CHAPTER 31

154 6 0
                                    













"Hi, Mom!" I greeted Mommy first. Bagong dating lang siya galing sa work. Pagod na pagod siya na bumaling sa akin. Ngumiti ako kahit papaano sa kanya. Sinubukan niyang ngumiti pero nawala rin agad ang ngiti na iyon.








"Hello, Alia. How's your study? Hmm? Is everything okay?"








"Yes, Mom. I will review later after our dinner. We have an exam tomorrow. I want to get high marks."







"That's my girl." Mommy smiled at me.







Umupo siya sa sofa. Sumundo rin ako sa kanya. Tinulungan ko siyang tanggalin ang sandals niya at pinalitan iyon ng tsinelas. "Where's Daddy, Mommy?" I asked. Kanina pa ako tingin nang tingin sa labas. Mag isa lang siya umuwi. Dapat mga ganitong oras ay kasama na niya si Daddy. Dapat ay nandito na sila at naghahapunan na kami.








"Nagpa iwan sa MC, anak." sagot niya.









"Si Kuya Chase, My?"








"Kasama ng Daddy mo. Don't worry, Alia. Uuwi rin sila mamaya." she smiled weakly.







"What happened po ba, Mommy? May nangyari ba sa MC?" nag aalala kong tanong.






"Nagkaroon lang ng konting problema, Caralia. Inaayos na nila 'yon ng Daddy mo. Maya-maya ay nand'yan na sila. Ano bang gusto mong kainin? Magluluto ako."






"Kahit ano na lang, Mommy. Lahat naman ng luto mo gusto ko."







"Saan na pala si Lloyd?" tanong ni Mommy at tumingin sa taas, nagbabaka sakaling makita si Lloyd na bumaba.







"Kasama sila Brien, Mommy."






"Ganoon ba. O, sige, magluluto muna ako sa kusina, Alia."








"Hindi ka ba magpapalit ng clothes, Mommy?"







"Mamaya na. Magluluto muna ako. Baka mamaya ay nandiyan na ang Daddy at mga kapatid mo."








Sumunod ako sa kusina. Tinulungan ko siyang ihanda ang sangkap ng lulutuin namin. Hindi ako ganoon kagaling sa kusina pero kahit papaano ay may konti akong nalalaman. Bata pa lang ako ay pinapanood ko na sila Mommy at Daddy na magluto kaya kahit ganito ay medyo sanay na ako sa kusina. Minsan ay naghuhugas ako ng pinggan. Ito kasi ang pinakamadali na gawain sa kusina para sa akin. Sa tingin ko ay dito lang ako magaling.







"Mommy, anong lulutuin natin?" tanong ko habang nagmamasid sa kanya.








"Sinigang na baboy, Alia."









"Wow! Is that what you cooked before, Mommy? I like that food. Paulit ulit ko iyang binalikan noon pero naubos agad."








"Really, Alia? Nagustuhan mo sinigang na baboy na niluto ko noon?"







Nakangiti akong tumango. "Yes, Mommy. Kahit sila Julianna at Killean ay nagustuhan din iyan."








"I'll cook next time, then."








"Thank you, Mommy." I said. "I think sinigang na baboy is luto na, Mommy."








My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now