PROLOGUE

4.5K 114 27
                                    

"Anong---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may humila sa akin mula sa likuran at dinala sa may gilid. Agad naman akong napatingin kung sino iyon at agad na nakita si Nixxon na deritsong nakatingin sa akin. "Are you mad at me?" Mahinang tanong nito.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko naman sa kaniya.

"Did I do something wrong? Galit ka ba sa akin?" Magkasunod na tanong nito habang nakatingin pa rin sa mga mata ko.

"W-Wala naman tsaka hindi naman ako galit eh. Bakit mo naisip na galit ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Because your not talking to me that you always do. Halos isang oras mo na akong hindi kinakausap. Kaya naisip ko na galit ka sa akin."

"Baliw! Hindi nga ako galit." Tatawa-tawang sambit ko.

"Then, forgive me?" Umiling naman ako kaagad ng marinig iyon.

"Hindi pa nga kayo nagbabati ni Axel eh." Dapat magkabati muna sila. Pinatawad ko naman talaga sila. Kanina pa nga eh. Nagkukumwari lang ako na hindi pa rin sila pinapatawad para magkabati silang dalawa.

Nakita ko namang nag-iwas ito ng tingin. "It will never happen. I'm sorry but I can't do that."

"Kaya mo 'yan. Ako nga eh, dati-rati ay ang sama-sama ng tingin mo sa akin lagi tapos parang parati kang galit kapag nakikita ako pero ngayon, magkaibigan na tayo. Oh, diba? Akala ko rin dati imposibleng maging kaibigan kita eh kasi parang nakakatakot ka."

"But I don't want you to my friend anymore."

"Huh?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko narinig ang sinabi nito.

"Nothing. Let's go to cafeteria." Aya nito sa akin at inakbayan ako paalis doon pero agad ring napatigil ng maalaka si Nikki.

"Si Nikki pa. Hintayin muna natin siya bago---"

"Kaya na niya ang sarili niya. Don't worry about him." Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya sa paglalakad ng maglakad na ito. Napatingin naman ako sa banyo pero hindi pa rin lumalabas si Nikki mula doon.

"Baka magalit sa akin si Nikki. Ikaw talaga ituturo ko." Saad ko pero tinawanan lang ako nito.

"I don't care about him anymore. Don't mind him, let's just eat, okay?"

"Hala eh nag-ano kayo noon eh---"

Agad ko namang tinabunan ang bibig ko ng maalala iyon. Agad naman akong namula dahil biglang nagflashback sa paningin ko ang scenen na iyon.

"Pft. Your reactions are always cute, huh? But you know, back then, kissing someone is not a big deal for me." Saad nito habang naglalakad kami.

"But---"

"But because of you it turns to be a big deal. You have said before that I must kiss someone....someone that I like and not someone else that I just want. And now, I'll follow you. Ang tanging hahalikan ko na lang ay ang taong gusto ko at hindi 'yung kung sino lang." Nakangiting saad nito.

"M-Madami ka bang nahalikan dati?" Tanong ko sa kaniya kaya natawa naman ito at pinisil ang ilong ko.

"Yes, madami."

"Talaga? Gusto mo ba sila?" Tanong ko naman sa kaniya at tumingin naman ito sa akin.

"Wala akong nagustuhan kahit isa sa kanila. For me, kissing and more is just fun. Nothing more. I'm an asshole, right?"

"Ewan ko. Pero parang masama 'yun, diba? Baka nasasaktan mo 'yung feelings nila." Saad ko naman.

"I don't know too. But let's forget about it. Let's just eat." Tumango naman ako saka agad na pumila.

"Pumila ka oy!" Tatawa-tawang sita ko sa kaniya. Naka-akbay pa din ito sa akin.

"No. I'll stay here." Wala na akong nagawa. Nagpatuloy na lang ako sa pagpila.






*****




Si Rin kausap ni Nixxon pero bat ako ang kinilig?👁️💧👄💧👁️

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora