Pinagtitinginan na nga kami dahil sa lakas ng tawa niya kaya sa inis ay iniwanan ko siya roon at wala akong pakialam kung mamatay pa siya sa kakatawa.

Ngunit mula sa malayo ay kita ko si Trevor na walang emosyong nakatitig sa akin bago sumulyap sa likuran ko at ibinalik ulit sa akin. There is something in his eyes that I can't explain....is it pain? No.....bakit naman siya masasaktan..?

Nakangiting kumaway ako sa kaniya pero tanging tipid lang na ngiti niya ang nakuha ko bago niya ako tinalikuran. Kumunot ang noo ko dahil this past few days ramdam ko ang pag-iwas niya sa akin dito sa school. Hatid-sundo pa rin naman niya ako at okay kami pero bakit......hayyts...nevermind.

Matapos ang mag-hapon ay hindi ko na nakita si Trevor. Ang weird dahil nasanay na ako kapag lalabas ako ng room ay nandiyan na siya nakasandal sa pader habang hinihintay ako. Hindi naman tago ang relasyon namin pero hindi rin naman namin pinakalalandakan, I mean, kung may nagtanong kung kami ba edi sasagutin ko ng 'oo'.

"Where is Trevor?" Tanong ko kay Chloe nang makalabas kami sa room namin.

Inilibot ko na ang tingin ko baka nandiyan lang siya sa tabi-tabi pero wala pa rin. Ano kayang nangyari d'on? Tinignan ko ang cellphone ko kung may text o tawag man lang pero wala.

Ipinusod ko ang buhok ko dahil medyo mainit ang panahon ngayon. Habang naglalakad kami ay palinga-linga ako dahil baka mamaya andiyan lang siya at may inasikaso.

"Chloe, nakita mo si Trevor?"

"Kasama ko ba siya sa klase?" Bakas ang pagkasarkastiko sa tanong niyang 'yon.

Kumunot ang noo ko at hindi na kumibo. Where the hell are you Trevor!?

Nagbubulungan sila Cindy pero dahil medyo hindi kaya sa boses ni Cindy ang salitang bulong ay narinig ko pa rin.

"TSS...kalma gurl, alam mong napakamanhid ng kaibigan natin, e." Bulong ni Cindy kaya wala akong nagawa kundi ang huminto sa paglalakad na agad din nilang ikinahinto.

"What's the problem?" Inosenteng tanong ko.

Sumeryoso ang mukha ni Chloe at nabahiran ng iritadong tingin. Sumulyap ako kay Cindy na tahimik habang naka-krus ang mga braso sa dibdib.

"Sabihin mo nga sa akin, Eugen. Ano mo ba si Gerald?" Seryosong tanong ni Chloe.

Itinagilid ko ang ulo ko dahil sa tanong niyang 'yon. Ano ko si Gerald? Seriously! Ano na naman bang problema nila, don't tell me they are suspecting me that we have something!

Inirapan ko sila at sumimangot,
"kaibigan Chloe....in English, Friends."

"E, bakit parang hindi 'yon ang nakikita namin?"

"Ano bang nakikita niyo? Nakikita niyo ba kaming nagyayakapan? Naghahalikan? What the hell! Kung ano-ano ang iniisip niyo!" Iritadong asik ko dahil feeling ko ay talagang nilalagyan nila ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Gerald.

"Can you blame us?" Sabay turo ni Chloe Kay Cindy habang iritadong nakatingin sa akin, "bago sa amin na maliban kila Trevor ay meron kang naka-close na kaibigan at lalaki pa! Tell me, ilang buwan pa lang kayo magkakilala pero gan'on na agad ka-close, really Eugen?"

"E, ano naman ngayon kung closed ko agad siya?"

Sarkastikong tumawa si Chloe bago inilingan ako na parang may hindi kapani-paniwala sa nasabi ko, "paano kung si Trevor ay makita mo na may naging ka-closed siyang ibang babae other than you, what will you feel?"

I suddenly imagine Trevor smiling to that girl. It makes my blood boiled and my heart aching because of that imagination. I can't.....hindi ko kayang makita siya na may kasamang ibang babae. Nagseselos ako dahil dapat ako lang ang nakakapagpatawa sa kaniya ng gan'on!

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now