CHAPTER 20

159 8 0
                                    










Tumikhim ako. "Jayson, pwede ba huwag mo na ulit akong yayakapin nang ganito. Baka may makakakita sa atin at sabihin na may namamagitan sa ating dalawa." saad ko nang hindi nakatingin sa kanya.


"So?"



"Baka kung ano ang isipin nila sa akin. Wala naman tayong relasyon tapos makikita na lang nila na nakayakap sa akin." dahilan ko at umusog ng konti para makalayo sa kanya.



"I don't care. Wala akong pakialam sa iisipin nila sa atin. Sino ba sila sa buhay natin, 'di ba?"


"Pero may pakialam ako sa sasabihin nang iba, Jayson, kaya please lang huwag mo na ulit akong yayakapin nang gano'n. Let's know our boundaries, Jayson."


"I'm sorry, okay? I just missed you. Is that wrong? Mali ba ang ginawa ko na yakapin ka? I only did that because I missed y-"



"Jayson..." Before he finish what he was saying, I cut him off.


Tumaas ang kilay niya bago supladong tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit masyado akong naapektuhan sa ipinapakita niya sa akin. Nakatitig na siya sa akin at masyadong madilim ang tingin niya. Hindi ako sanay na ganito siya at never talaga akong masasanay.



"Please stop this. Stop this nonsense...Stop saying that you love me, that you miss me because my best friend likes you!" I almost begged.



"Alia, naman?! Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang." he said angrily.



Lumayo ako ng konti sa kanya. Mabuti na lang at walang tao. I can see the two of us here. Mukha kaming nag aaway dito at kung makikita ito nang ibang tao ay bibigyan nila ito nang malisya.



"Alia...ikaw ang mahal ko. Mahirap bang intindihin 'yon?" tanong niya sa malungkot at naiiyak na boses. "Mahirap bang intindihin na ikaw ang sinisigaw nang puso ko?"



"Pero gusto ka ni Aika! My best friend likes you so much and it's making me so sick!" my voice croaked. "Aika is in love with you and what we're doing right now is wrong!"


"Anong mali dito, Alia? Anong mali kung mahalin kita?" tanong niya at lumapit sa akin.


Hindi ako nagsalita. I remained silent. Hindi ko alam kung ano pa ba ang sasabihin ko. Gusto ko siya. Gustong-gusto. Hindi ko lang kayang aminin dahil may kaibigan ako na gusto siya.



"Anong mali sa atin, Alia? Wala naman kaming relasyon. Walang namamagitan sa amin kaya hindi mali ang mahalin ka. I don't like her. I never did..."



"Gusto mong malaman kung ano 'yong mali?" I smiled bitterly. "Gusto ka ni Aika at...gusto rin kita, Jayson, pero wala akong magawa dahil best friend ko ang karibal ko sa'yo." I cried.



"Hindi ko na kaya, Jayson. Ayaw ko na sa sitwasyon na ito. Alam mo ba 'yon?" I said while crying so hard.




Ngumiti siya. "You like me? Is that what I've heard?" tanong niya, hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na nasabi ko 'yon sa kanya ng harap-harapan.




"Oo! Gusto kita! Gustong-gusto kita pero ayaw kong may masaktan dahil lang sa nararamdaman kong ito!"



Nawala ang ngiti sa labi niya. Napalitan 'yon nang isang ngisi na parang naiirita. Biglang nagdilim ang tingin niya bago tumawa. "So mas pipiliin mong masaktan kaysa maging masaya kasama ako?!" mapait niyang tanong.




Pinunasan ko ang luhang kanina pa tumutulo sa pisngi ko. Kahit na pinunasan ko na 'yon ay hindi ko pa rin mapigilan ang paghikbi.




I like him, yes. But I love my best friend.



"Oo, Jayson." tumango ako at ngumiti. Gusto kong ipakita sa kanya na ito ang desisyon ko. Na hinding hindi ako magsisisi dito. "Iyon nga ang gusto ko. I love Aika that even it can hurt me so much, I'll give up just to make her happy." dagdag ko.




Tumango siya sa kawalan. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha niya. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin pero kitang kita sa mukha niya na galit nga siya. Hindi niya siguro nagustuhan ang sinabi ko. "Ang swerte ni Aika at may kaibigan siya katulad mo." lumaki ang ngisi niya. "Sobrang swerte niya at may taong kayang ibigay ang lahat maging masaya lang siya."




"I'm sorry, Jayson." I said.




"Hindi 'yan ang gusto kong marinig sa'yo." malamig niyang sinabi.




"I'm sorry..." ulit ko, halos bulong 'yon. Iyon lang ang kaya kong sabihin sa kanya sa sitwasyon na ito ngayon.



Tumango siya at tinagilid ang ulo. Nararamdaman kong gusto niyang magalit o sumigaw pero niya ginawa. "I understand..." wika niya at tumango ulit.



"T-Thank y-you..." nauutal kong sinabi sa kanya.



"T-Thank you for...everything..." I said when I feel that he won't say anything.




"All for you, Caralia..."


It feels so good to hear my name on him. I feel so safe when I'm with him. I feel like everything would be okay when I'm with him. I'm always at my best when  I'm with him. But now, I don't think if I can feel it again. And I don't know if I can replace him again.




Naging seryoso ang mga mata niya nang tiningnan niya ako. "So what do you want me to do?" tanong niya.



"Please don't hurt, Aika..." I plead.



"It's about her again?"




"Just pleas-"




"How about you? Don't hurt Aika? Then, ikaw ang masasaktan!" iritado niyang sinabi.



"I don't care..." Umiling ako. "Wala na akong pakialam kung ako 'yong masasaktan dito! I just want my best friend to be happy. That's all. I'm fine with it." I said in a low tone.


Bumuntong hininga siya. "Is that all?" tanong niya na para bang naghahamon.



Tumango ako. "Yes." No. I want to say that but it's so selfish.



"If that's what you want me to do, then I'll gladly accept it." he sighed and looked at me in the eyes. "I'll do everything and anything for you." he added.




"Thank you." I smiled. "Please take good care of my best friend. I don't want to see her crying again."




"Makakaasa ka, Caralia." mataman niyang sinabi at lumapit sa akin. "Pero hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. You're still the girl I want to he with. I love you, Caralia Moanne Montenegro." he said and crouched to kissed my forehead.






My Bestfriend, My Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن