CHAPTER 36

164 5 0
                                    


Install Jonaxx Stories App! Enjoy reading! (。♡‿♡。)









Nakauwi na si Killean. Naghintay kaming magpipinsan sa kanya sa airport. Hindi na sumama sila Tito Zed at Kean sa airport dahil masyado na kaming marami. Hinayaan niya na lang kami na magpipinsan ang sumalubong kay Killean sa airport. Sa mansion na lang sila naghintay. Sila rin kasi ang maghahanda ng mga pagkain kaya mas pinili na lang nila ang magpa iwan sa mansion. Kahit sila Mommy at Daddy ay nagpa iwan na rin para tumulong sa paghahanda.










Simple lang ang naging selebrasyon. Kompleto kami ay sapat na. Iyon naman talaga ang mahalaga. Ang buo kayo at masaya.








Wala pa ring nagbago kay Killean. Ganoon pa rin siya kaso hindi na tulad noon na masayahin. Alam kong pilit lang ang mga pinapakita niya na ngiti at tawa sa amin. Kahit no'ng sinalubong namin siya sa airport, alam kong peke lang ang ngiti na 'yon. Kilala ko siya. Nakasama ko siya simula noong mga bata pa lang kami. Alam ko kung kailan siya masaya o hindi. Alam ko lahat ng bagay sa kanya. Alam kong kahit anong pilit niyang maging masaya ay hindi pa rin no'n mababago ang lungkot sa mga mata niya. Umaarte lang siya na maayos ang lahat kapag kaharap kami pero ang totoo ay gustong-gusto na niyang umiyak.








Alam kong lilipas din ito pero hindi maalis no'n ang sakit. Ang sakit sa puso niya sa pagkawala ni Cedric. Biglaan ang pangyayari. Hindi ko alam na lahat ng mayroon sila ni Cedric ay hahantong sa ganito. Sa isang iglap ay gumuho na rin ang binuo niyang pangarap. Ang binuo niyang pangarap kasama ang taong mahal niya.








"Kumusta ka naman doon, Lean?" biglaang tanong ni Lianna. "Ang ibig kong sabihin ay kung anong ginawa mo doon?"








"Wala naman ako masyadong ginawa doon. Namatay na si Cedric, e, kaya ba't pa ako papasyal, 'di ba?" malungkot niyang tugon.







"I'm sorry to her that, Killean. We missed you." I said silently.







"I missed you, too, guys!" Killean smiled at me and looked at my cousins. "E, kayo? Kumusta naman 'yong sa beach resort? Nag enjoy ba kayo?" tanong niya sa amin.







"Hindi na namin tinuloy. Magsasaya kami tapos wala ka? Dapat kompleto tayo. Walang magaganap na outing kapag kulang tayo." giit ni Ciara.







"Salamat sa inyo. Kahit papaano naging magaan ang dinadala kong sakit." marahan niyang sinabi.








"We're always here whenever you need us." Brien said.








"Thank you." masayang sinabi ni Lean, hindi naitago ang lungkot.








"Damn, girl. I missed you so much." sambit ni Kuya Enzo sa kapatid niya at niyakap ito.








"I missed you, too, Kuya..." Killean said. "Namiss ko kayo ni Chia..."








"Boring siguro doon, 'no? Wala ako doon, e." Chia laughed.







"Pabalik balik ako sa burol ni Cedric. Masakit...na makita siyang nakahiga sa kabaong. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit...parang gusto ko na rin mamatay..." naluluhang sinabi ni Killean at kumalas sa yakap ni Kuya Enzo.






"I'm going to miss Cedric. He was an amazing man." buong puso kong sinabi.







"Yeah. He was the nicest person I have ever met." mapait siyang ngumiti.







My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now