CHAPTER THIRTY-SIX

Start from the beginning
                                    

"I'm sorry..." I said



"How do you feel now?"




Nanlaki ang aking mata nang sabay pa kaming humarap sa isa't-isa at sabay ding binasag ang katahimikan. Nakita ko pa ang pag-angat ng kilay niya na animong nang-aasar pa sa 'kin dahilan para maramdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa hiya.



'Damn it!'




"Why are you saying sorry all of a sudden?" He asked innocently. Gusto kong pingutin ang tenga niya dahil sa tono na narinig ko sa kaniya, alam kong nang-aasar siya.




"Why are you looking at me like that? I was just asking you. May masama ba ro'n?" Tila natatawa pang sabi niya dahilan para mas samaan ko na siya ng tingin.




"Wala... pero ang masama." I stopped. "Kapag ipinagpatuloy mo pa rin ang pang-aasar, tatamaan ka sa 'kin!" Pagbabanta ko pa sa kaniya na mabilis niyang ikina-angat ng dalawa niyang kamay, animong sumusuko ngunit dama ko pa rin ang pang-aasar niya.





"What do you want me to do? Tinamaan na rin naman ako," banat na aniya pa. Pinagkunutan ko siya ng noo dahilan para mapabuntong-hininga na lang siya at mabilis na nagbago ang reaksiyon sa mukha niya.




"Maayos na ba ang nararamdaman mo? May iba pa bang masakit sa 'yo?" Ang tila nang-aasar niyang tono, napalitan na ngayon muli nang pag-aalala.




Hindi agad ako nakasagot, sinusubukan pakiramdaman kung nahihirapan pa rin ba akong huminga. Nang maramdamang maayos na, wala sa sariling inilibot ko muli ang aking tingin dahilan para makita ko sila Claude at Molly na kausap na pala ang mga namamahala sa resort habang hawak-hawak naman ang lalaking nanakit sa 'min.




Napahawak ako nang bahagya sa aking dibdib, tila nakaramdam ito ng sakit. Sakit na hindi ko maunawaan kung kailangan ko nga bang maramdaman. Bakit hindi man lang niya ako tiningnan kahit na isang beses lang?




Bakit tila wala sa isip niyang nasaktan din ako at umasa pa rin na sa kabila nang hindi naming pagkakaunawaan, nasa tabi ko pa rin siya upang iligtas ako?




"I don't want to see your tears slowly falling into your pretty eyes, Lia..." Napatingin ako kay Adriel, tila muling nalulungkot na nakatingin sa 'kin.




Bahagya akong nagulat at mabilis na napapikit nang maramdaman ko ang dahan-dahang pagtakip ni Adriel sa lumuluhang mata ko.




"Continue to cry." He whispered. "And I'll cover it for you, Lia."




Hinayaan ko na lang na tumulo ang aking mga luha. Hindi na pinigilan. Hindi na rin kinontra pa. I slightly felt relief while my tears are still flowing. Pakiramdam ko, naging kalmado ako kahit papaano dahil sa pagluha ko. Pakiramdam ko, kumalma ako dahil sa mga palad na nakatakip sa mga mata ko.




Hindi ko na lang namalayan na ako pa ang kusang nag-alis ng pagkakatakip ni Adriel sa aking mata. Wala nang luha pang tumutulo. Wala nang bakas ng luha sa aking mata.




Ngumiti ako kay Adriel at ipinaramdam sa kaniya kung gaano ako nagpapasalamat ngayon sa presensiya niya. Alam ko rin namang naintindihan niya ang nais kong iparating sa kaniya kung kaya'y ngumiti siya bago tumango.




After what I did to him kanina, he still here, calming me and watching me. I even felt guilt even more because of my acts earlier. I shouldn't be like that to him. Ipinaramdam ko sa kaniya na hindi siya imbitado rito but still, naririto pa rin siya.




Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now