CHAPTER 25

144 6 0
                                    








"What's the matter?" he asked. Maybe he noticed that I was looking at him.




Umiling lang ako at binaling ang tingin sa ginagawa ko. Bakit ba ganito siya? Why he acting like everything was okay? Did he forget everything? Or maybe he pretends that he doesn't know what happened...





"Sigurado ka?"





"H-Huh?"




"Mukhang malalim ang iniisip mo. Do you have a problem? Sa bahay? Sa school?" tanong nito sa nag-aalalang boses.




"Uh...wala naman. Medyo nahihirapan lang ako dito sa ginagawa ko." I said. Liar!




Kinagat niya ang labi niya at tumingin sa ginagawa ko. Tumingin siya ng  saglit doon bago binalik ang tingin sa akin. "If you need help, you can ask me." he said.





I silently cleared my throat. Dahan-dahan akong tumango. "Okay. Thank you." I said.





Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang anino nitong ngiti na nakasungaw sa mga labi nito. Nagtaas ako ng isang kilay. Ipinasada niya ang kamay niya sa buhok niya at bahagyang tumawa na para bang may ginawa siya na nakakatawa. Tumingin siya sa ginawa niya at pinagpatuloy iyon, ganoon din ako.




I asked him when the question was difficult. Sinasagot niya naman ito ng maayos. Kung kanina ay nasa harap ko siya, ngayon ay nasa tabi ko na siya.




"Is it okay if I'll move here next to you?"




Tumango lang ako at tinuon na ang pansin sa ginagawa ko. Lumipat siya sa tabi ko para matulungan niya ako ng maayos dahil mahirap kung magkaharap lang kami. Ang akala ko ay maiilang ako sa kanya dahil sa nangyari kahapon pero mas lalo lang ako naging komportable ngayon na kasama ko siya.




Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin pero hindi ko na lang iyon pinapansin. Mas lalo lang ako maiilang kung tatanungin ko pa siya.





"Do you want to eat? Nauuhaw ka ba?" tanong niya nang napansin na kanina pa pala kami rito.





Umiling ako at ngumiti. "Okay lang ako." tanging sagot ko.





Itinaas niya ang tingin sa mga mata ko. "Are you sure?" tanong niya na para bang hindi ako sigurado sa sagot ko.




"Yes. Thanks." saad ko at binalingan ang gawa ko. Ganoon rin ang ginawa niya pero nakita ko ang palihim niyang pagsulyap sa akin. Palihim rin akong sumulyap sa kanya. Nakita ko ang mabilis niyang kamay na nagsuslat. Lalo lang ako namangha nang makita ko kung gaano kalinis at walang bura ang sulat niya. Hindi mo iisipin na lalaki ang nagsulat dahil sa ganda nito.




I won't wonder why Aika likes him. Hindi na ako magtataka sa bagay na iyon. Sa lahat ng bagay ay magaling siya. Sa school man o sa sports ay hindi talaga siya nagpapatalo. Hindi nga lang siya masyadong active sa sports ngayon dahil marami kaming ginagawa sa school. Tinigil niya muna ang basketball para hindi siya mahuli sa klase. Iyon kasi ang nakahiligan niyang gawin noon. Hindi ko pa siya napapanood maglaro. Hindi naman kasi ako mahilig manood nang ganoon. Boring ang basketball para sa akin pero nang nalaman ko na hilig niya iyon ay nag-iba ang ihip ng hangin.





"Uh...Jayson..." tawag ko sa kanya.





Nag-angat siya ng tingin. "Why?" kuryoso niyang tanong.





My Bestfriend, My LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang