EPILOGUE

1.3K 59 20
                                    

"Rin? Are you awake, baby?" Tawag ko rito at kumatok sa pinto nito. Maya-maya lang ay agad ako nitong pinagbuksan at nakita kung kinukusot pa niya ang mata niya.

"Good morning po." Bati nito at yumakap sa akin habang nakapikit pa rin kaya napangiti na lang ako saka hinalikan siya sa pisngi at pumasok sa na sa loob ng kwarto nito.

"How's your arm?" Tanong ko habang tinitingnan iyon.

"It's okay na po. Maayos naman na, maigagalaw ko na." Sagot nito.

"Sigurado ka? Just say if you need or want anything. I will give it to you or I will help you."

"Wala naman po. Sandali, maliligo na muna ako. Hindi pa po ako nagtoothbrush." Lumayo pa talaga ito para sabihin iyon kaya natawa na lang ako saka tumango.

Nakita kung binuksan nito ang cabinet niya at kumuha ng damit na susuotin saka dumeritso na sa bathroom para maligo.

Habang naghihintay ay nahiga na muna ako sa kama at kinuha ang isang libro na nasa table sa gilid at iyon ang pinagkalibangan.

Makaraan lang ang ilang minuto ay lumabas na ito at nakabihis na kaya agad naman akong tumayo at niyakap siya. "Ang bango mo." Nakangiting saad ko at hinalikan ulit siya sa pisngi at ako na ang ngtuyo sa buhok nito.

"New year na pala mamayang gabi. Do you excited to see the fireworks?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman po. Iyon nga po ang hinihintay ko sa lahat eh." Sagot naman nito.

"Me too." Ngiti-ngiting sambit ko. "Wait here. Kukuha lang ako ng first aid. Palitan natin ang benda mo." Sagot ko saka tumalikod na at  pumunta sa cabinet at kinuha ang first aid sa loob at bumalik sa kaniya.

Sinimulan ko namang kunin ang lumang benda nito at ng matapos ay agad ko ng nilinis ang sugat nito saka nilagyan ng bagong benda iyon.

Ibinalik ko na sa cabinet ang first aid at tinapon sa basurahan ang  lumang benda niya saka lumapit ulit sa kaniya saka hinalikan siya ulit sa pisngi.

"Nakakailang halik na po kayo eh." Nakangusong saad nito.

Natawa naman ako ng sabihin niya iyon kaya niyakap ko na lang ito ng mahigpit. "Because I want to. Bakit bawal na ba kitang halikan?" Tanong ko.

"H-Hindi naman po." Sagot nito kaya ngumiti naman ako saka pinupog siya ng halik.

"Hindi ko alam ang mangyayari sa'kin kapag nawala ka." Saad ko saka pinisil ang magkabilang pisngi nito at hinalikan siya sa labi.

"B-Bakit naman po?" His face are red.

"Because you are my world. And I don't know what to do anymore if wala ka na. Siguro ay mababaliw ako." And I don't want that to happen.

"O-Okay po."

Napangiti na lang ako dahil pulang-pula talaga ng mukha niya pati na ng tenga nito.

"Too cute. Labas na tayo. Hinihintay na ata nila tayo sa baba." Tumango naman ito kaya inakbayan ko na siya saka lumabas na kami sa kwarto niya at dumeritso na sa baba.

Agad nga naming nakita ang lahat na nandodoon na  sa Dining Area kaya agad na kaming naupo saka nagsimula ng kumain.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay wala pang rin sa buhay ko. Pero ngayon....ito at kasama ko siya. Kompleto kami ng pamilya at mga kaibigan ko.

Hindi na kagaya ng dati na mag-isa lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming dumeritso sa labas at naglakad-lakad muna sandali. Ayaw maligo na rin dahil sa sugat niya at ilang araw na ring langoy ng langoy ang ginawa niya dito.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now