CHAPTER 16

136 8 0
                                    








Carlos take me home after Aika's birthday that night. Hindi ko na hinintay na matapos ang birthday ni Aika. Mabilis  agad akong nagpaalam na uuwi na ako at mabuti na lang ay nandoon si Carlos para ihatid ako. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Jayson nang makita na nagpapaalam na ako para umuwi. Akala niya siguro ay sa kanya ako sasabay pero nagkakamali siya. Ayaw ko muna siya kausapin ngayon dahil ang sakit talaga. Matagal ko na itong iniisip at ngayon na totoo nga ang hinala ko ay nasaktan talaga ako. I know I'm not in my position to do this but I don't why.




Umiyak ako sa kwarto nang gabi na 'yon. Aika likes Jayson at hindi malayong magustuhan rin siya ni Jayson. She's prettt and smart. Mas mature siya sa akin at higit sa lahat magaling rin siya humawak ng isang relasyon. Sikat rin siya sa school at halos lahat nang lalaki ay may pagtingin sa kanya.




I don't understand myself right now. I don't know why I cried for him. We're juat friends but thinking that he's close to Aika is hurting me so much. Feeling ko anytime ay pwede siya makuha ni Aika sa akin na dapat ay hindi ko katakutan dahil kaibigan ko lang naman siya.




Maybe I already have feelings for him that I still denying because I'm afraid to love...or I'm already falling but I'm denying it because maybe sooner or later, he'll leave me for Aika.




I keep busy myself in school. Bawat activities na pinapagawa sa amin ay mabilis na natatapos dahil kasama ko ang mga pinsan ko sa paggawa nito. Minsan ay tumutulong rin sila Cedric at Jayson. I had nothing to worry because we're always team work.




Hindi ko pa rin nakakausap nang matino si Jayson. Umaarte ako na maayos lang ang lahat kapag kasama namin ang pinsan namin. Wala naman ako sa lugar para humingi pa nang eksplenasyon. I was totally fine with it. I forget it easily. I don't deserve an explanation because I'm just a friend to him. Sino ba ako para sabihan niya sa mga bagay-bagay.




"Nakakainis naman. May quiz ulit." reklamo ni Lianna.


"Buhay estudyante..." Lean murmured.




Tumayo ako at tumingin kay Lianna. "Cafeteria?" I asked.




Alam na nila ang ibig kong sabihin. "Sige. Gusto ko nang kumain." sagot ni Lianna.




"Lean, punta tayo sa cafeteria. Doon na lang natin ituloy ang pagrereview." Lianna said to Lean.




Sana pala ay nagbaon na lang ako para hindi na ako nag abala pa na pumunta sa cafeteria. Kung alam ko lang talaga na marami kaming gagawin ngayon ay nagbaon na lang sana ako para hindi na masayang ang oras ko.




"Ako na ang bibili nang snacks natin. Maghanap na lang kayo nang puwesto natin." sabi ko nang nasa cafeteria na kami. Pagkatingin ko sa pila ay parang gusto ko na lang na huwag kumain. Hindi ko alam na marami pala ang kakain sa oras na ito. Sa sobrang haba nang pila ay pwede muna siguro ako matulog ng mga ilang minuto.



Mabilis akong pumila sa likod kaysa naman sa maghintay kami na maubos na ang mga pagkain. Nakatingin lang ako sa sapatos ko habang nakapila. Wala naman akong pwedeng ibang gawin kung hindi ang tumunganga at tumingin na lang sa kawalan. Nang nainip na ako sa kakatingin sa paa ko ay nilaro ko na lang ang mga daliri ko hanggang sa may naramdaman akong kumakalabit sa likod ko.


No'ng una ay hindi ko ito nilingon dahil baka imahinasyon ko lang 'yon. Gano'n pa naman ako ma-bored, kung ano ano na lang ang nararamdaman at pinag iisip ko. Nainis rin ako kaya mabilis kong binaling ang tingin ko sa likod ko at nagulat ako nang makita ko na si Jayson 'yon. So, ang ibig sabihin nito ay kanina pa niya ako kinakalabit? Bakit ba ang tanga ko rin minsan, ano? Hindi ko naisip na pwedeng siya rin 'yon.




My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now