CHAPTER 19

139 9 1
                                    






"Aika's here, Alia. Make it fast. She's waiting downstairs." Mommy said while I  was in my room.



"O-Okay, M-Mommy...." I said.



Pumunta agad ako sa banyo at mabilis na naligo. Bawat kilos ay kay bilis. Hindi na ako nag isip pa kung ano ang gagawin. Kung ano ang makita ko ay 'yon agad ang aasikasuhin ko.



Late ako nagising ngayon dahil nagpuyat ako kagabi. Tinapos ko ang iilan kong homeworks na hindi ko natapos. Umalis na sila Kuya Chase at Daddy dahil kailangan sila sa Montenegro Company. May meeting na naman siguro sila. Si Lloyd naman ay atat na atat pumasok kaya pinauna ko na lang dahil hindi pa ako nakakaligo kanina.



Sinuyod ko ang bahay. Mukhang umalis na si Mommy dahil siya na lang ang nakita ko. "Caralia!" Sinalubong ako ng yakap ni Aika nang makita ako nito.




"I'm sorry. Kanina ka pa ba?" I asked. Namumula ang mata niya at mukhang umiyak ito kagabi.



"Nope. Ngayon-ngayon lang. Tita already left after knocking on your door."



"Are you okay?"



Nangilid ang luha niya. "I'm sorry, Alia. But...I'm not okay." she cried and hugged me.


"Hush, Aika. Maraming lalaki sa buong mundo na 'to." Tinahan ko siya.



"But I love Luis, Alia. "



I sighed. "This is just a puppy love..."




"I...don't k-know." she said, still crying, so much in pain. "Best friend siya ng boyfriend nang pinsan mo, 'di ba?" she asked.



Don't tell that you want me to talk to him...I might lose my control and throw him words that can hurt him. Baka sa oras na ito ay kamuhian na niya ako.



"Yep." Tumango ako.




"Can you talk to him? Nahihiya na akong lumapit sa kanya..." she said. "Wala na akong maihaharap na mukha sa kanya. I think I lost him by confessing my feelings..." humagulgol siya.



"Stop crying, Aika. You deserve better than this." I sighed, making her calm in a way I know. "Okay..I'll talk to him later."


"Thank you, Alia. You're really my best friend." she hugged me tight.



"I am. I am."




I know everything's will be okay. I know her. She's my best friend and this is what I'm doing now is for her. I know her strengths and weaknesses. I know when she's lying and I know everything on her. I know when she's mad, when she's sad and when she's happy. Siya 'yong tipo ng kaibigan na hindi ka iiwan. I share my secrets on her and she did the same, too.



She's like an older sister to me. I loved her so much.



I don't wanna lose her just because I like Jayson. Matagal ko nang kilala si Aika, si Jayson ay ngayon ko lang nakilala. I can't take a risk.



Hindi ako papayag na mawawala ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa isang lalaki na walang kasiguraduhan kung magtatagal ba ang nararamdaman sa akin...


I asked Jayson through text....


Me:

Can we talk?



And he replied...

Jayson:

Okay. I'll wait on you after class.




"Where are you going?" Si Lean nang makita akong nagmamadaling ayusin ang gamit ko.



"May importante akong lakad." I said.



Kailan pa naging importante si Jayson sa buhay ko?



"Where naman?" sabat ni Lianna.



"Well...May kakausapin lang ako." sagot ko kahit malayo ito sa tanong.


Inayos ko ang mga gamit ko at hinarap ang mga pinsan ko na nanonood sa akin. "For the mean time, I want this to keep muna. I hope maintindihan niyo 'ko." I said and walk past them.




Ayaw ko munang sabihin sa kanila ang sitwasyon ko. Ayaw kong malaman nila na nahihirapan ako ngayon. Ayaw kong dumating sa punto na maiinis sila sa akin dahil sa ganito ako.



Nang nasa ikatlong palapag na ako ay nakita ko si Jayson. Hawak niya ang cell phone niya at may malalim na iniisip.


Sino naman ang iniisip niya at nagkakagan'yan siya? Maybe it's about Aika...



Tinitigan ko siya nang matagal bago ako maglakad pabalik, sa direksyon na hindi ko siya makikita at hindi niya ako makikita.


Naglakad ako ng paunti unti nang biglang tumunog ang cell phone ko. Mabilis kong nilingon si Jayson na nakatingin na sa akin ngayon.


Bakit ngayon ka pa tumawag, Lloyd?!



"Hello?" Bungad ko, naririnig ko ang boses ni Ciara at Lori.



"Ate?" tanong ni Lloyd sa kabilang linya.



"What's the matter?" I asked.


"I can't take you home. Dadaanan ko si Zane later."


"Yeah, I know. Take care." I said even if it's not really what I meant.



"You too. I love you." he said and cutted me off by suddenly off the call.



"I love yo-" Bastos!



"Are you done?" tanong ni Jayson na kanina pang nasa tabi ko. Hindi ko namalayan ang presensiya niya kaya nagulat ako nang makita ko siya pero nagawa ko pa rin na hindi 'yon ipahalata.



"Yep." Tumango ako. Sinusubukan kong hindi magkautal utal ang boses ko. Ayaw kong malaman niya na gano'n pala ang epekto niya sa akin.




"What are we gonna talk, then?" tanong niya at tinitigan ako sa mata.



Tusukin ko mata mo, e! Inirapan ko siya bago ako nagsalita. "Uhm...about sa kaibigan ko." sagot ko at nag iwas nang titig.





"Akala ko tungkol sa atin." bumuntong hininga siya at mapait na ngumiti.



What? Sa atin? Walang tayo, remember?!


"Excuse me?" mataray kong sinabi, mariin kong pinikit ang mata ko bago ko siya tiningnan.


"Dadaan ka ba? Hindi naman, ah." He chuckled.



"Stop it! You're so pilosopo!" Iritado kong sinabi.





"Sorry na." Lumapit siya at hinawakan ang pisngi ko. "I'm sorry na, Alia. Tama na 'yang galit mo sa akin, please." suyo niya at niyakap ako.



I frozed. Bakit niya ginawa 'yon? He's not like this. Lumayo ako nang konti sa kanya at pairap siyang tiningnan. Matalim ko siyang tiningnan sa mga mata. "Ikaw kasi, e!" I said.





"I'm sorry." he sighed. Lumapit siya sa akin at niyakap ulit ako. Mas mahigpit ang yakap niya ngayon kaysa kanina. Hindi na ako nakapalag pa dahil seryoso siya ngayon.






Tahimik niya akong niyakap. Ilang minutong naging tahimik ang paligid. Walang nagsalita sa amin. Walang gumalaw. Naramdaman kong hinila niya ako palapit sa kanya at hinigpitan muli ang yakap. Napapikit ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sa sitwasyon na ito.





Paunti unting lumuwag ang yakap niya. "I'm sorry." ulit niya. "I just...miss you, Alia..." he whispered.






My Bestfriend, My LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant