16

923 49 2
                                    

Kakatapos lang naming magpaalam ngayon kina Tita Azealea at pabalik na kami sa school.


Pero hindi pa kami nakakarating sa building namin ay may narinig na agad akong bulungan.

"Ang tindi, eh, no?"

"Magnanakaw kaya nakapasok bilang VIP."

"Tsk. Akala mo mayaman, magnanakaw naman."

"Hindi talaga nahihiya. Ang kapal ng mukha."

"Az lang malakas! Magnanakaw buong pamilya HAHAHAHA. Tapos hindi man lang nahihiya---"

"Ano ba?" Galit na sigaw ko sa kanila. Hindi ko na talaga matiis eh. Simula pa kaninang umaga ay naririnig ko na ang mga bulangan nilang 'yan pero hindi ko na lang pinansin pero sobra naman na ata sila?

"Rin hayaan mo na lang sila." Mahinang saad ni Az na animo'y nahihiya.

"Hindi, eh. Grabi silang magsalita na parang alam na nila lahat. At huwag na huwag kang mahihiya kapag alam mo sa sarili mong hindi mo naman talaga ginawa." Tila nagulat naman sila sa sinabi ko pero nanatili akong nakatingin sa ibang mga naroroon. Tiningnan ko sila ng masama pero may bigla na lang tumawa mula sa gilid.

"Napakabait mo nga naman. Pati magnanakaw eh pinagtatanggol mo pa"

"Nakita mo ba?" Tanong ko sa kaniya dahilan para mapatigil naman ito.

"Y-Yung alin?"

"Nakita mo ba si Az na nagnakaw?" Tanong ko pa sa kaniya ulit.

"H-Hindi."

"So, huwag kang magsalita na parang alam na alam mo. Hindi mo naman pala nakita pero kung makapagsalita ka parang nagnakaw talaga si Az." Naiinis na saad ko pa.

"Rin, tama na. Hayaan mo na lang sila..." Bulong sa akin ni Az at hinila ako paalis doon at ang mga kasama naman namin ay nasa likuran lang.

Nang makarating sa room ay nag-aalala naman akong tumingin sa kaniya. "Ayos ka lang ba?"

Ngumiti naman siya. "Oo naman. Ayos lang ako."

"Sigurado ka?"

"Yeah. Sanay na ako."

"Bakit kaya sila gano'n? Grabi kung makapagsabi ng masama eh hindi naman alam ang totoo."

"Hin--hindi ka ba naniniwala sa kanila?" Gulat na tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Ano namang kapani-paniwala sa sinabi nila? Na magnanakaw ka? Baliw lang ang maniniwala sa kanila. Oo, siguro hindi pa tayo ganoon katagal na magkakilala pero kahit gano'n ay alam kung hindi mo magagawa 'yon." Nakangusong saad ko pero bigla na lang akong nagulat ng bigla na lang ako nitong yakapin bigla at nakita kung gumalaw ang balikat nito na senyales na umiiyak siya.

Hinayaan ko lang siyang umiyak.

Nawala iyong matapang at makwelang Az. Napalitan iyon ng isang Az na parang batang inagawan ng laruan. Nakatingin lang sa amin ng seryuso ang mga kasama namin ngayon at parang alam na alam ang nararamdaman ni Az.

Hinayaan ko lang siya na umiyak ng umiyak hanggang sa maubos niya na itong mailabas. "HAHAHAH. P-Pasensiya na ah. Hindi ko lang kasi mapigilan eh." Ayon na naman ang mga luha niya. "Bukod kasi sa kanila," tiningnan nito ang mga kasama namin habang tumutulo na naman ang luha. "Ikaw lang 'yung naniwalang hindi ko ginawa 'yun. Kahit na hindi mo pa ako kilala ay ipinagtanggol mo pa rin ako."

"Hindi porket masama ang tingin sa inyo ng iba ay ganoon na rin ako. Tsaka kaibigan kita kaya ipagtatanggol kita." Nakangiting saad ko saka binigyan siya ng panyo.

"Punasan mo na nga 'yang luha mo. At kwentuhan mo'ko bakit ka nila tinatawag ng gano'n. Makikinig ako. At bawal kang tumanggi." Parang nagulat pa ito pero agad ring natawa saka tumango.

"I was in 7th grade back then. Naglalakad ako nun sa my corridor papunta sa cafeteria pero bigla na lang akong tinawag ng isa sa mga teacher at inutusan na dalhin raw ang mga papeles na iyon sa Dean's Office at sumunod naman ako. Pagkapasok ay agad kung nilagay sa desk ni Dean ang mga 'yun saka nagpaalam na sa kaniya at tumungo na sa Cafeteria dahil nga doon naman talaga ako pupunta. Pero hindi pa ako nakakasubo ay bigla na lang akong pinatawag sa Dean's Office dahil daw may nawawala doon. Pagpasok na pagpasok ay agad kung nakita na galit na galit ang Dean habang nakatingin sa akin at tinanong ako agad kung kinuha ko raw ba ang check na nasa mesa niya. Sagot ko naman ay wala dahil wala naman talaga. Pero hindi siya naniwala. Kinapkapan ako ng mga guards bigla na dumating at wala silang nakita. Pero dahil daw nakalabas na ako ay possible daw na naibigay ko na sa kasabwat ko. Ayon at diniin nila ako ng diniin na ako raw talaga ang kumuha. At dahil alam nilang magnanakaw ang Tatay ko na nakakulong na. Ayon at mas lalo nila akong pinaghinalaan. Sobrang laki raw ng pera na kinuha ko. Halos naglalaro iyon sa 50 Million. Kaya sa sobrang galit ng Dean sa akin ay tinakot niya ako na kapag daw hindi ko sinabi na ako ang kumuha ay papatalsikin niya ako rito at ang idadahilan niya bakit ako napatalsik ay iyong pagnanakaw at ang ugali ko na barumbado. At gagawa raw siya ng paraan para itumba lahat ng pagmamay-ari namin hanggang sa wala ng matira sa amin ni Mommy. At dahil ayaw kung mawala sa amin lahat at mahirapan si Mommy ay pinili ko na lang akuin ang kasalanang hindi ko naman ginawa. At sa huli ay malalaman ko na lang na sinet-up lang pala ako ng Dean at ng Teacher na nagbigay sa akin ng mga papeles. Ginawa nila iyon para mapagtakpan ang sariling kasalanan. Sila ang kumuha nun, inshort ay kinupit nila iyon para mapagmukhang ninakaw ang pera at hindi nasauli pero ang totoo ay nasa kanila iyon. Ako 'yung nagdusa sa kasalanan ng iba. Nang mga panahong iyon ay araw-araw nila akong tinatawag na magnanakaw kaya araw-araw rin akong may kaaway. Hindi madali, oo. Ayaw kung bumagsak kaya ayaw ko ring lumiban sa klase kahit na hindi maganda ang grado basta pumapasok. Hanggang sa lumipas ang panahon at tila nalimutan na ata ng mga estudyante pero mukhang bumalik na naman ngayon. Siguro dahil alam nilang lumaki at sumikat bigla ang mga bussiness namin kaya akala nila ay ako talaga ang kumuha ng perang iyon, siguro bigla nilang naalala." Mahabang pagkukwento pa nito habang nakatingin lang sa sahig.

'Para lang rin siyang si Lie. Napagbintangan sa hindi niya naman kasalanan.' Sambit ko sa isipan habang nakatingin kay Az na halatang ang hirap na hirap ng pinagdaanan noon.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now