09

1.1K 55 9
                                    

"Alis na po ako!" Paalam ko sa mga Kuya ko. Wala si Daddy ngayon at si Kuya Krenx dahil nasa Europe sila for work.

"Ito kiddo baon mo." Napatanga lang naman ako habang naglalagay sila ng tig-iisang libo sa kamay ko.

"Palagi na lang po kayong nagbibigay eh ang dami ko pa pong pera na natitira. Saka si Daddy eh dagdag lang ng dagdag ng pera sa account ko. Hindi ko po 'to magagamit lahat." Kamot-ulong saad ko.

"Edi gamitin mo kapag kailangan mo na. Basta bawal na hindi mo 'yan tanggapin. Magtatampo kami." Wala na nga akong nagawa kung hindi ang kunin na lang ang pera.

"Salamat po. Pero hindi ko na talaga kailangan po 'to---"

"Bye kiddoo! Ingat sa school." Sabay-sabay na sigaw nila kaya natawa na lang ako saka napailing.

"Bye po!" Iyon lang at tumakbo na ako papalabas ng bahay at nagbantay ng taxi na dadaan at makaraan nga lang ang ilang sandali ay meron na.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na ako sa school kaya dumeritso na agad ako sa loob.

Habang naglalakad sa corridor ay hindi ko naman maiwasang hindi mapansin ang nga titig ng mga nadadaanan ko kaya dali-dali naman na akong naglakad para makaalis doon pero biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita si Axel at may sinusuntok itong lalaki.

Dali-dali naman akong pumunta doon saka hinawakan siya sa braso. "Tama na---aray! nasasaktan ako." Bigla na lang ako nitong sinakal habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin dahilan para makaramdam naman ako ng takot.

"Nakita mo na ang ginagawa mo? You're are really insane!" Sigaw ng lalaki sa kaniya dahilan para mapakurap-kurap naman ito at binitawan ako. Agad naman akong napaupo sa sahig habang hawak-hawak ang leeg at napapaubo.

"What the fuck are you doing?!" Narinig ko ang galit na boses ni Nixxon mula sa likuran at maya-maya ay agad ako nitong tinulungang makatayo.

Nanatili naman ang paningin ko kay Axel pero agad na lang itong tumakbo at balak ko pa sana siyang sundan pero hinawakan ako ni Nixxon sa braso. "Don't. He might hurt you again. Wait. Let me see your neck." Inakay naman ako nito papunta sa isang bench at pinaupo at agad na tiningnan ang leeg ko. "That jerk!" Dinig ko pang asik nito kaya napataas naman ang tingin ko sa kaniya dahilan para magtama naman ang mga mata naming dalawa at nakita ko ang pag-aalala at inis ay naroroon.

"Ayos lang kasi ako. Tsaka hindi naman ata niya 'yun sinasad---"

"Don't take his side again, Rin. He hurt you. Is that not enough to left him, forget him?" He asked.

"Pero---"

"What?" Galit na tanong nito kaya napababa naman ako ng tingin.

"Nothing." Mahina kung saad.

He just looked so hurt while looking at me.

"I'm sorry. Ayaw ko lang naman na may nananakit sa'yo. Did I scare you?" Alalang tanong nito pero umiling naman ako saka ngumiti.

"Medyo. Salamat sa pag-alala pero ayos lang talaga ako." Saad ko saka tumayo na. Agad naman itong umalalay kaya natawa naman ako. "Baliw! Ayos na talaga ako." Sambit ko pa. Agad namang umakbay ang kamay nito at ngumiti sa akin kaya nailing na lang ako.

"Tara na sa room." Saad pa nito kaya tumango naman ako at naglakad na kasabay niya.

Nang makapasok ay tyempo namang pumasok na rin ang teacher namin. Agad naman akong napatingin sa upuan ni Axel pero walang tao doon.

"Here." Nabaling naman ang tingin ko kay Nixxon at may nilahad itong isang  candy kaya kinuha ko naman iyon sa kaniya saka palihim na nilagay sa bibig ko. Nakita ko namang itong natawa sa ginawa ko kaya walang ingay na rin akong natawa.

Nakita ko naman itong nagsulat sa gilid ng notebook nito kaya napatingin naman ako doon pero hindi ko makita ang sinusulat niya pero maya-maya ay iniusog naman niya ito sa akin. "You like it?"

Basa ko sa nakasulat. Kumuha naman ako ng ballpen saka nagsimula na ring magsulat roon.

"Yeah. I really like it." Nakita ko naman itong nangiti ng ilang segundo saka nagsulat na naman doon. Ako naman ay nakinig na muna sa teacher namin na nagsasalita.

Inusog na naman nito ulit papunta sa akin ang notebook kaya napatingin naman ako doon at binasa ng tahimik ang mga nakasulat. "Eh ako? Gusto mo din ba ako?"

Natawa naman ako matapos basahin iyon saka nagsulat na rin sa ilalim ng isinulat niya.

Mga mapagbiro talaga iyong mga nasa paligid ko.

"Bakit candy ka ba?" Sulat ko saka iniusog iyon papunta sa kaniya at tumingin na ulit sa blackboard, sa mga sinusulat ng teacher namin.

Maya-maya ay ibinalik na nito sa akin ang notebook kaya napatingin naman ako sa nakasulat. "Hindi pero pwede ko namang patamisin 'yang mga ngiti mo."

Lumapad naman ang pagkakangiti ko at tumingin sa kaniya at nakita ko naman itong nakatingin at bigla pang kumindat kaya natawa na naman ako ulit saka napapailing-iling.

Kinuha ko naman ulit ang notebook saka nagsulat na doon.

"Makinig ka na nga. Dami mo ng alam eh."

Siniko ko pa ito saka senenyasan na makinig na at tumango naman ito at tumingin na sa harapan pero nakangiti pa rin.

Masaya ata ang isang 'to ngayon?

Ayon at nakinig na kami sa mga dinidiscuss ng teacher. At ng  makaraan nga ang ilang sandali at nagbigay ito ng quiz. Madali lang naman kaya nasagutan ko lahat.

Dumating din ang second sub namin at ganoon lang rin ang ginawa niya kagaya ng nauna naming teacher. Discuss at pa-quiz lang rin.

Nagsabi naman ang second sub teacher namin bago ito umalis na wala raw kaming magiging klase mamayang hapon dahil may meeting raw.

Naisipan ko naman na yayain na lang ang mga kasama ko na gawin na lang iyong projects namin at pumayag naman sila.

Tutal ay wala naman akong gagawin sa bahay kapag nandoon ako. Kung meron man ay kumain at maglaro lang kasama ang mga Kuya ko.





THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon