CHAPTER 39

212 5 0
                                    









Marahan kong hinarap si Aika. Wala akong naramdam kung hindi ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Sa sobrang bilis, hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin nito. Nakaramdam ako ng kaba. Sa hindi ko malaman na dahilan, nakaramdam pa rin ako nito.






Sumulyap ako kay Jayson. The pain was all in his eyes. I can see that he was scared. May dumaan sa mga mata niya na para bang naaawa siya sa 'kin. Na parang humihingi siya ng patawad. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Aika. Napalunok ako. Naramdaman kong bumibigat ang bawat paghinga ko. Bumigat rin ang pakiramdam ko.







Parang nagbago ang ihip ng hangin.







"A-Ano?" Nabasag ang boses ko.







Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. She's pregnant! How did it happen? Kailan pa? Ba't siya nandito kung buntis siya? Dapat ay hindi na siya gumagala gala pa. Makakasama iyon sa baby na nasa sinapupunan niya!





"I'm pregnant..." Ulit ni Aika, nanginig pa ang boses niya nang sabihin ito.






"B-Buntis ka?" tanong ko, gusto kong kumpirmahin kung totoo ito.





Nanginig ang labi niya bago tumango. I saw how her mouth tries to say something. Nakita kong gumalaw ang bibig niya na tila ba may sasabihin ito pero sa huli ay tango na lang ang nagawa niya.






Mahirap bang aminin 'yon sa 'kin? Bakit takot na takot siya? Bakit parang nag-aalinlangan siyang sabihin ito sa akin?






"Ito ba 'yon, Aika? Ito ba 'yong gusto mong sabihin s-sa akin sa school noon?" kalmado kong tanong.






"Oo, Alia...Ito nga 'yon..." she said.






I sighed. Ngumiti ako. I know it wasn't real. I was just trying to hide the pain, but I failed...





"Ihahatid na kita, Alia. Mamaya na tayo mag-usap, Aika-"






Bago pa matapos ni Jayson ang sasabihin niya, pinutol ko na agad iyon. "Bakit hindi ngayon, Jayson? Bakit hindi ngayon na nandito ako?" mapait kong tanong.




Anong pag-uusapan nila ni Aika? Bakit kailangan nilang mag-usap? May nangyayari na ba sa kanila na hindi ko alam? Bakit si Jayson ang nilalapitan niya? Bakit hindi ang tatay ng pinagbubuntis niya? Bakit hindi niya kausapin 'yong nakabuntis sa kanya?





Si Jayson ba? Si Jayson ba ang ama ng pinagbubuntis ni Aika? Paano nangyari 'yon? Mahal ko ni Jayson, kaya imposibleng siya ang ama ng bata na nasa sinapupunan ni Aika. He loves me. I'm sure of it...





"Alia, I want to take you home. Please, my love-"





"Stop calling me that!" sigaw ko kay Jayson.




Nakita ko ang gulat na dumaan sa mga mata ni Jayson. Mukhang hindi iyon ang inaasahan niya sa akin. Huminga ako ng malalim para magkaroon ng lakas na magsalita. Pinikit ko ang mga mata ko ng ilang sandali para matigil ang nagbabadyang tumulo na luha bago ito dinilat.





"You're pregnant, Aika..." I tried to sounded it happy.






Naluluha ang mga mata niya habang tinititigan ako. Tumango siya at napalunok habang pinagmamasdang ang reaksiyon ko.







"A-Alam na ba nila Tita Michelle at Tito Carlo 'to?" I asked.






She looked at Jayson before looking back at me again. "No...I didn't tell this to them..." sagot niya.







My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now