11

1K 56 8
                                    

"Lie kunin mo nga yung cake na andoon sa ref." Utos ni Tita kay Lie.

"Hindi na ako makagalaw. Ang sakit ng tiyan ko. Az, ikaw na kumuha." Turo naman nito kay Az.

"Ako pa? Eh parang sasabog na nga 'tong tiyan ko eh. Ikaw na, huwag kang tamad!" Natawa na lang ako sa kanilang dalawa saka tumayo na.

"Ako na lang. Diyan na lang kayo." Saad ko saka tumalikod na at tinungo ang kusina.

Kakatapos lang naming kumain  at ang dalawa eh ang daming sinalpak sa bibig kanina kaya ayon at halos naging bola na ang tiyan.

Nang makarating sa ref ay agad ko naman itong binuksan at hinanap ang cake na sinasabi ni Tita pero wala akong makita.

Nasaan na kaya? Parang dito lang naman 'yon nilagay ni Tita kanina...

Binuksan ko iyong nasa taas pero wala rin. Napatingin naman ako sa may taas talaga ng ref at andoon ang box ng cake.

Sinubukan ko namang abotin pero hindi ko maabot kaya napanguso naman ako saka sinubukan ulit pero wala talaga. Napakamot naman ako ng ulo at napatingin doon at lumundag ng bahagya para abotin at napangiti naman ako ng makuha pero  bigla akong na-out of balance dahilan para mapapikit naman ng mariin dahil tiyak na babagsak ako sa sahig.

Pero bago pa man iyon mangyari ay may sumalo na sa akin.

"Are you okay? Why did you do that?!" Napamulat naman ako at nakita si Nixxon na nakakunot ang noo habang deritsong nakatingin sa mga mata ko.

"A-Ayos lang ako. 'Yung  cake kasi hindi ko maabot." Paliwanag ko at napanguso pa dahil mukhang galit ito dahil sa ginawa ko.

"Tsk. Then you should asked for help. Paano kung hindi ako dumating?"

"S-Sorry na. Hindi ko na uulitin. Don't get mad at me." Mahinang saad ko habang hawak-hawak ang box ng cake.

"Just don't do it again, okay? You making me worried." Tumango naman ako habang nasa baba pa rin ang tingin.

"Galit ka pa ba?" Mahinang tanong ko.

"Hindi ako galit sa'yo. Ayaw ko lang na ulitin mo pa 'yon. Baka mapahamak ka. Ayos ka lang ba?" Napataas naman ako ng tingin sa kaniya at nakita ko naman itong nakatingin din sa akin. Ngumiti naman ako saka tumango.

"Hm. Salamat at sinalo mo ako."

"Handa kitang saluhin kahit kailan." Seryuso ang boses nito at maski ang mga mata niya na deritsong nakatingin sa mga mata ko.

"T-Talaga?"

"Oo naman." Nakangiting saad nito habang naglalakad kami pabalik sa mga kasama namin.

"Ayan na ang cake!" Sigaw ni Az at Lie ng makita ang dala-dala ko.

Bumalik naman kami sa upuan namin at nagsimula na ulit na kumain ng matapos ng hiwain ni Tita iyong cake.

Halos 1:25 P.M na kami natapos at nakaakyat sa taas para gumawa ng project.

Wala si Axel kaya wala akong kasamang magresearch pero kaya naman dahil tinutulungan ako ni Nixxon paminsan-minsan.

Ayon at ang dalawa naman ay nagsulat na ng mga dapat isulat. Medyo madami kasi isa ito sa kukuhaan talaga ng grade ngayong grading.

"Okay na ba 'to?" Tanong ko kay Nixxon habang pinapakita sa kaniya ang isang larawan na idadrawing niya.

"Yeah. It's good but I will like it more if you are my subject." Bulong nito kaya tinawanan ko naman siya saka tinuro gamit ang ballpen.

"Puro ka biro. Magdrawing ka na nga lang diyan."

Nanahimik naman ito pero maya-maya ay may iniusog itong papel sa akin kaya napatingin naman ako doon at may nakita akong nakasulat kaya binasa ko naman kung ano.

"Heart ka ba?"

"Bakit?" Tanong ko.

"Because you are the one who thought me that I have still emotions... that I can still love."

"Galing naman." Pumapalakpak pa na saad ko habang nakangiti. Napatitig naman ito sa akin ng ilang sandali pero agad ring natawa at napailing na lang.

Nagpatuloy na lang ulit kami sa paggawa namin at natutok kami roon kaya hindi na namin namalayan ang oras.

Dahil GUTOM na naman daw iyong dalawa eh napagdesiyonan ko na lang na bumaba tutal ay tapos naman na ako sa research.

Bigla ko namang nakita si Tita sa may kitchen at tila malalim ang iniisip. "Tita?" Tawag ko sa kaniya kaya napakurap-kurap naman ito.

"Yes?"

"Ah kukuha lang po sana ako ng meryenda kasi gutom na naman daw po iyong dalawa."

"Ay oo nga pala! Balak ko na sanang dalhin eh. Medyo nalutang lang ako." Kita ko nga ang juice at burger na nasa tray na nasa table lang rin.

"Ganoon po ba? Tsaka nga po pala, ayos lang po ba kayo? Mukhang malalim po iyong iniisip niyo eh." Napaupo naman ito sa upuan at senenyasan rin akong maupo.

"Naalala ko lang kasi kanina ang mukha ni Lie. Ang saya-saya niya habang kasama ka pero kapag wala na siyang kasama eh bumabalik na naman ang malungkot nitong mukha. Ako iyong naaawa para sa kaniya. Sinisisi siya ng iba sa kasalanan na hindi niya naman ginawa." Nakita kung tumulo naman ang luha ni Tita.

"A-Ano pong kasalanan? Bakit siya sinisisi?" Naguguluhang tanong ko.

"Diba sinabi namin sayo ng nakaraan na namatay ang kapatid niya? Namatay siya dahil may sumakal sa kaniya hanggang sa hindi na siya makahinga at nawalan na ng buhay. And Lie and I entered in the scene, galing siya sa school habang ako eh sinundo siya dahil birthday ng kapatid niya that day. Sayang-saya kaming dalawa at pinauna ko itong pinapasok sa bahay dahil may nakalimutan ako sa kotse. And then, pagdating ko sa loob ay nanginginig na siya habang nakapako sa kinatatayuan at nakatingin sa harapan. Kitang-kita namin ang walang buhay ng katawan ng anak ko. And do you know what happened next?"

"Lahat na lang bigla ng ebidensiya ay si Lie ang tinuturo na gumawa nun sa kapatid niya. Siya ang naging suspect sa pagpatay kahit nga hindi naman siya nakahawak sa kapatid niya kahit isang beses. And we just found out that the suspect planted the evidence na magtuturo lahat kay Lie para malinis ang pangalan niya sa ginawa niya. Well, Lie didn't go to jail because he is a minor pero kinuha siya mula sa akin ng mga pulis at dinala sa parang boy's town kung saan nilalagay ang mga batang nagkakasala sa batas. In short, para pa rin siyang nakakulong roon. I think two to three years siyang nandoon. At ng bumalik na siya dito ay ang laki-laki na ng pinagbago niya. Madalang magsalita. Palaging nasasangkot sa gulo. Nakatulala. At lahat ng tao kapag nakikita siya ay tinatawag siyang kriminal. Hindi kriminal ang anak ko." Sunod-sunod na tumulo ang luha nito kaya naman agad akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.


THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now