CHAPTER TWENTY-NINE

Start from the beginning
                                    

"Alam mo bang ilang linggo akong hindi nakatulog dahil sa mga bagay na sinasabi mo?" Hinampas ko nang bahagya ang kaniyang dibdib na tila hindi naman niya ininda dahil halata pa rin ang pagkagulat sa reaksiyon niya.

"Alam mo bang ilang buwan kang sumasagi sa isip ko dahil hindi ko maintindihan ang mga bagay-bagay na trip mo?!" Muling paghampas ko sa kaniya.

Naiinis ako! Sobrang naiinis ako dahil sa lakas ng loob niyang magtanong sa 'kin matapos niya 'kong pahirapan kakaisip dahil sa kaniya.

Naiinis ako dahil naririto siya sa harapan ko matapos siyang umalis nang walang pag-aalinlangan.

Naiinis ako sa buong pagkatao niya!

"Umiiyak ka," mahinang sabi niya.

Kunot-noo akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat habang pinagmamasdan ang mukha ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang maraming emosiyon.


"A-ano bang sinasabi mo?" Naiirita kong tanong.


Imbis na sagutin ang tanong ko, dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya at pinadapo sa gilid ng mata ko at pasimpleng may pinunasan na mas ikinalaki ng mata ko.

'Shit! Bakit may luha sa mga mata ko?'

"Hindi ko inaasahan na ganiyan pala ang magiging epekto sa 'yo nang pag-alis ko," tila may lungkot na aniya.

Naramdaman ko sa kaniyang boses ang tila paghihinayang. Ang kaninang nakangising itsura niya, napalitan na ngayon ng kalungkutan.

Pinakatitigan niya ako habang unti-unti kong nararamdaman ang pagbaba ng kamay niya mula sa gilid ng aking mata papunta sa aking kamay na nakalapag na pala sa kaniyang dibdib habang prente pa rin siyang nakasandal.

"Kung alam ko lang na ganiyan ang epekto, hindi na sana ako umalis." Dahan-dahan niyang iniangat ang isa kong kamay habang dahan-dahan niya rin inilalagay ito sa kaniyang pisngi.

Nanlalaki ang mata akong napatingin sa kaniya at sinusubukang bawiin ang kamay ko ngunit parang kusang ayaw magpabawi nito at mas piniling pakiramdaman ang pisngi ng taong nasa harapan ko.

"Kung alam ko lang na may epekto sa 'yo." Tumigil siya saglit bago pinakatitigan ang mata ko. "Nagkaroon pa sana ako ng rason para gawin ang mga bagay na dapat no'ng una pa lang, ginawa ko na."

Napaiwas ako sa klaseng tingin na ipinupukol niya sa 'kin. Nakaramdam ako ng kaba nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Nagkaroon na naman ng tanong sa isip ko kung bakit niya bigla nasabi ang mga salitang sinabi niya.

"Kung alam ko lang na may epekto sa 'yo...Nagkaroon pa sana ako ng rason para gawin ang mga bagay na dapat no'ng una pa lang, ginawa ko na."

"Kung alam ko lang na may epekto sa 'yo...Nagkaroon pa sana ako ng rason para gawin ang mga bagay na dapat no'ng una pa lang, ginawa ko na."

"Kung alam ko lang na may epekto sa 'yo...Nagkaroon pa sana ako ng rason para gawin ang mga bagay na dapat no'ng una pa lang, ginawa ko na."

Agad akong napailing dahil nagpaulit-ulit sa aking pandinig ang mga salitang 'yon. Nagtataka kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya at kahit nanghihina, pinilit kong salubungin ang mga tingin niya.

"A-ano na naman ba 'to? Ano bang ipinupunto mo?" Sumeryoso ang mukha ko. "Bakit may panghihinayang akong nararamdaman sa sinabi mo?"

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, nalungkot ako dahil sa hindi niya paggawa ng mga bagay na gusto niyang gawin noon.

Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now