12

988 51 3
                                    

"Hoy HAHAHAHA si Az nakita kung tumae sa kalsada ng bata pa---aray! HAHAHAHA totoo naman eh!" Tumatawang sigaw pa ni Lie habang hinahabol siya ni Az.

"Ang sinungaling mo talatang hayop ka! Ililibing talaga kita!" Sigaw rin ni Az at nagpatuloy sa paghabol kay Lie na tawang-tawa.

Lie...

Hindi ko alam na sa likod ng mga ngiti niya ay meron pala siyang tinatagong ganoong nakaraan.

"Rin, tara canteen. Libre kita." Bumungad sa gilid ko ang nakangiting mukha ni Lie.

"Sige!" Masayang saad ko saka tumayo.

"Sama ako. Sama ako. Sama ako." Parang batang saad ni Az.

"Hindi pwede! Bawal ang pangit na sumama." Natawa naman ang iba sa sinabi ni Lie.

Wala kasi kaming klase ngayon sa sub namin kaya ito at tambay-tambay lang muna sa room.

Kagaya ng nakaraan ay hindi pa rin pumapasok si Axel. Habang si Nixxon naman ay natutulog na naman.

"Tara." Tumango lang naman ako saka naglakad na palabas. "Anong gusto mong kainin?"

"Ikaw na bahala. Kakainin ko kahit anong ibigay mo." Sagot ko kaya napaisip naman ito.

"Cream balls kaya? Gusto mo 'yon?" Napabilog naman ang bibig ko saka napatango-tango.

"Opo!" Excited na sagot kaya ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Nagkakasayahan ata kayo." Napatingin naman ako sa nagsalita at agad na nanigas ng makita ang mga lalaki. Iyong mga seniors.

"Rin bumalik ka na sa room." Agad naman akong umiling.

"Huwag kang magmadali Lie. Ang damot mo naman pagdating sa VIP na 'yan. Bakit, ganoon ba siya kasarap para ipagdamot mo---"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang natumba ang lalaki matapos suntukin ni Lie.

"Gago ka! Pinalampas na namin noon yung kagaguhan niyo pero ngayon sumusubra na ata. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Astel." Galit ngunit may babalang saad ni Lie.

"Tama na. Bumalik na lang tayo sa room." Saad ko habang nakahawak sa braso nito.

"Bakit? Anong gagawin mo sa akin, huh?" Nakangising tanong ng lalaking Astel daw ang pangalan. "Bakit hindi ka makasagot? Takot ka bang malaman ni Rin ang baho mo?"

Nakita ko kung paano kumuyom ang kamay ni Lie at handa ng sugurin ang lalaki pero pinigilan ko lang ito saka umiling. "Huwag mo na silang patulan. Umalis na lang tayo." Iyon lang at hinigit ko na siya papaalis doon sa mga lalaki.

"Sinasabi ko sayo, Rin. Masamang tao sila!" Sigaw pa ng lalaki pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Nang makalayo ay tumigil naman ako at tumingin sa kaniya at nakita kung nakababa naman ang tingin nito. Ngumiti naman ako saka nagsalita. "Akala ko ba ililibre mo ako ng Cream balls?" Napataas naman ito ng tingin sa akin na tila nagulat pero ako iyong nagulat ng bigla na lang ako nitong yakapin ng mahigpit.

Agad naman lang akong ngumiti ulit saka hinagod ang likod nito.

"Paano kung totoo ang sinabi nila na masamang tao nga ako, Rin? Sasama ka pa---"

"Hindi masama ang Kuya ko." Putol ko sa sasabihin nito saka tiningnan siya saka ngumiti ng malapad. "Tara na. Gutom na ako. Gusto ko ng Cream balls. Iyong madaming-madami." Natawa naman na ito saka ginulo ang buhok ko.

"Tara na. Ililibre ka ni Kuya ng maraming Cream Balls." Tumango naman ako saka naglakad na habang ito naman ay nakaakbay pa rin sa akin.

Pero napatigil naman ako sandali ng makita si Axel na nasa harapan namin at nakatingin sa akin. Balak ko na sana siyang kausapin pero tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa saka ngumisi. "I'm wrong. You're not different from anyone." Naguluhan naman ako sa ibigsabihin nito kaya balak ko na sana siyang kausapin pero bigla na lang itong umalis.

Anong nangyari ro'n? Mukhang galit na naman siya.

"Hayaan mo na lang si Axel. Tinopak na naman ata. Ganiyan naman 'yan lagi eh. Paiba-iba ng mood." Tumango na lang ako ulit saka napagpatuloy na lang sa paglalakad.

Nang makarating sa may labas ng building ay pumunta kami agad doon sa may isang malaking store sa may kanan na nagbebenta ng iba't-ibang pagkain.

Dumeritso kami doon sa nagbebenta ng cream balls at agad na nag-order si Lie. Ako naman ay naupo na lang muna sa may mga upuan na andoon at naghintay dahil lulutuin pa. Maya-maya ay bumalik na si Lie na may hawak na malaking milk tea. Ibinigay niya sa akin ang isa kaya tinanggap ko naman iyon saka ngumiti. "Salamat."

"Hmm. Dapat kumakain ka ng madami para lumaki ka." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw nga na ang daming kumain eh hindi na lumalaki eh." Maski ito ay natawa na lang rin.

"Oo nga, no?" Napailing na lang ako.

Maya-maya ay naluto na ang cream balls namin. Gawa sa ice cream iyon na ibanalot sa harina at breadcrumbs at iba pang pampalasa tapos ay piprituhin sa mantika at kapag naging golden brown na siya ay pwede mo na siyang kunin.

Nagsimula na akong kumain at napatango-tango dahil ang sarap nga niyon. Strawberry at vanilla pa lang ang nabubuksan at natitikman ko.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain dahil ang sarap talaga. Tapos bumili pa si Lie ng cheesecakes na isang box at dahil masarap iyon ay napakain ulit ako.

Tawang-tawa naman ako sa kaniya dahil ang ibang icing ay nasa mukha na nito matapos ko siyang pahiran. Bumawi naman ito at agad rin akong pinahiran at tinawanan ako ng malakas.

Naging ganoon lang ang kami habang kumakain. At ng matapos ay sobrang busog ako. Iyong milktea ay hindi ko pa nauubos. Kalahati pa ang natitira.

Naisipan na naming bumalik sa room habang dala-dala ang isang box ng cheesecakes. Baka raw kasi magtampo ang iba na kami lang ang kumain at hindi man lang sila dinalhan.

At ayon ng makarating ay tuwang-tuwa naman ang iba lalo na si Az na dalawa agad kinuha. Madami kasing laman ang box kaya madami din makakain.

Hindi na kasi ako nakakadala ng cookies ngayon dahil nga umaalis-alis sina Kuya Krenx. At kung nakakagawa man siya ay para lang sa mga order at sa bahay.

Ayon at tawanan na naman ulit kami ng naghabolan na naman si Lie at Az. Para talaga silang aso't-pusa.

Dahil doon ay bigla ko namang naalala si Nixxon at Axel. Para rin silang aso't-pusa dati.



THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now