26

804 38 0
                                    

"Axel tulungan mo nga ako dito." Kamot-ulong saad ko.

"What is it?"

"Dito sa math problem. Ang hirap eh." Nakangusong sambit ko.

Tinulungan naman ako nito at tinuruan kung paano kaya nakuha ko din iyong sagot.

Ang hirap-hirap kasi pero sa kaniya parang ang dali-dali lang.

"That's it."

"Salamat." Nakangiting saad ko saka bumalik na sa desk ko pero napatigil ng may makitang choco pie ro'n. Napalinga-linga naman ako at nakita si Nixxon na nakahiga na naman sa braso niya.

"Salamat." Bulong ko sa kaniya saka kinuha 'yung choco pie saka binuksan pero hindi pa man ako nakakakagat ay bigla ng kinain iyon ni Axel.

"What the---bakit mo kinain?!" Singhal sa kaniya ni Nixxon.

"Mukhang masarap eh." Simpleng sagot nito.

"But it's not for you, idiot!"

"Sorry, gusto mo ba isuka ko?"

Natawa na lang ako sa kanila. "Tama na 'yan. Okay lang, mukhang gutom si Axel eh." Saad ko naman.

"Patay gutom!" Singhal pa ni Nixxon kay Axel.

"Sarap." Nakangising pang-iinis pa ni Axel sa kaniya.

"Gago!"

"Ka."

"Tama na 'yan. Choco pie lang nag-aaway kayo." Saway ko sa kanila.

"Because that's for you and not for him, Rin!"

"Okay lang."

"Oh my, Rin is on my side, Nix" Pang-iinis pa sa kaniya ni Axel kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. "Okay. I'll stop." Tatawa-tawang saad pa nito.

"Rin! Samahan mo naman ako." Biglang singit ni Nikki.

"Saan?" Nakangiting tanong ko.

"Ah, diyan lang sa library. Isasauli oo lang 'to. Wala pa naman kasi tayong teacher, kung okay lang?"

"Oo naman. Tara---"

"Stay." Saad ng dalawa at hinatak pa ako paupo sa upuan ko na bahagya kung ikagulat.

"Eh walang kasama si Nikki. Ayos lang ako." Saad ko saka balak na tumayo pero hinarang nila 'yung kamay nila.

"Kaya niya sarili niya---"

"Hindi. Sasamahan ko siya." Saad ko pa pero biglang may naalala kaya napangiti naman ako pero agad ring tinago iyon. "Axel, ikaw na lang sumama sa kaniya para dito na lang ako." Tumingin pa ako ke Nikki na halatang nagulat at nahiya bigla pero kininditan ko lang siya.

"In one condition."

"Ano naman 'yon?" Tanong ko naman.

"Sa akin na muna 'yun. Sasabihin ko na lang sa iyo sa susunod." Saad nito saka senenyasan na si Nikki na aalis na.

Nagulat naman ako ng may maalala. Napatingin naman ako kay Nixxon pero nakatingin lang siya sa akin. "What?"

"A-Ayos lang ba sayo na magkasama sila?" Tanong ko.

"At bakit naman hindi?"

"Kasi... ano--- yung ano..."

"Tsh! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong gusto sa kaniya. "

Napanguso naman ako. "Ikaw kasi eh. Dapat kasi mo ginawa 'yon."

"Why do you keep remembering it, hm? Ang tagal na nun. I even forget it."

"Eh, kasi naiisip ko kapag nakikita ko kayo ni Nikki eh."

"Forget that. Hindi na mauulit 'yon. You know, why?"

"Bakit?" Nacu-curious na tanong ko.

"Secret."

"Pabitin ka naman eh." Tinawanan niya kang ako kaya napakamot na lang ako ng ulo.

Nakita ko naman si Terrence na may dala-dalang chips kaya kuminang naman ang mga mata ko. "Terrence, pahingi naman isa." Hinagisan niya naman ako ng isang balot ng chips. "Salamat ng marami."

"Punta ka lang sa'kin paggusto mo pa." Tumango naman ako saka binuksan na iyong inihagis niya saka tinunghayan si Nixxon.

"Kain." Aya ko saka sumubo ng dalawang chips.

Kinuha niya naman iyon sa kamay ko saka nagsimulang kumain. "I would prefer this than Nova." Sabi niya saka sumubo na naman.

"You like Piattos than Nova?" Tanong ko naman.

"Yeah. This taste better than Nova." Napatango-tango naman ako.

"Ako lahat gusto ko maliban na lang kung ang pangit talaga ng lasa."

"So...you like me? I didn't taste bad anyway." Biro niya pero sumagot pa rin ako.

"Hm. Oo naman." Sagot ko habang napatango-tango pa. Halatang magulat naman siya. "Ang bait-bait mo kasi sa akin though noong una eh pinagtitripan mo ako at sinusungitan."

"Ah, yeah..."

"Ang sarap nito." Saad ko saka kumuha ng tatlo saka isinubo lahat sa bibig ko.

"Para kang bata." Natatawang saad naman nito.

Nginuya ko naman muna 'yung nasa bibig ko saka sumagot. "Lahat kayo ganiyan na lang palagi sinasabi."

"Because you look like one and you're acting like one."

"T-Talaga?" Nahihiyang tanong ko.

"Yeah but it's okay. It suits you."

"Ganoon ba?"

"Hm. Akin na 'to." Bigla niyang inilayo ang plastic ng piattos  kaya hindi na ako makakuha.

"Kumakain pa ako eh." Saad ko pero wala na akong nagawa ng ilagay niya lahat sa bibig niya 'yung natitirang Piattos.

Napabuntong-hininga na lang ako saka walang nagawa kung hindi uminom na ng tubig.

Maya-maya ay nakabalik na si Nikki at Axel kasama nila yung teacher namin kaya hindi na kami nakapag-usap ni Nikki.

Nakinig naman na ako ng magsimula na itong magturo. Hindi ko na 'yung mga katabi ko na halata namang matutulog na naman.

Mga baliw eh.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя