49

659 37 0
                                    

Kasalukuyan na kami ngayong nag-aayos para matulog dahil gabi na rin.

"Wala na raw tayong pupuntahan bukas, tama ba?" Tanong ni Nikki kaya napatango naman ako.

"Oo pero pwede naman daw tayong maglibot-libot dito kung gusto natin. Huwag lang masyadong lalayo." Sagot ko naman saka nahiga na sa higaan ko.

"Sabagay, andami naman na nating mapuntahan na magandang lugar at nakuhang mga litrato." Sabi niya naman saka nahiga rin sa higaan niya.

Napatingin naman ako sa cellphone ko at napabuntong-hininga na lang. Wala pa rin kasing signal hanggang ngayon. Nang nakaraan ay mahina na talaga 'yung signal dito pero kahit papaano ay pwede pang gamitin pero ngayon ay wala na talagang pag-asa. Kahit isang bar ng signal ay wala.

Gusto ko pa namang kwentuhan si Daddy...

Miss ko na siya.

Napabuntong-hininga na lang ako saka ipinikit ang mata saka sinubukang matulog.

Ten minutes later...

Gising pa din ako.

Ten minutes(again)later...

Wala pa rin.

Two more hours later...

Hindi talaga ako makatulog!

Nakahiga lang ako at hindi gumagalaw. Napamulat na lang ako at tumitig sa madilim na kung saan at nanatiling ganoon lang dahil baka sakaling antokin na lang ako bigla pero wala talaga.

Balak ko na sanang bumangon pero napatigil ako ng biglang bumangon si Nikki. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.

May kaunting sinag kasi na tumatama sa kaniya kaya nakikita ko siya ng bahagya lalo na ng lumabas siya. Wala sa sariling naipikit ko naman ang mata ko ng tingnan ako ni Nikki sandali ng masinagan na rin ako ng ilaw nanggagaling sa bonfire namin.

Nang makaalis siya ay napamulat naman ako at unti-unting bumangon at sinilip ang nasa labas pero nakita ko siyang naglalakad.

Susundan ko ba siya o matutulog na lang?

Pero hindi ako makatulog eh.

Tumayo na ako at lumabas sa tent namin saka walang ingay na sinundan siya habang nagtatago sa mga puno.

Para naman ako nitong ninja. Bakit ko ba ginagawa 'to?

Hayy.

Natigilan naman ako ng makitang tumigil si Nikki sa isang malaking puno na nasa gilid lang rin ng camp site namin. Pero hindi siya nag-iisa...

Kasama niya si... Axel.

Hindi ako puwedeng magkamali. Kahit kasi madilim ay lumiliwanag naman ang kapaligiran dahil sa sinag ng buwan. Medyo blurry pero alam kung si Axel 'yon.

Pero bakit sila nagkikita ng hating-gabi---hala?!

Napatingin naman ako sa kanilang dalawa. Nakasandal sa puno si Axel at si Nikki naman ay nasa harap lang nito. Parang nag-uusap ata sila. Hindi ko marinig kasi medyo malayo ako sa kanila.

Maya-maya pa ay bigla ko namang narinig na natawa si Nikki. Saka lumapit ito ke Axel saka sumandal din doon sa puno.

Nakita ko pang nakangiti si Nikki at si Axel ay nasa normal niya lang na reaksiyon kagaya ng dati.

Nagtagal pa sila roon ng ilang sandali at ng makitang papaalis na si Nikki ay agad na akong tumalikod at walang ingay na bumalik sa tent namin pero nagulat ako ng may mabunggo ako.

"Rin? What are you doing here---"

Tinabunan ko ang bibig nito at sinabihan siyang manahimik. "Huwag kang maingay. Alis na tayo dito." Bulong ko at hinila siya papalayo pero hindi siya umalis doon.

"Bakit? Answer me." Saad nito kaya nagdalawang-
isip naman ako kung sasabihin ko ba o hindi.

Pero sa huli ay napagdesiyonan ko na sabihin na lang. Wala naman sigurong masama doon, diba? Wala naman silang gusto sa isa't-isa ni Nikki eh saka si Axel naman ang gusto nun, eh. Hindi naman siguro magagalit si Nixxon, diba?

"Ano kasi---"

"Rin? Nixxon? Bakit kayo andito?" Biglang nagtanong si Nikki na nasa gilid na pala namin kaya nagulat naman ako at napahawak sa braso ni Nixxon at pinisil siya doon para humingi ng tulong.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

Tumingin pa muna sa akin ng ilang segundo si Nixxon saka ibinalik ke Nikki ang tingin.

"Nagpapahangin lang." Sagot ni Nixxon sa kaniya.

"Pero ang himbing na kanina ng tulog mo, Rin, ah?"

"Ano---"

"I woke him up. May shooting star kasi na magpapakita ngayon kaya ginising ko siya para makita 'yon. Ikaw, bakit ka pa gising?" Totoo ba 'yon? Paano kapag walang may magpakitang shooting star? Waaaah! Baka mabuko ako ni Nikki na nakikinig sa usapan nila ni Axel tapos magalit siya sa akin.

Hindi ko naman gusto, eh. Gusto 'yon ng curiosity ko.

Tumingin pa muna sa akin si Nikki saka ngumiti. "Nagpahangin lang rin. Hindi ako makatulog, eh."

"It's time. Dapat dumaan na 'yon." Saad ni Nixxon habang nakatingin sa cellphone saka tumingin sa langit kaya napatingin rin ako roon. Ang daming bituin at ang moon naman ay maliwanag.

Nanlaki ang mata ko at agad na nagwish ng makita nga ang shooting star na dumaan.

"Totoo nga!" Manghang saad ko pa.

"Tsh. Go back to sleep now. I'm leaving too."

"Ah, oo. Goodnight." Saad ko.

"Goodnight." Saad rin ni Nikki.

"Hm. Night." Iyon lang at naglakad na ito paalis kaya dumeritso naman kami sa tent namin. Agad akong nahiga sa higaan ko at ganoon rin su Nikki. Binalot naman kami ng mahabang katahimikan. Nang isipin na tulog na si Nikki ay nagkakamali ako. Bigla siyang nagsalita.

"I was right. You're so lucky, masyado ka lang inosente para hindi malaman 'yon. But sooner or later ay malalaman mo rin 'yan. I'm just here for you always. Thanks for being friends with me, Rin. Goodnight."

Naguluhan naman ako bigla sa sinabi nito. Hindi ko kasi alam kung ano 'yung tinutukoy niya. Pero napangiti naman ako sa mga huling litanya niya.

I always here for you too, Niks. Thank you too for being a good friend to me. Goodnight.

Tuluyan ko ng ipinikit ang mga mata ko saka sandali pang nag-isip ng mga bagay-bagay.

Paunti-unti naman akong nilukob ng antok kaya umayos na ako ng higa habang yakap-yakap ang unan ko saka napapangiting napamulat pa sandali at tiningnan si Nikki na hindi ko masyadong ang mukha. Bata nakatingin lang ako sa kaniya saka unti-unti na lang napapikit ang mata ko at tuluyan na nga akong dinala sa pagtulog.

Sana magustuhan ka na ng taong gusto mo...

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora