43

666 32 0
                                    

"Ayos lang kayo?" Tanong ko sa dalawa at binigyan sila ng tubig.

"Yeah. Tsk, gusto kung ilampaso ang mukha ng gagong 'yun pero tanging suntok lang 'yung nabigay ko." Inis na saad ni Nixxon.

"Same here. I want to kill him there kanina. But you already kicked his ass." Segunda ni Axel.

"Tama na 'yan. Relax na kayo diyan." Saad ko pa habang hinahagod pa ang likod nilang dalawa. "Grabi no? Akala ko ang bait niya 'yun pala eh manyak pala."

"Yes, he's a manyak." Saad ni Nixxon.

"And he's a gago." Segunda ni Axel.

Napahikab naman ako habang nililinis ang sugat nilang dalawa. Siguro kanina sa pagsuntok nila doon sa manyak kaya nagkagasgas ang kamao nila. Namumula iyon at may maliliit na gasgas.

"Matulog ka na. Ayos na kami." Asik ni Axel pero umiling naman ako.

"Toka namin ngayon na magluto eh. Eh mamaya umaga na. Tsaka hindi pa ako tapos dito oh. At baka mamaya kapag natulog ako eh biglang siyang bumalik eh. " Kinakabahan pa rin aki tuweng naiisip iyon.

"Matulog ka na. Sina Az na bahala doon sa lulutuin. Magbabantay kami ni Axel sa labas ng tent niyo. Matulog ka na."

"Eh paano kayo? Pareho tayong walang tulog lahat eh. Hindi naman patas na kami kang 'yung matutulog." Nakangusong saad ko pa.

"Aish! So much reasons. Madaming oras mamaya para matulog, okay? Don't worry about us. Go there and sleep." Striktong asik ni Axel kaya napatango naman ako.

"Yo, you better sleep tight. Baka itapon ka nito sa dagat kapag hindi ka natulog." Saad ni Nixxon habang nakaturo kay Axel.

"Oo na. Tatapusin ko lang 'to. Basta matulog rin kayo mamaya." Sagot ko saka nagpatuloy sa paggamot ng mga sugat nila.

At ng matapos ay agad na nila akong inihatid doon sa tent.

"Salamat. Good night." Kusot-matang asik ko saka pumasok na sa loob at nakita ko si Nikki na inaayos na 'yung loob ng tent namin. Nagulo siguro kanina.

"Tulog na tayo." Saad ko saka basta na lang nahiga sa higaan ko saka niyakap ang unan ko na mahaba. Napamulat pa ako at nakita kung nag-aalala pa rin siya.

"Huwag kang mag-alala. Andiyan 'yung dalawa sa labas. Babantayan ka raw." Nagulat naman siyang tumingin saka ako hinampas ng bahagya.

"Niloloko mo'ko eh." Nakangusong saad nito kaya natawa naman ako.

"Hindi ah. Andiyan nga sila." Saad ko kaya agad naman niyang sinilip 'yung labas. "Diba?"

"O-Oo nga."

"Kaya matulog na tayo. Tayo ngayon nakatoka para magluto. Kaya kailangan nating magpahinga." Tumango naman siya saka ngumiti at nahiga na rin sa me higaan niya.

AT NANG mag-umaga nga ay nagising kami. Medyo inaantok pa kami pero gumising pa rin kami.

"Anong lulutuin natin ngayon?" Tukoy niya sa ulam na lulutuin namin.

"Hm. Sabi nila meat loaf, afritada, caldereta,  chicken nuggets, bacon and egg daw eh." Sagot ko.

*Afritada and caldereta is both canned goods here. 'Yung, wow ulam hehe. Baka may magtanong eh.*

Agad na kaming lumabas dala-dala ang mga delata na dala. Nagulat pa kami ng makita 'yung dalawa na nakaupo sa me puno at natutulog.

"Anong ginagawa nila diyan?" Tanong ni Nikki.

"Sabi nila diba kagabi na babantayan tayo? Grabi, tinotoo talaga nila 'yun?" Pabulong na saad ko saka nilapitan sila saka tinapik ng mahina.

"Hm?" Napamulat naman sila saka tumingin sa amin.

"Matulog na muna kayo doon sa tent namin. Inaantok na kayo eh. Gisingin na lang namin kayo kapag luto na 'yung pagkain." Saad ko tumango naman sila saka tumayo at basta na lang dumeritso sa loob at nahiga.

Antok na antok na siguro.

"Tara na." Aya ko saka dumeritso na doon sa lutuan. Andoon na ang iba naming kasama na magluluto ngayon.

"Kumuha pa ng kahoy sila Anton at Heques. Pabalik na rin iyon." Saad ni Az na may dala ring mga ulam.

Kagroup kasi namin siya sa toka toka. Bunot-bunot kasi 'yun ng nakaraan ng nasa school pa kami. Kung sini sa araw na 'to tapos bukas at sa mga susunod pa. Para lahat may gagawin.

Hindi namin kagroup si Lie.

"Ako na sa kanin. Kayo sa ulam." Saad pa ni Az at tumango lang namin kami.

Dumeritso na siya doon sa me gilid kung nasaan 'yung malaking lutuan ng kanin. At tyempong nakarating na sina Anton at Heques, kaklase rin namin.

Umalis naman kami muna ni Nikki at dumeritso doon sa me cooler at kumuha ng bacon, chicken nuggets at egg saka bumalik doon sa lutuin at sinimulan na iyong iprepare.

Nagsimula na akong gumawa ng apoy habang si Nikki naman ay hinahalo na 'yung itlog.

Sinimulan na namin munang lutuin iyong nuggets at hindi rin naman nagtagal ay natapos na rin kaya isinunod na namin iyong bacon saka iyong meat loaf and lastly iyong egg.

Madadali lang naman kasing lutuin lahat at iyong mga canned food naman ay hindi na namin niluto. Nilagay na lang namin iyon sa malaking bowl.

Maramihan kasi bawat ulam kasi marami rin kami at marami kung kumain hehe. Iyong sa afritada at caldereta ay parehong tig sampong can iyon. Limang pack ng nuggets. Maraming bacon. Sampung eggs. Limang meat loafs. At madaming-madami na kanin.

Malalakas lahat kumain eh. As in lahat kami.

Makaraan ang halos isang oras at kalahati ay natapos na kaming e-prepare iyon lahat. Luto na 'yung kanin at ulam kaya inilagay na namin iyon doon sa me mesa. Saka na dumeritso sa tent at walang-ingay na kumuha ng mga gamit pangligo.

Hindi na muna namin ginising iyong dalawa. Mamaya na kapag bumalik na kami.

Dumeritso na kami sa banyo saka naligo. Hindi rin kami nagtagal dahil mabibilis naman kaming maligo at baka hindi na mainit iyon pagkain kapag natagalan kami.

Nang makabalik ay ginising na nga namin ang dalawa at gising na rin iyong iba.

Sabay-sabay kaming kumain pati  sina Sir at iyong ibang tour guides na kararating lang ay sumabay na rin. At nagkwento kung ano ng nangyari doon sa Dame. Sinabi din nila na huwag ng mag-alala kasi nasa barangay hall na siya nakakulong at dadalhin rin sa kulungan sa susunod na mga araw.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now