CHAPTER 10

166 8 0
                                    





Sa bawat araw na lumilipas na nakakasama ko si Jayson ay napatunayan ko na hindi siya katulad ng iniisip ko. Mali lahat ng mga iniisip ko sa kanya noon. Maling mali. I thought he is a jerk, arrogant, asshole, merciless and ruthless, but as time goes by, I saw the real him. He is far from what I had think on him. Hindi siya ganoon na tao.





Ang akala ko ay hindi na ako magtitiwala ulit. I promised to myself that Enzo is my last boyfriend and no more boys again. Nangako ako sa sarili ko na hindi na ulit ako magtitiwala. Na hindi ko na hahayaan na masaktan ulit ako. I am supposedly alone right now, but Jayson came along and feel me that I shall trust him again. And I did. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin. Kapag kailangan ko siya ay dumadating agad siya. Lagi niya akong sinasamahan kapag aalis ako na ako lang mag isa.






I had realized that not everyone are like what I have met before. Maalalahanin na kaibigan si Jayson. Mabilis ko siyang naging close. Kahit si Lianna at Lean ay naging kaibigan niya rin.






"Caralia!" Aika called me. Nandito kaming dalawa sa mall. Nagpasama kasi siyang maghanap ng dress na susuotin niya sa araw ng date nila ni Luis. Busy kasi ang mga kapatid niya kaya wala sa kanyang makakasama.







"Bagay ba ito sa 'kin?" tanong niya nang lumabas siya sa fitting room.






Suot niya ang blue dress na kanina ko pa tinitignan. Kinuha niya 'yon at mabilis na pumunta sa loob ng fitting room. Hinayaan ko na lang na kunin niya 'yon dahil una sa lahat ay sumama lang ako sa kanya para may kasama siya.






Ngumiti ako. Bagay sa kanya ang dress na 'yon. Sigurado akong magugustuhan siya ni Luis kapag nakita siya nito.





"You're pretty." I respond.





"Really, Alia?!" She asked.





Tumango ako at ngumiti. "Yes." I answered.




"Thank you! Wait lang, I'll change clothes muna." She said and entered the fitting room again.



Binaling ko ulit ang tingin ko sa mga nakahilera na mga dress. Lahat naman ay maganda, lalo na ang suot ni Aika na kanina ko pa tinitignan. Gusto ko sana kunin 'yon pero naunahan niya na ako kaya pinaubaya ko na lang 'yon sa kanya.





Minsan lang ako magsuot ng dress pero kung magsusuot naman ako ay tuwing may espesyal na okasyon lamang o kaya naman ay gusto ko.






Tumingin ako sa mga dress na nakadisplay dito. Siguro ay bibili na lang ako. Karamihan kasi ng mga dress ko ay mga regalo ng pinsan ko o kaya naman ay binili sa akin nila Mommy. Mas maganda siguro kung bibili ako ng kung anong gusto kong dress.





"I'm done!" ani Aika. Bukod sa dress na sinuot niya kanina ay bumili ulit siya. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.





Habang pumipili pa siya ay sumusulyap rin ako sa mga binibili niya. Lahat ay maganda pero ang hirap pumili.






"Bibili ka rin?" tanong niya nang makita na may hawak ako na dress.






"Yep, para may masuot rin  ako kapag galaan." tumawa ako.






"Tama 'yan, Alia. You should buy dress, too. I'll invite you on my birthday. Next week na 'yon." She smiled.





I nodded.





My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now