ka sa pagtulog kuya!"

He licked his lower lip and gave me a sarcastic look.

"Look who's talking, sino kaya 'yong taong hindi ako hinintay sa pag-uwi kahit na dalawang beses ko nang sinabi sa kaniya?" He crossed his arms, "Who's that huh?"

"Hallah! Nakalimutan ko kuya!" I pouted and climbed off the bed to walk near him.

I'm still wearing my clothes earlier.

He's just wearing a blue padyama and a white t shirt. I can see the boy-version of my mom.

"Sorry na kuya.....nawala lang kase sa isip ko, e." Bahagya kong hinila ang dulo ng damit niya at mas lalong ngumuso.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now