CHAPTER THIRTY-THREE

Start from the beginning
                                    

"Pero bakit mukhang hindi lang isang beses 'yon?" Sarkastikong tanong niya pa na agad kong ikinagulat. "Ayaw mo na muling ulitin? Pero bakit may nangyayari pa rin?!"



Muli kong naramdaman ang kaba ko nang sigawan na niya ako. Kitang-kita at ramdam na ramdam ko na talaga ang galit na mayroon sa babaeng nasa harapan ko.



"Bakit niyo ba ginagawa ito?" Pinakatitigan ko ang babae. "Kilala ko lang ang mukha mo ngunit pangalan mo'y hindi ko alam. Anong connection mo kay Lia? Bakit ganito na lang ang mga pakiramdam na ibinibigay mo sa 'kin?"



Nakita ko ang mabilis na pagtaas ng kilay niya, bago ako tinitigan na walang iwas-iwas. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil parang sa klase ng tingin niya, hinuhusgahan ako ng mga mata niya.



"Lia's special to me. A very special person to be exact." She stopped. "And people like you, will never be deserving for her."




Napatango naman ako sa sinabi niya, tila sang-ayon pa, pinipilit intindihin kung gaano nga ba kaespesiyal si Lia sa babaeng 'to. Tumingin ako sa gilid niya dahilan para muli kong mapansin ang lalaki.



"And you?" Naramdaman ko ang pagtitig niya sa 'kin. "Hindi ko makilala kahit na ang mukha mo kaya kung ano man ang dahilan mo, pipilitin kong intindihin."




Tumingin siya saglit sa gawi ng babaeng kausap ko bago niya muling ibinalik ang tingin niya sa 'kin.



"Simple lang naman ang dahilan ko." Tumigil siya saglit. "Hindi ko gusto ang mga ginagawa niyo na lingid sa kaalaman ni Lia! Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit kami ganito." Hindi nakaiwas sa paningin ko ang bahagyang pagkuyom ng kamao niy.



"Huwag ka nang magtaka dahil hindi namin." He stopped, trying to control his emotion. "Hindi ko na gugustuhin pang palibutan siya ng mga taong katulad niyo."



Mabilis akong napasinghap nang mabilis niyang ibinaba ang salamin niya at mabilis na binigyan din ako ng masamang tingin. Napatitig ako sa mata niya dahil naging pamilyar ito kahit papaano ngunit sadyang hindi ko pa rin makilala lalo na't muli niyang inangat ang salamin at bumaling sa babaeng kasama niya bago sabay na walang sabi-sabing tinalikuran ako dahilan para makahinga na ako ng maluwag.



"Sino ba talaga kayo?" Wala sa sariling tanong ko na hindi ko rin naman kayang sagutin.




Lia's P.O.V



"W-what the!" Nanghihinang usal ko na  lang.



Nanlalaki ang matang napatitig ako kay Adriel pababa sa kamay naming magkahawak na. Napatitig lang ako ro'n, iniisip kung paano ito nagagawa ni Adriel nang walang pag-aalinlangan.



Ngunit hindi ko maipagkakailang nakatulong ang paghawak niya sa kamay ko dahil naramdaman ko ang bahagyang pag-init nito dahil kanina pa nga talaga ako nilalamig.



Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya at
kitang-kita ko sa mukha niya ang nang-aasar na ngisi. Naramdaman ko ang pangungunot ng noo ko, iritable na sa klase ng tinging ibinibigay niya.



Sinubukan kong muling bawiin ang kamay ko ngunit tila mas hinihigpitan niya talaga ito. Sinamaan ko na siya ng tingin ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay bago nagkibit-balikat na animong wala siyang ginagawang ikinaiinis ko.



"You're turning red?" Tila inosente pang tanong nito, nararamdaman ang himig ng pang-aasar nito.



"Yes!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Let go of my hand or else..." I stopped.



Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now