62

686 30 0
                                    

"Alis na po ako!" Paalam ko habang kumakaway kay Daddy na nasa gate.

"Be safe."

"Opo."

Sumakay na ako sa taxi matapos niyon at ngumiti pa sa kaniya. Nang hindi na siya makita ay itinuon ko na lang sa mga nadadaanan namin ang paningin ko. Dahil sa tagal kung dinadaanan 'to ay nasasaulo ko na ang mga iyon. Iyong mga bahay at 'yung mga building na nadadaanan.

Nang pumara na ang taxi ay agad na akong nagbayad saka bumaba na at pumasok sa loob. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may umakbay na sa akin.

"Morning." Bati nito.

"Good morning din." Nakangiting bati ko.

"How's your Sunday?" Tanong pa ni Axel.

"Ayos naman. Masayang-masaya pa rin." Sagot ko naman saka tumingin sa kaniya. "Ikaw ba?"

"I'm fine. It's just the same as before."

"Bakit---"

"Rin!"

Nagulat naman ng marinig ang sumigaw. Tinanaw ko kung nasaan siya at nakita ko itong tumatakbo papunta sa gawi namin mula sa likuran. Bigla na lang itong tumalon at yumakap sa akin dahilan para mapaatras naman ako para salohin siya.

"Fux? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya ng maibaba ito.

"Binibisita ka." Masiglang sagot nito.

"Sana hindi ka na nag-abala pa. Ang layo pa naman ng school mo mula dito." Saad ko saka inayos ang buhok nitong napunta na sa mukha niya.

"Okay lang. Wala namang may magagalit sa'kin eh. Tsaka minsan na nga lang kita nabibisita eh. Miss na kaya kita."

"Oo nga, no? Hm. Namiss rin kita." Nakangiting sagot ko.

Lumapit naman ito kaya nagulat naman ako pero may ibinulong lang pala kaya natawa na lang ako.

"Remember what I said, okay? Aasahan namin 'yan. Oh siya, buh-bye na! Kailangan ko ng umalis. Dinalaw lang talaga kita." Tumango naman ako saka ngumiti at kumaway pa.

"Masyadong madikit si Fux sayo ah?" Natatawang saad ni Axel kaya napakamot naman ako ng ulo.

"Ewan. Isang araw nagsimula na siyang lumapit sa akin eh. Pero ma-mabait naman 'yun kaya okay lang." Nakangiting saad ko pa.

"Tara na nga. Baka mamaya may biglang tumalon na naman sayo eh." Natawa naman ako sa sinabi nito saka nagpatuloy na mga sa paglalakad.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa room. Ayon at agad naman akong kinamusta ng mga kaklase ko at pinagtatanong kung ano raw 'yung nangyari. Sinabi ko naman sa kanila ang sinabi ko kina Daddy, hindi ko na rin sinabi ang iba dahil mag-aalala lang sila at magtatanong lalo.

Makaraan ang ilang sandali ay dumating ang teacher namin kaya nagsibalik naman na sila sa upuan. Iyong dalawa ay kagaya pa rin ng dati, nakahiga sa mga braso nila.

Ayon at discuss ng discuss ang teacher namin at ako naman ay naglilist down notes lang pero agad ring natigilan ng may maalala pero agad na lang ring napangiti at nagpatuloy sa pagsusulat.

Nagpaquiz si Sir at mataas ang nakuha kung score. Four mistakes lang ako para makaperfect. Pero iyong dalawa sa gilid ko ay two mistakes lang, ano pa bang aasahan ko? Parang may magic ang dalawang 'to eh.

Sinundan pa iyon ng pangalawang klase at naging maayos rin naman iyon. Nagsulat lang kami at nag quiz. Matapos nun ay agad na kaming dumeritso sa cafeteria para kumain.

"Idiot!"

"Stupid."

"No, I'm not. But you are."

"No, I'm not. But you are."

"Idiot!"

"Stupid."

Bangayan ng magkambal sa likod ko kaya natawa na lang ako. Ang dalawang 'to talaga.

"Tama na 'yan." Saway ko sa kanila kaya natahimik naman sila pero nagsasamaan pa rin ng tingin.

Pft.

Kinuha ko na ang pagkain ko na ibinigay ng chef saka na dumeritso doon sa mesa namin.

"Ayos na ba ang paa mo?" Tanong ko ke Nikki.

"Ah--Oo. Maayos naman na. Hindi na masyadong masakit."

"Mabuti naman kung ganun." Nakangiting saad ko saka kumain na ulit.

Nag-usap-usap pa kami habang kumakain at minsan ay tumatawa kapag nagbibiruan sina Lie at Az. Matapos niyon ay agad na rin kaming bumalik sa room ng magbell na.

Discuss at quiz lang naman ang pinagawa sa amin sa mga nagdaang mga subjects. Matapos idiscuss ay quiz na kaagad. Hindi naman iyon marami at hindi rin naman ganoon kahihirap ang mga tanong.

"Yo, pahiram naman ng ruler." Ibinigay ko naman sa kaniya ang extra ko na ruler saka nagpatuloy na sa ginagawa. Math na ngayon ang subject kaya kailangan ng mga ruler. Tyempong may extra akong dala.

Dito talaga ako nahihirapan eh.

"Oy, tulungan niyo naman ako dito." Kinalabit ko 'yung dalawa kaya tinuruan naman nila ako kung paano kaya sa huli ay nasagotan ko rin.

Nagpatuloy lang ako sa pagsukat at pagcompute. Kapag mali ang sukat, mali rin 'yung magiging sagot mo kasi mali ang cinompute mo.

Hayyyy.

Nagpapatulong na lang ako sa dalawa kapag nahihirapan ako sa mga iyon. Mabuti na lang at tinutulungan naman nila ako kaya may mga sagot ako kahit papaano.

Nang pasahan na ay agad ko ng pinasa iyon at saka bumalik sa upuan ko at napabuntong-hininga at napatingin na lang sa bintana.

"Are you okay?" Tanong ni Axel kaya tumango naman ako.

"Ayos lang. Nahirapan lang talaga ako sa math feeling ko sasabog 'yung utak ko." Tinawanan lang naman ako nito kaya napanguso na lang ako.

Nang magtaghalian ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Wala ng math, wala ng stress! Ang sarap pa ng pagkain.

Wala kaming first sa paghapon ngayon kasi may emergency na pinuntahan. Personal matters daw eh.  Kaya tambay muna kami sa cafeteria.

May free na eggnog na kasama ang lunch namin kanina. Marami iyon na siya ngayong kinakain ko.

"Hindi ka pa ba nabubusog?" Tanong sa akin ni Nixxon ng makitang kumakain ako.

"Hindi pa eh. Ang sarap kaya nito." Saad ko at ipinakita ang eggnog saka isinubo.

"Oh, sayo na." Bigay nito ng eggnog niya na agad ko ring kinuha.

"Akin na 'to, ah? Salamat!"

"Hm."

Nagpatuloy na ulit ako sa pagkain at nag-aya si Az na maglaro ng mini militia kaya sumali kami. Lahat kami. Ang saya-saya kasi simula pa lang patayan na kaagad.

Iyon lang ang ginawa namin habang nandoon. Tawa naman ako ng tawa dahil palagi ko silang napapatay.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now