CHAPTER 23

129 5 0
                                    











"Bakit ang tagal mo?"





Nagulat akong tumingin sa kanya. Bigla na lang siyang nagsalita. Ang akala ko ay hindi niya ako napansin. Akala ko hindi niya napansin na paparating sa kung saan siya ngayon. Paano niya nalaman ang presensya ko?





He looks like he doesn't care at all, but deep inside he cares a lot, huh?





"Kanina pa ako naghihintay sa'yo, Alia..." he almost growled.




"Sorry. Gusto ko lang kasi mag..."




"Mag?" he asked and faced me.




Mag-isip nang sasabihin ko sa'yo 'pag kaharap na kita.




"Wala." I replied. "Uh...Anong pag-uusapan natin?" I asked.




Tinuro niya ang katabing upuan niya. "Have a seat." he said.



"Uh...Okay..." I trailed off.



Walang tao dito banda sa kung saan kami nakaupo. Siya siguro ang pumili nito para hindi marinig ng ibang estudyante ang pinag uusapan namin. Marami namang lugar na puwede kaming mag-usap dalawa pero bakit dito sa library. Bakit dito sa library? Siguro nahihiya siya na makita kami ng ibang tao na magkasama. Ayaw niya sigurong makasama ako sa publiko na lugar kaya dito kami nag uusap ngayon sa library. Ito ang pinili niya para magmukhang nag-aaral kami. Na para isipin na iba na nagtutulungan kami sa mga aralin namin at wala ng ibang malisya pa.




"Ano ang pag-uusapan natin?"




"What do you think?" tanong niya ng nakataas ang kilay habang madilim na nakatingin sa akin.

"Hindi ko alam..." I paused.




"Damn, woman. It's about us." he darkly said.



"Ano naman ang mayroon sa atin?" Naguguluhan kong tanong.





"Ikaw? Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa akin? Do you like me? Anong tingin mo sa akin, Alia? " sunod-sunod niyang tanong na nagpagulo sa utak ko.



"What? Hindi kita naiintindihan."



"I should be the one saying that, Alia. Ikaw ang hindi ko maintindihan. Naguguluhan na ako. I really like you but I feel worthless. Hindi mo pinapahalagahan ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi mo man lang maintindihan ang gusto kong ipahiwatig sa'yo." singhal niya. "Gustong-gusto kita at sa tuwing nahahawakan na kita ay parang ikaw mismo ang bumibitaw."



I only stared at my hands. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksiyon. Bakit ba kasi ang bilis niyang umamin? Hindi man lang niya muna ako binigyan ng ilang minuto na mag-isip ng kung anong gusto kong sabihin. I was shocked. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na ganito ulit ang mangyayari. Alam kong may gusto siya sa akin. Alam ko 'yon pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala.



Sinaktan ko siya. Tinaboy ko siya. Tinulak ko siya sa kaibigan ko. Lumayo ako sa kanya. Ginawa ko ang lahat ng 'yan. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya, pero bakit ganoon? Bakit gusto niya pa rin ako? Bakit hindi man lang nag-iba ang tingin niya sa akin?

Hindi ko siya kayang tingnan. I'll make him forget me. If that's the best solution, then I will do that. 

"I like you, Alia. I really like you but I think it's useless." Bumuntong hininga siya. "I think confessing my feelings to you is useless. I feel so worthless. I don't like it."



"I'm sorry..." I muttered.



Tumingin siya sa akin at umiling. "No. Don't say that, please. It's not your fault." he said.



"But you're hurt because of me..." I said in a low tone.




"Yes. You hurt me. You hurt me many times, but it's not your fault." he said huskily.





"It's my fault because I have like you even you don't like me." he said with a sarcastic smile on his lips.





"No, Jayson-"





"Please, Alia, 'wag mo ng sabihin 'yan. I know you only look at me as a friend and it's not your fault..." he cutted me off.




"Okay." Bumuntonghininga ako.




"Thank you for the time, Alia. I need to go. May gagawin pa ako." he said, avoiding my stares now that I glance his way.




"Sure, Jayson." I whispered.




Gusto niya lang pala sabihin sa akin ang nararamdaman niya. Siguro ay ito na ang huling pag-uusap namin. Gusto niya lang ilabas ang saloobin niya nang maka move on na siya sa akin. Siguro ay pagod na siya sa akin.



Nang nakaalis na siya ay hindi ko na siya muling nilingon pa. Masakit para sa akin ang makita siyang umaalis. Ang makita siyang naglalakad palayo sa akin ay isa sa mga bagay na ayaw kong isipin.



Ganito rin siguro ang nararamdaman niya sa tuwing iniiwan ko siya. Sa tuwing iiwan ko siya mag-isa. Sa tuwing naglalakad ako palayo sa kanya.




Now, I know how it feels...




So this is the feeling of being left with someone you loved. Now, I know how it feels to be left with someone you loved. It hurts. It hurts that in extreme pain you would rather just die.



Tumayo ako at naisipan ng umalis. Ako na lang ang naiwan mag-isa dito sa library. I hurt him. Nasaktan ko siya kaya siya ganoon. Umiling na lang ako at bumuntonghinga. Magiging maayos rin ang lahat. Masasanay rin ako na gano'n ang pakikitungo niya sa akin. Mas mabuti na ang ganito kaysa masaktan ko siya.




Sa labas ng library ay nandoon pa rin si Aika. Nakita ko siyang naghihintay doon.  Nakita niya ang lahat ng nangyari. Sa tingin ko ay sapat na ito para mapanatag siya na mas pinili ko ang pagkakaibigan namin kaysa kay Jayson.





Ngumiti siya nang makita ako. Lumapit siya agad at mabilis na pinulupot ang kamay niya sa braso ko. "How was it?" tanong niya at nakisabay sa akin sa paglalakad.



"What happened? Did you fight? Did he say something that hurts you? What, Alia? Say it, please."




"It was okay. Hindi kami nag-away. Wala naman siyang sinabi na nakasakit sa akin..." I answered.






"What did he say?"





"Wala." sagot ko. "Kakausapin ko ulit siya bukas."




Tumingin ako kay Aika. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Ngumiti na lang ako sa kanya at hinila siya para makasabay sa akin na maglakad.




"W-What? Bakit? Ano ba ang pinag-usapan niyo? Mag-uusap ulit kayo, Alia?" tanong niya, may bahid ng pait ang boses niyang iyon.




"Uhm...sasabihin ko na lang sa'yo pagkatapos namin mag-usap bukas. I don't know if makakausap ko pa ba siya bukas. I think he's busy. Nagbabaka sakali lang ako." I said.




"Gusto ka pa rin ba niya?" she asked hesitantly.





"I-I don't know.." I said.






"I think, yes..."






"Let's not talk about it, please."




"O-Okay, Alia..." Ngumiti siya at tumango.




I know you still like him, Aika. I don't want you to hurt just because he likes me.





Makakahanap ka rin ng lalaki, Aika, 'yong mamahalin ka ng sobra-sobra.






My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now