CHAPTER 35

188 6 0
                                    











Sinabi ko agad kay Jayson ang tungkol sa bagay na 'yon. No'ng unang tinanong ko siya ay hindi siya pumayag. Marami pa raw siyang gagawin na mas mahalaga doon tulad ng pag-aaral. Kahit na buo na ang desisyon niya ay tinanong ko ulit siya. Ilang beses ko siyang tinanong tungkol sa bagay na iyon. Bawat tanong ko ay nararamdaman ko ang pagka irita niya. Kahit ako ay ayaw niyang pasamahin. He said there are more important things than going out with Aika just to celebrate. Even his decision was final, I still ask him. Nakailang tanggi na siya pero sa huli ay tumango na lang siya. Napapayag ko rin siya sa huli.








"Who else will come?" he asked.







"Just Aika's friends." maikli kong sagot.








"Saan naman gaganapin?"






"Hindi ko alam pero si Aika na ang bahala doon."







"I want us to go there together. I will take you home, too."






I nodded slowly.







Hapon naman 'yon gaganapin. Siguro ay 'yong malapit na mag gabi. Wala naman kaming gagawin kaya okay lang. Mas mabuti na rin siguro ang ganito para kahit sa ganoon ay makilala ko rin ang mga kaibigan ni Aika. Hindi ko pa kilala lahat ng kaibigan ni Aika kaya magandang timing ito.








"Good morning, my princess." Hinalikan ako ni daddy sa pisngi. Bagong baba lang ako galing sa kwarto ko. Pagkarinig ko pa lang na nand'yan na si Jayson sa baba ay binilisan ko na ang bawat galaw ko. "Jayson is waiting outside. We let him in but he doesn't want to. He said he would just wait outside."







Tumango lang ako at sumulyap sa bintana.







"Has he eaten yet, Alia? Ask him. Maybe he wants to eat with us." suhestiyon ni mommy.






"N-No, Mommy. Pupunta na po ako sa school. Maybe we'll be late for class." I stammered.








"Okay. Take Care." Mommy smiled and opened her arms for a hug.








"Isn't it too early to go to school at this hour?" tanong ni Kuya Chase na kakalabas lang ng kusina.








"Hayaan mo na si Caralia, Chase. She's a big girl now." sambit ni mommy.









"I love you, my." I said.








"I love you more, sweetie." she said.








"Who will pick you up later?" tanong ni Kuya Chase.







"Si Jayson na, Kuya Chase..." sagot ko kahit na 'di ako sigurado.







"Hindi ba siya busy sa pag-aaral niya? Sigurado ka, Alia?" he asked again.








Tumango ako.








"Kapag 'di ka niya mahatid dito, magtext ka lang sa akin, 'no. Dadating agad ako sa school mo." he uttered.








"Thank you, Kuya Chase!" I exclaimed.








Hindi ako sigurado kung mahahatid ba ako ni Jayson mamaya. Marami na kasi siyang ginagawa ngayon lalo na sa school. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kahit ako ay tutok na tutok rin sa pag aaral ko.








My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now