CHAPTER 38

189 4 0
                                    










Sa sobrang pag o-overthink ko kagabi ay tinanghali na ako nagising. Ang akala ko ay nasa labas na si Jayson. Akala ko ay naghihintay na siya sa akin pero pagkababang pagkababa ko ay hindi ko siya nakit. Ni anino niya ay 'di ko man lang nakita. Hindi man lang siya dumaan sa bahay. Wala siya kaya si Kuya Chase na ang naghatid sa akin sa school.







"Anong nangyari kay Jayson, Alia? Lagi naman 'yon dumadaan sa bahay para hintayin ka at sabay kayo pumasok, 'di ba? Ba't wala siya ngayon?" Kuya Chase asked.






"Hindi ko alam, Kuya Chase..." Iyon na lang ang nasagot ko.








"Nagtext ba siya sa'yo, Princess? Tumawag ba?" tanong niya ulit.







"H-Hindi..." my voice was stuttered.







Tumango lang si Kuya Chase at tahimik na nagmaneho. Nanatili ang tingin ko sa labas. Bakit 'di niya ako pinuntahan? Bakit 'di man lang niya ako tinawagan na hindi siya makakasabay sa akin sa pagpasok sa school? Kahit na marami siyang ginagawa ay nahahanapan niya naman ng oras ang para sa amin. Lagi naman siyang nakakahanap ng tiempo para sa akin, para sa amin pero ba't 'di siya dumating? Marami na ba talaga siyang ginagawa? Ganoon na ba siya ka busy?







"Stop overthinking, Caralia. He's just a busy person. Dapat iniintindi mo siya. Hindi kayo laging magkasama. May mga oras na 'di kayo magkikita at magkakasama. May mga oras na 'di kayo masaya. Normal lang 'yon. That is the best time to learn." Iyan ang palagi kong binubulong sa sarili ko kapag 'di kami masyadong nagkikita.







Ganoon naman talaga sa isang relasyon, 'di ba? May mga panahon na masaya at minsan naman ay may problema. May panahon na nakakaramdam ka ng pagsasawa pero kailangang gumawa ng paraan para 'di humantong sa ganoong bagay. Sa bawat problema sa isang relasyon ay dapat na nasosolusyonan agad. It's just normal to have problems sometimes. The important is here is you know how to solve it immediately. 'Yong gagawa ka agad ng paraan para maayos 'yon. 'Yong hindi mo hahayaan na masira agad 'yon. Iyong ipaglalaban mo 'yon para lang mabalik 'yong dati.







"What if he's fall out of love with you?" tanong ni Julianna.






Sinabi ko sa kanila ni Killean ang lahat-lahat. Gusto ko ring humingi ng payo. Ayaw ko namang kimkimin ko na lang ito dahil baka isang araw ay bigla na lang ako sumabog. Kailangan ko rin ng opinyon kahit na sa kanila lang. Hindi ko naman 'to masabi sabi sa kay Mommy at Daddy dahil alam kong mag iiba na ang tingin nila kay Jayson. Lalo na si Kuya Chase at Lloyd.








"Ganoon ba 'yon?" tanong ko.







"Oo, Alia. Kapag naramdaman mo na bigla na lang siyang nagiging cold. Kapag pakiramdam mo na wala na siyang pakialam sa'yo. Kapag pakiramdam mo na may iba na siyang babae. Ganoon 'yon, Alia." Julianna mumbled.






"Bakit 'di na lang niya sinabi sa akin, 'di ba? Bakit kailangan pang paabutin sa ganito? Dapat sinabi na lang niya sa 'kin para maghiwalay na kami agad. Para 'di na siya maghirap pa sa 'kin." I said.







"I think nasasayangan siya sa mga memories. S'yempre matagal tagal na rin kayo. Baka ayaw niya pang bumitaw?" Julianna replied.






"Nakapag usap na ba kayo ni Jayson? Natanong mo na ba sa kanya ang bagay na 'to? Dapat alam niya 'to, Alia. He's your boyfriend. You should never hide this to him. All problems should never be hide with him." tanong ni Killean sa 'kin.







My Bestfriend, My LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя