Kahit nagdulot pa ng sari-saring emosyon sa loob ng dibdib niya ang ang mga salitang narinig mula sa kan'yang kaibigan ay hindi niya nagawang maiyak. Kaya naman napangiti na lang ang dalaga dahil mapalad siyang nagkaroon ng kaibigan na katulad ni Eya.

"Huwag mo akong alalahanin, Eya. Siguro nga para sa iba ay iisipin nilang nagpapanggap lang ako para tumakas at takbuhan ang sakit na nangyari sa buhay ko. Pero mas pipiliin ko pa ito kaysa maalala ko ang lahat ng sakit. Ayoko rin naman na dumating ako sa point na mapagod ang puso ko at tuluyan na itong hindi tumibok. Eya, I want to be brave and stronger. So, let me, okay?"

Sandaling dumaan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago niya narinig ang sagot nito. [Okay. I trust you.]

Iyon lamang at tuluyan na niyang ibinaba ang tawag. Kailangan niya lang talaga ng makakausap para bumalik sa huwisyo ang kan'yang isip at upang maalala ang dahilan kung bakit siya nasa poder ni Mr. Montell.

Muling binuksan ni Louisse ang laptop at binasa ang nag-iisang article patungkol sa aksidenteng kinasangkutan ni Zairus, isa't kalahating taon na ang nakararaan. Hindi detalyado ang balitang iyon at hindi nasabi ang kasalukuyang lagay ng lalaki na wari bang may pumipigil sa media para malaman ang totoong nangyari kay Mr. Montell. Ayon lang sa article ay may iniligtas ang lalaki ngunit hindi pinangalanan.

Nagpatuloy pa rin si Louisse sa paghahanap ng importanteng impormasyon patungkol sa lalaki. Sikat ang negosyong pinamamahalaan nito at isa na roon ang technology company na naka-based sa America. Marami na ring naipatayong branches ang real state under his name.

Idagdag pa na ang lalaki ay kabilang sa top 10 youngest billionaire. Sa edad na labing-walo ay nagsimula na ito sa business industry. At ngayong tatlumpung taon na ang lalaki ay isa na ito sa mga tinitingala ng mga business owner's at hinahangad ng mga kababaihan.

SUMAPIT na ang gabi ay nasa loob pa rin ng k'warto si Louisse. Sa kakahanap pa ng mga articles patungkol sa kinasangkutan ni Zairus ay hindi na napansin ng dalaga na nakatulog na pala siya. Nagising lamang siya dulot ng katok sa pintuan.

Bumukas iyon at bumungad sa kan'ya ang isang matanda. Tantiya niya ay nasa 50-60 years old na ito. "Handa na ang hapunan, Miss Ortigaz."

Tila nanlamig si Louisse sa timbre ng boses nito. Pinagmamasdan man niya ang mukha nito ngunit naging mailap ang mga mata ng matanda. May pakiramdam ang dalaga na may emosyong itinatago ang matanda na ayaw ipakita sa kan'ya. Bigla tuloy ay naisip niyang baka ang nagawa niya kanina ang rason kung bakit may nababanaag siyang galit sa mga mata nito.

Louisse was taken aback when the old woman spoke again. "Personal kitang ihahatid sa dining room."

Tumango na lang ang dalaga. Balak niya pa sanang paunahin na lamang ito dahil hindi niya pa nasusuri ang hitsura ngayong bago siyang gising. Ngunit naging malakas ang pakiramdam niyang ayaw magtagal ng matanda kasama siya roon, tila sumisikip ang espasyo ng kuwarto para sa kanilang dalawa, kahit na maluwag naman iyon.

May pagkain na sa mahabang mesa nang makapasok sila sa dining room. Nasa dulong bahagi na rin ng mesa si Zairus na tila hinihintay siyang saluhan ito. Nakasunod man si Louisse sa bahagi kung saan siya pinapaupo ni Manang Pasing, ang mga mata naman niya ay nakapako pa rin sa lalaki.

Nang hinugot niya ang silya sa kanang bahagi ni Zairus ay nakita niya kung paano nagbago ang facial expression ng lalaki. Tumigas ang anyo nito at kumuyom ang kamao. Mas lalo lamang tuloy nadadagdagan ang katanungan na tumatakbo sa kan'yang isipan.

Gano'n na ba talaga kalalim ang naging lamat ng relasyon nila Zairus at ng kan'yang kaibigan?

Nang tuluyan siyang makaupo ay nagpasalamat pa siya kay Manang Pasing sa pag-assist nito sa kan'ya, bagay na naging dahilan ng pagkagulat ng matanda. Ilang segundo ang lumipas bago napalitan ang pagkagulat na naka-rehistro sa mukha nito saka tumikhim.

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now