CHAPTER 26

142 5 0
                                    







Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay tumatatak pa rin sa akin ang mga sinabi niya. I know that it wasn't a puppy love. I'm not a kid anymore. I'm not a kid anymore. I know what I'm doing. My feelings for him is not a joke.




Paulit-ulit pa rin na inaalala ng utak ko ang mga nangyari sa library kanina. Library is quiet place to read some books. Hindi dapat kami doon nag-usap dahil puwede kaming ireklamo ng ibang estudyante. Mabuti na lang at wala masyadong tao no'n dahil kung hindi ay talagang patay ako nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung ano ba ang gusto kong ipahiwatig. Ang ayaw ko lang naman ay masaktan si Aika. Iyon lang. Iyon lang naman talaga ang humahadlang sa amin.




Iyong alam ko na kung ano ang gusto kong iparating sa kanya. Iyong alam ko na ang sasabihin ko kung sakaling magkaharap na kami. Iyong handa na ang mga salita na ilalabas ng bibig ko kapag nagkaharap na kami pero sa isang iglap bigla iyon mawawala. Bigla na lang makakalimutan ng utak ko. Bigla na lang makakalimutan ng bibig ko ang mga salita na gusto kong sabihin sa kanya. Kapag kaharap ko na siya, hindi ko na alam ang sasabihin at gagawin ko. Nanghihina na ako. Hindi na gumagana ang utak ko. Kahit ang bibig ko na gustong magsalita ay bigla na lang titiklop.




Nahihirapan na ako. Sobra. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung ano ba ang susunod kong gawin. Aika and I have the same feelings to him. Iisa lang ang gusto namin. Aika helped me to talk to him, but deep inside, I know that she still likes him. That she still have the feelings for him.




"Excited na ako! Ano na ang gagawin natin? Who will buy snacks? Food? Kaninong car ang gagamitin? Don't tell me na sa mismong araw na 'yon pa lang tayo magpaplano?" sunod-sunod na tanong ni Ciara.





"Ang dami mong tanong. Alamin muna natin kung lahat ba ay sasama o baka naman may gustong magbago ng plano." ani Kuya Enzo.





"Subukan niyong umayaw..." Ciara trailed off and looked at us. "Hindi na ako sasama next time kung ayaw niyo." hamon niya.




"I'm in." Kuya Kian muttered.




Sunod-sunod rin na sumagot ang iba kong pinsan. Tumango na lang din ako dahil alam kong kapag hindi ako sumama ay ganoon na rin ang iba. Baka ako pa ang sisihin kung sakaling hindi ito matuloy. Minsan lang naman manglibre si Kuya Chase sa amin at sa isang beach resort pa. Naramdaman niya rin siguro na nahihirapan na kami sa ibang bagay kaya gusto niya rin kami bigyan ng konting pahinga.





Ganoon talaga kapag may trabaho ka na, 'no? Pakalma-kalma ka na lang. Tapos ka na ng college kaya alam mong trabaho na lang ang kulang. Hindi tulad namin na kailangan pang mag-aral. Kailangan pang maghirap para makapagtapos hanggang kolehiyo dahil hindi namin alam kung saan kami pupulutin kung sakaling hindi kami nakapagtapos ng pag-aral.




Kahit anong yaman mo kung wala kang pinag-aralan ay wala rin 'yong kwenta. Para sa akin ang edukasyon talaga ang importante sa lahat. I don't believe in success if you don't have proper education. Dapat ay kakambal ng tagumpay ang edukasyon. Para maabot ang tagumpay ay kailangan ng edukasyon.





Lahat kami ay tumango. Napatingin kami kay Killean na nakatingin sa kawalan. Nang napansin na niya na nakatingin kami sa kanya ay nagsalita ako. "Hindi ka ba sasama? Come on, Killean. Minsan lang ito. Minsan lang manglibre si Kuya Chase kaya lubus-lubusin na natin." saad ko.





"I'll think of it first. Medyo busy kasi ako ngayon." she said.





"What? Sumama ka na, Ate Lean. You're so KJ!" si Chia na kontrolado ang iritasyon na pinakita.





My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now