CHAPTER 4

214 11 0
                                    






"Where's Lean?" Lianma asked as we go out to our classroom.





Wala kaming masyadong ginawa ngayon. Nagdiscuss lang at may ibibigay sa amin na exam next week. Maaga na naman akong magrereview nito. Gano'n kasi ang ginagawa ko kapag malapit na ang exams namin, nagrereview ako ng mas maaga para hindi ko na makalimutan kahit ang maliliit na detalye tungkol sa mga aralin namin.




"I don't know. Baka kasama na naman si Cedric." I simply said. Last time na wala siya sa klase ay kasama niya pala si Cedric. Ang akala niya ay planado namin 'yon para magkita sila, but the fact is wala kaming alam doon. Hinayaan ko na lang siya no'n. Wala pa naman ginagawa na masama si Cedric sa kanya. Ngayon na wala naman siya sa klase ay posibleng si Cedric na naman ang kasama nito. I don't know if there's something between them. But as I can see, it feels like Cedric likes Killean.




I don't know if my instinct is right, but I already experienced this. Alam ko na rin ang mga kilos ni Cedric. Maybe one of these days ay manliligaw na siya kay Killean.





Pumunta kami ng canteen at doon na lang naisipan na kumain. Nakalimutan ko magbaon ng sandwich kaya bibili na lang siguro ako kung may magustuhan ako sa mga tinitinda ngayon.





Si Lianna ang nagvolunteer na bibili ng pagkain kaya ako na lang ang naghanap ng pwesto namin. Binilhan niya ako ng cupcake at tubig habang juice at sandwich naman ang sa kanya. Pinili ko ang pwesto na malapit sa pintuan nang mabilis kami na makalabas kung sakaling tapos na kami kumain.





"Lianna, CR lang ako." I informed her. Iniwan ko ang pagkain ko at dinala ko ang bag ko.





"Balik ka, ah." she said.





Tumango ako at naglakad na paalis. Sa second floor ako gumagamit ng comfort room. Nakasanayan ko na doon na gumamit kaysa dito sa baba. Konti lang ang gumagamit ng banyo sa second floor kaysa dito sa baba. Kahit ang mga pinsan ko ay gusto rin ng comfort room sa second floor.






I'm on my way to confort room when someone called my name. Hindi ako lumingon dahil baka hindi naman talaga ako ang tinatawag niya. Ayaw ko mag assume na ako 'yon, pero wala naman masyadong tao dito.






"Hey, Miss!" He mumbled again. Kahit na hindi ako sigurado na ako ang tinatawag niya ay nilingon ko siya at laking gulat ko na ito 'yong guy na nabangga ko sa grocery store no'n. "Why are you here?" he asked, a bit shocked on his eyes.




Bakit parang siya pa ang gulat? Tinawag niya ako at siya pa ang may ganang magulat. Ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to.






"Dito ako nag-aaral." I answered.





"Really? Or you're just following me?" he amusingly asked.






Wow. Ang kapal ng apog mo!






"Why would I follow you?" I sarcasticly asked.





Tumitig siya sa akin ng matagal bago lumapit. Ang akala ko ay lumapit lang siya para makausap ako ng maayos, pero iba ang naging kilos niya. Umurong ako nang napansin ko na sobrang lapit na niya sa akin. Umurong ako nang umurong hanggang sa nakasandal na ako sa pader. Kinagat ko ang labi ko at pumikit. Palihim akong nagdasal na sana maglaho na lang siya o kaya ay ako na lang ang maglaho.






"Because you have a crush on me." he said.





Kumunot ang noo ko. "You wish!" I mouthed.





"Saan mo naman nakuha 'yan? Ako?" tinuro ko ang sarili ko at ngumisi. "Magkakagusto sa'yo?" I added and pointed him.





Tinitigan niya ako at nakita kong may sumilay na ngiti sa labi niya. "Exactly." he said. Hinaplos niya ang buhok ko at nilagay ang takas kong buhok sa likod ng tainga ko. Inilag ko ang mukha ko at nang napansin niya 'yon ay lumayo siya ng konti sa akin.





"What's your name?" Napapaos niyang tanong.





"Why?" tanong ko, nagtataka sa biglaan niyang tanong.





"I just want to know." mariin niyang sagot.




I smirked. "I'm sorry. I don't give my name to strangers." diniinan ko ang huling salita na sinabi ko.





"Why? Schoolmate naman tayo." Kumunot ang noo niya.





"Sorry talaga." I smiled sweetly. "Kung gusto mong malaman, then hulaan mo." may halong asar ang tonong 'yon. Tinalikuran ko siya at umakyat na sa second floor. Mabilis akong tumakbo para hindi na niya ako mahabol kung sakaling hahabulin niya ako.





Ano kayang name niya? Sayang at hindi ko natanong. Kung sa bagay hindi ko rin sinabi name ko kaya fair lang. Bahala na nga.




Pagdating ko sa canteen ay nakita kong kausap ni Julianna si Cedric at Killean. Wow! Kung kailan wala ako doon sila susulpot.





"Saan ba 'yong sinasabi mong new friend mo, Lean?" Lianna asked.




"Oh. Nasa classroom natin siya kanina. Friend ni Cedric." Lean replied.





"Yeah. My best friend. Mabait 'yon. Pakilala ko later." Cedric said.





Mabagal ang mga lakad ko. Gusto ko muna pakinggan ang pinag uusapan nila. At nang napansin ko na wala na silang pinag uusapan ay binilisan ko ang lakad ko at hinarap agad sila. "Kung kailan wala ako, doon kayo nagpapakita!" may halong tampo ang boses ko.





"Caralia!" Medyo gulat si Cedric nang makita ang presensya ko.






"Bagong dating lang kami." Lean uttered. "Saan ka ba galing? We're lookung for you." she added.






Umupo ako sa tabi ni Lianna at kinain ang pagkain ko na nandito pa rin sa mesa. Hinubad ko ang bag ko at nilagay 'yon sa likod ng upuan ko. "Sa CR." sagot ko at kumagat ng konti sa gilid ng cupcake. "Sinong pinag uusapan niyo?" I asked.





"Si Jayson. 'Yong bestfriend ko." Cedric replied.





"Best friend mo? Bago lang ba siya dito?" tanong ko.





"Yes. Best friend ko siya. Matagal na siyang nag aaral dito kaya imposibleng hindi mo siya kilala." sagot niya.






"Matagal na siyang nag aaral dito?" gulat na tanong ni Lianna.





"Yes. Matagal na si Jayson dito." he answered.






"Jayson? Saan na siya?" I curiousity asked.






"Here." A man voice echoed behind me.






Wait! That voice is familiar. Narinig ko na ito. I faced him and I'm so frightened that it's him again! Asshole.








My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now