CHAPTER 6

180 6 0
                                    




We didn't talk everytime we met at school, but when I'm with Julianna and Killean, I pretend that we were okay. I never paid attention to him. All I know is I need to be okay when we were in front of my cousins. This week is really exhausted. Maraming project bawat araw. Mabuti na lang at nand'yan ang mga pinsan ko. I always get late about our lessons, so I need to borrow my cousins notes. Minsan ay ayaw ko ng kumain dahil ang atensyon ko ay sa mga ginagawa ko na lang. I shall do this by myself. Hindi pwedeng lagi na lang ako umaasa sa mga pinsan ko. May sarili rin silang buhay at may mga gawain rin na dapat nilang gawin.




Hindi na ako nakakasama kay Aika tuwing inaaya niya ako na lumabas dahil sa walang katapusan na projects. Minsan ay nagvovolunteer siya na tulungan ako, pero tinatanggihan ko 'yon. Kailangan kong matuto sa sarili ko. Kailangan kong matutong tumayo sa mga sarili kong paa.






"May overnight tayo, hindi ba?" tanong ni Lean.




Kahit papa'no ay nakakapagpahinga pa rin ako kapag kasama ko ang mga pinsan ko. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko sila. Minsan nga ay nakakalimutan ko ang mga ginagawa ko kapag nand'yan sila.






"Yeah. Bukas pa naman 'yon." tamad na sinabi ni Lianna.





"Sasama ba kayo?" I asked while puttint a powder on my face.





"Yes. I'll come but 7AM ako pupunta." Julianna winked at me.





"Ba't ang aga?" nakakunot kong noo na tanong.





"Pupunta pa tayo ng mall at diretso na tayo sa mansion pagkatapos no'n." Lean muttered.





"So, 7AM talaga?" I asked again.






"Yes. Mag-aabroad si Kuya Bryan, hindi ba? So we're just celebrating because finally he have a work na sa ibang bansa?" Lianna mumbled.





"Where's Cedric, anyway?" I changed the topic. I looked at myself in the mirror as I put a red lipstick on my lips. I comb my hair too. Minsan ko lang ito nagagawa dahil may mas importante pa na dapat unahin kaysa dito.





"I don't know." Lean shrugged.





"Always blooming ka, Lean. Ito siguro 'yong epekto pag nililigawan ka ng isang Cedric." Asar ni Lianna.





"Baliw! Kahapon pa kayo! Buset!" Lean
pouted.




Umamin na si Killean sa amin. Ang sabi niya ay may gusto sa kanya si Cedric at nililigawan siya nito. Nakausap na rin ni Cedric sila Tito Zed at Tita Kean tungkol dito kaya mukhang payag naman sila sa panliligaw ni Cedric kay Killean.





Si Killean ay hindi pa pwede magboyfriend or ligawan man lang. Lagi siyang may limitasyon at alam ko 'yon dahil sabay kaming lumaki. Ngayon lang siya pinayagan at sa tingin ko ay boto na agad sila kay Cedric.





"Hey, girls!" A man's voice echoed. Mabilis ko itong nilingon at nakita kong sila Jayson at Cedric ito.




"Hi, Jayson and Cedric." Bati ko, medyo nauutal ang boses ko, mabuti na lang at walang nakahalata no'n.




Matamang nakatingin sa akin si Jayson. Nakipagtitigan rin ako. Akala niya siguro natatakot ako sa kanya. Sa huli ay ako ang unang bumitaw sa titigan namin. Sino ba naman kasi ang kayang makipagtitigan ng matagal sa kanya na ngisi nang ngisi? Bakit ba kasi ako naiilang sa presensya niya? Hindi naman ako ganito. Wala naman akong gusto sa kanya at wala akong balak na gustuhin siya. Siguro kaya ako ganito dahil sa nangyari noon sa amin. Kaya siguro ganito ang mga nagiging kilos ko dahil sa nangyari no'n. Tama. Naging magkaaway kami. Magkaaway kami kaya ayaw ko sa presensiya niya.







My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now