CHAPTER 9

144 6 0
                                    







Killean and Cedric are officially in relationship. I had confirmed it when I had make a phone call with her last night. Kung hindi pa ako nagtanong ay hindi niya siguro sasabihin. Gusto niya siguro na kami mismo ang manghula kaysa siya mismo ang magsabi sa amin.  Mahirap ba gawin ang bagay na 'yon? Sasabihin mo lang naman ang totoo, pero bakit gano'n kahirap sa kanya?






Kaya pala maputla siya no'ng nagkita kita kaming magpipinsan sa mall ay dahil sa hindi nagparamdam sa kanya si Cedric. I have told her that it was normal. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay dapat na sa inyo lang umiikot ang mundo. May mga bagay na dapat mas unahin kaysa sa isa't isa. There's a time for love.






Minsan ay naiinis ako sa kanya dahil lagi na lang niya inaalala si Cedric kapag kami ang kasama niya at kapag kasama naman niya si Cedric ay lagi siyang nakadikit dito. Konting konti na lang ay magkakapalit na sila ng mukha dahil lagi silang magkasama. Hindi ba nila kayang mabuhay na hindi muna magsama kahit isang araw lang?





Bumili muna ako nang pagkain ko sa canteen bago ako pumunta sa library. Malapit na ang exam namin kaya kailangan ko mag advance reading. Library ang una kong pinupuntahan kapag nalalapit na ang araw ng pagsusulit namin. Tahimik kasi dito at malinis kaya maganda magreview dito.





May dala dala akong sandwich at isang slice ng chocolate cake. Sabi kasi ni Kuya Chase na maganda raw ang chocolate kapag nagrereview ka. Gano'n rin daw ang kinakain niya kapag may mga pagsusulit sila noon, pero para sa akin nakadepende talaga 'yan sa isang mag aaral. Kahit anong kainin mo kung hindi gagana utak mo, edi hindi talaga gagana 'yon. Nakasanayan ko na rin kasi na kumain nito kahit na sa bahay ako.






"Can I sit here?" Tanong nang isang lalaki habang nagrereview ako. Nilingon ko ito at nakita kong si Jayson ang nagtanong. Tumingin ako sa ibang mesa na bakante at nilipat 'yon sa kanya.





"Sure." Nag aalangan kong sagot.




"Thanks."





"No biggie." I smiled.







"What are you doing?"






"Isn't it obvious? Duh! I'm reading."






"Oh. My bad!" tumawa siya ng mahina at tumingin sa paligid.






"Eh, ikaw? What are you doing here?"







"I'm following someone."







Tumingin ako sa kanya at ngumisi ng nakakaloko. "Who is it?" I asked.






Tinaas niya ang isang kilay niya at ngumisi. Umiling siya ng paulit ulit.







"Manhid." bulong niya sa sarili niya na hindi ko narinig.






Nilipat ko na lang ang tingin ko sa notes ko. Wala naman akong mapapala sa kanya at mas lalong babagsak ako nito kung makikipag usap ako sa kanya. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay nararamdaman kong nakangisi pa rin siya. Baliw na siguro 'to.






"Lumipat ka nga ng pwesto. Huwag dito. Iniistorbo mo 'ko." Iritado kong sinabi sa kanya.






"What?" Gulat niyang tanong nang bigla akong magsalita. "I'm just watching you and you're gonna tell me that I disturb you?"





"Then, ako ang lilipat!" Wika ko at tumayo nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Bitaw." utos ko.





My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now