Mahina siyang napatawa bago lumayo sa akin. Inangat niya ang magkasalikop naming kamay papunta sa kaniyang labi. Napasinghap ako ng dampian niya iyon ng mainit na halik.




"Ang pula mo na. Para ka nang sasabog," sabay tawa niya.




"Eh sa walang aircon dito?!" Kahiya grabe. Hindi ko talaga napipigilan ang sarili ko.





Nang magsimula siyang maglakad ng marahan ay sinundan ko na lamang siya na parang tuta.




"So... ano 'yong pero?" Hindi pa rin pala niya iyon napapakawalan. Bakit ko pa ba kasi dinugtungan 'yon? Haist.




Kagat labi akong napakamot sa likod ng batok. "H-huwag na... Nakalimutan ko."




"Nakalimutan o ayaw mo lang talaga sabihin?" Kahit hindi ako nakatingin ramdam ko sa boses niya na nakangisi siya ng tudo.




"Iyong pangalawa."




"Ows? Hindi ka marunong magpalusot ah? Haha. Cute mo na naman."




Mas lalo lamang na nag-wild ang lahat ng organ ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Nanlalambot din ang tuhod ko dahilan para ngiwian ko siya ng napakalalim.




"Parang tanga grabe," umikot ang mata ko sa ere. Gusto ko na lang na kainin ng lupa at huwag nang iluwa.




Malakas siyang tumawa habang panay ang tapik sa kamay naming magkasalikop. "Okay lang 'yan, 'di naman kita papakawalan. Kapit ka lang ng maigi sa akin."




"Hindi parin tayo bati kaya tumahimik ka na diyan," inis kong sabi, nasa daan lamang ang buong tingin. Hay! Nakakahiya mag-react 'tong katawan ko.




"Oo na, eto naman galit agad," ginatungan pa talaga.




"Hindi ko parin nakakalimutan iyong pagtulak mo sa ak— Hoy!" Halos mapatalon ako sa gulat nang agaran nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Namimilog ang mga mata kong tinapik ang kaniyang likod.




"Chrispher?"




"Ayaw na tuloy kitang bitawan," sabi niya na nagdulot ng nakakabaliw na kiliti sa buong katawan ko. Nakakapanindog balahibo ang init ng hininga niya sa leeg ko!

 


Eto ba 'yong sinasabi ng iba na clingy? Bakit ang cute? Nyeta.




"Halata nga," palihim akong napangisi habang sinasabayan ang kilos niya. Imbes na gumalaw ay napahinga na lamang ako ng malalim at pinabayaan ang segundo na magdaan. Marahan ko ring tinatapik ang kaniyang likod at paminsan-minsan ay sinasayaw ang katawan.




"Okay na?" Tanong ko.




"Another minute," he said and tightened his hug more. Tikom ang bibig akong nagbitaw ng malaking ngiti. I close my eyes and felt his warmth more. Susulitin ko na lang muna. Wala namang masiyadong tao dito, eh.




"Ate!"




I flinched when I heard my brothers voice. Nakita ko ang kapatid na kakalabas pa lang ng elevator. Kunot ang kaniyang noo at puno nang pagtatanong sa mga mata. Mas lalo lamang na bumilis ang tibok ng puso ko ngayon dahil na sa kaba.




Natataranta kong itinulak si Chrispher na ayaw namang bumitaw sa akin.




"C-Chris! Nandito kapatid ko!" Puno ng diin kong sabi sa kaniya.




OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum