CHAPTER 17

142 8 1
                                    









"Uh...uuwi na sana ako." sagot ko at nag iwas nang tingin. Oo nga pala. Nakalimutan ko na mag uusap pa pala kami. Dapat kanina pa ako nagtaxi para hindi na niya ako nakita dito.



"Uuwi pero nakaupo ka d'yan." I can see his ghost smile.



Tumayo agad ako at pinagpagan ang likod ko. "Ano kasi...hindi b-ba p-pwedeng m-magpahinga?" I was stuttering! Damn it!



Kung kanina ay may multo siyang ngiti, ngayon naman ay nakangisi na siya. "Come here..." he ordered.



Kahit nagtataka ay lumapit pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at lumapit agad ako. Nakakunot ang noo niya pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Mukhang masaya siya sa ginagawa ko. Mukhang masaya siya na nagkakaganito ako ngayon. Natutuwa siya na nalilito ako ngayon.




"Give me your bag." He commanded.



"W-What? W-Why?" nauutal kong tanong nang ilahad niya ang kamay niya para ibigay ko na sa kanya ang bag ko.



"I'll accompany you to your home..." sagot niya at siya na mismo ang kumuha nang bag ko.



Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya ako sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil nandito siya pero ang paano si Aika? Ang sabi ni Missy ay sasabay si Aika kay Jayson. Kung nandito si Jayson, sino naman ang kasama ni Aika ngayon?



Pinaandar na ni Jayson ang sasakyan niya. Habang nagmamaneho siya ay nakatingin lang ako sa labas mula dito sa bintana nang sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako ngayon sa kanya. Siya dapat ang mahiya pagkatapos nang kaarawan ni Aika. Niloko niya ako. Niloko niya si Aika. Niloko niya kami...pero sino nga ba ako? Sino ba ako sa buhay niya? Kaibigan lang naman niya ako.



Sa aming dalawa, ako lang ang nagkakaganito. Ako lang ang nakakaramdam nito. Bakit ako lang ang nakakaramdam nito? Bakit parang ako lang ang may alam na niloko niya ako? Niloko niya ba ako? Paano? Siguro ay nag assume lang ako ng sobra.



Naramdaman kong bumagal ang takbo nang sasakyan ni Jayson. Nilingon ko siya sa pag aakala na may nangyari lang sa sasakyan niya nang bigla siyang magsalita. "I'm sorry, Alia..." he said.



Suminghap ako at ngumiti. "For what?" tanong ko, kahit alam ko na kung para saan 'yon.



"I'm sorry, Alia. I know that I had hurt you." Bumuntong hinga siya at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry."



"Why are you saying sorry now? Bakit ngayon lang?"



"I wasn't ready to face you." he said. "I'm sorry. I don't like her. We're just friends. Nothing more, nothing less."




"Please stop acting like this, Jayson. You don't have to do this. Magkaibigan lang din naman tayo, 'di ba?"



"No. I m-mean you're hurt...because of me..."



"W-What? W-Who said that I was hurt? Who said that you hurt me? I was totally fine with it. I'm okay..."



"She's just a friend to me. I only see her as a friend."




"O-Okay. Ako rin, 'di ba? Kaibigan lang rin ang tingin mo sa akin?"




"Alia..."



"Stop it. Mabuti pa, magdrive ka na lang." saad ko at bumaling sa bintana ng sasakyan niya.



"But-"



My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now