CHAPTER 29

129 3 0
                                    












Sumakay kami sa elevator. I don't know what floor we are going to so I just followed him. Habang sa elevator kami ay iniisip ko na kung ano ang sasabihin o gagawin ko kapag nakarating na kami sa condo niya. Kung ano ang posible namin pag usapan.




Nakikita ko sa gilid ng mata ko na sumusulyap sulyap siya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil mas lalo lang ako maiilang sa sitwasyon namin. Nararamdaman ko ang kalabog ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan? Si Jayson lang naman 'yan. Siya lang naman ang kakausapin ko. Sino ba siya para katakutan ko?




Tahimik lang kami sa elevator. Walang bumasag ng katahimikan. Nang marating na namin ang floor na pupuntahan namin, nakita ko siyang sumulyap sa akin. Tumikhim ako at hindi iyon pinansin. Lumabas siya ng elevator at sinundan ko lang siya hanggang sa huminto kami sa isang pinto at mabilis niya 'yong binuksan. Tumingin ulit siya sa akin kaya mabilis kong binaling ang mata sa loob nang condo niya.





Bakit ba ito tingin nang tingin sa akin? Tutusukin ko mata nito, eh! Tignan natin kung makatingin ka pa sa akin!




Pumasok siya sa loob at nilingon ako. "Pasok ka, Caralia." sabi niya at nilahad ang sofa "Umupo ka muna dito."





Umupo ako sa sofa na tinutukoy niya. Pinanood niya ang kilos ko. Sinarado niya ang pintuan nang makita na nakaupo na ako. Pinasadahan ko ng tingin ang condo niya. I mentally smiled. Hindi ko alam na pati rin pala dito ay malinis siya. Mag isa lang siya dito at lalaki pa siya. Malayong malayo siya sa mga naging ex ko dati. Ibig ba sabihin nito na siya din ang gumagawa ng mga gawaing bahay? No wonder why girls like him in our school, huh?



Pumunta siya sa isang silid. Siguro ay iyon ang kuwarto niya. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng isang puting tshirt at black short. Ba't siya nagpalit ng damit? Dahil napawisan siya? Ang arte talaga nito sa katawan.



"Dito ka nakatira?" tanong ko nang nakalapit na siya sa akin.




Keep talking, Caralia, so that you won't feel uncomfortable!




"Ah-huh..."



"Mag-isa ka lang dito? O...may kasama ka pa na iba?"



"May nakikita ka ba na ibang tao dito, Alia?"





"Sino ang naglalaba? Nagluluto? Naghuhugas ng mga pinggan? Naglilinis ng kwarto mo?" tanong ko.




"Ako..."





"I-Ikaw?!"




"Yes. May problema ba doon?"




"Sigurado ka? I-Ikaw talaga? Where's your magulang ba?" I asked.




He chuckled. "Wala sila dito. Bumukod ako para matuto akong mabuhay mag-isa, Caralia. I want to learn new things alone. Gusto kong matuto ng mag-isa at kung paano tumayo sa sarili kong mga paa."




"H-Hindi ka ba nahihirapan na mag-isa ka lang?"




"No. Sanay na akong mag-isa, Alia."




"Akala ko kasama mo si Cedric dito..."




"May sarili siyang condo, Caralia. Sa ibang building siya." sagot niya.




"May balita ka ba sa kanya? Nakausap mo na ba siya?" I asked.





"Wala na akong balita sa kanya, Caralia. Baka busy lang siya. Huwag kang mag-alala. Alam kong babalik 'yon. Iyon pa."




My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now