CHAPTER FORTY-TWO

Începe de la început
                                    

"Naiintindihan ko kung magbabago ang trato mo, ate..." Tumatango pa siya sa harapan ko habang naguunahan sa pagtulo ang mga luha niya.



Tuluyan na 'kong lumapit sa kaniya at mabilis na niyakap siya nang sobrang higpit. Dahil din do'n, muling humikbi si Lea sa balikat ko na ikinatulo na rin ng luha ko.




"Shhh... Don't you ever think of that, okay?" Hinimas ko ang likuran niya. "Kahit kailan, never magbabago ang pakikitungo ko sa 'yo."



Naramdaman ko ang mas paghigpit ng yakap sa 'kin ni Lea. "I thought you're gonna get mad on me. Akala ko... Akala ko, hindi mo na 'ko ituturing kagaya nang kung paano mo 'ko tratuhin."


Napapikit na lang ako habang yakap siya. I didn't mean na iparamdam sa kaniya 'to. Ayokong isipin niya na may magbabago. She's still my sister... buo man o hindi.


"Walang magbabago, okay? You're always be my baby..." Bahagya akong humiwalay sa pagkakayakap at binigyan ko si Lea ng halik sa noo niya. "Hindi ko kayang gawin sa 'yo 'yon, okay? Mahal na mahal ka ni ate."


Tumango-tango naman siya sa 'kin na ikinangiti ko. Humirit pa siya nang isang mahigpit na yakap sa 'kin na ginantihan ko na rin.



"Masaya ako na maayos pa rin kayo," narinig kong sabi sa likuran ko.



Humiwalay kaming muli sa pagyayakapan at mabilis na lumingon sa likod ko dahilan kaya nakita ko si 'nay Sarah na nakangiti habang nakatingin sa 'min. Inaya ko naman si Lea na lumapit sa kaniya na mas ikinalawak pa ng ngiti niya.



"Kahit anong mangyari, huwag niyong hahayaan na masira kayo, okay?" Pagbibilin niya pa na ikinatango namin ng kapatid ko. "Halika nga kayo rito... yakapin niyo ang nanay..."


Mabilis naman kaming lumapit sa kaniya at dinama na ang yakap mula sa kaniya. Bahagya rin kami nagtagal sa pagkakayakap nang mapagdesisyunan naming maghiwalay na. Napatingin pa 'ko sa lumabas sa kuwarto na si daddy pero mabilis kong iniwas ang tingin ko.



"Ganiyan ka na lang ba?" Pagkausap sa 'kin ni 'nay Sarah.



Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko po alam, 'nay. Ang dami ko pong nalaman na kahit kailan, hindi ko naisip na malalaman ko. Ang sakit ng ulo ko!"


"Iha..." Hinawakan niya 'ko sa balikat. "Pinagpaliwanagan ka na rin naman ng magulang mo 'di ba?" Hindi ako sumagot at napayuko na lang. "Kung mahirap para sa 'yo na tanggapin... isipin mo rin kung paano sila naghahanap ng lakas ng loob para lang sabihin 'yung mga bagay na kailangan mong malaman."



Napatigil ako nang bahagya bago napailing. Inangat kong muli ang ulo ko at napabuntong-hininga. "Maraming pagkakataon ang mayro'n sila, 'nay.  Kung sinabi lang sana nila ng mas maaga, sigurado naman ako na maiintindihan ko, e..."



"Kung gano'n, naiintindihan mo ba ang mga paliwanag nila?" Hindi agad ako nakasagot. "Oh 'di ba? Maaga man nilang sinabi o hindi, mararamdaman mo pa rin 'yang nararamdaman mo ngayon. 'Yan din ang isa sigurong rason nila kaya hindi nila masabi 'yung mga gusto nilang sabihin."



"But it would probably lessen the pain... the confusion, 'nay..." Napakibit-balikat ako. "At least, kahit papa'no, may nalaman ako. Hindi kagaya ngayon, na gulat na gulat, hindi alam kung anong gagawin sa mga nalaman."


"Buksan mo ang isip mo sa mga bagay-bagay, Lia..." Naramdaman ko ang paghawi niya sa buhok ko na tumatabon na pala nang bahagya sa mukha ko. "Nasasaktan ka, oo... Pero nasasaktan din ang magulang mo."




Hindi na lang ako nakapagsalita at napayuko na lang muli. Nalilito na 'ko kung ano ang dapat kong gawin. Pipilitin ko ba ang sarili kong tanggapin ang mga bagay-bagay na nalaman ko?



Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum