56

683 35 2
                                    

"Rin, I have something to eat here." Saad ko ng makapasok pero agad rin iyong nailapag ng makitang nanginginig ito. "Hey, wake up. Shit! Ang taas ng lagnat mo."

Wala pa namang gamot dito. Tsk!

"A-Ang lamig..."

"Pero nasa tapat na tayo ng apoy, Rin. Damn this! Maghahanap lang ako ng ibang makapal na tela sa loob para sayo. Sandali lang." Iniwan ko muna siya roon at agad na naghanap ng puwedeng magamit na tela na nandodoon.

Lahat ng parte ng kubo ay napuntahan ko na pero wala na talaga akong nakita maliban sa ibang sira-sirang mga gamit.

Bumalik na lang ako doon at nakita kung nanginginig pa rin ito. Siguro dahil sa sugat niya kaya masyadong tumaas ang lagnat niya bigla.

"Hey, here. Magpalit ka na muna." Bigay ko sa kaniya ng malaking damit na nakita ko doon sa loob. Kumuha na muna ako ng panggatong sa me kusina saka bumalik at nakapagbihis na ito.

"Ilalagay ko na muna 'to dito. Para matuyo na." Tumango naman ito saka mahinang ngumiti.

"Salamat."

"Hm. Masakit ba ulo mo?"

"O-Oo eh. N-Nilalamig rin ako---pero ayos lang ako."

"Tsk. Don't be tough when you're not. Ito, kumain ka muna." Bigay ko sa kaniya ng mga hinog na mangga.

"S-Saan mo'to nakuha?" Tanong nito.

"Diyan sa labas. Nakita ko kanina ng papasok tayo."

"Inakyat mo?" Gulat na tanong nito.

"Huwag ka ng matanong at kumain ka na lang diyan."

"Huwag ka ng aakyat ulit, ah? Baka mahulog ka. Baka mapano ka."

"Yeah, yeah. Kumain ka na. Oh." Abot ko sa kaniya ng nabalatan na mangga.

"Salamat. Kain ka rin, para strong ka pa rin hehe."

"Tsh. Kain ka na lang kasi." Tumango naman ito at nagsimulang kumain.

Nang matapos ay kumuha ako ng parang baso doon sa kusina at dumungaw sa labas at itinapat sa ulan iyon hanggang sa mapuno. Makakatulong na rin 'to kahit papaano.

"Uminom ka muna ng kaunti bago ka matulog." Uminom naman ito saka nahiga na ulit. Inaantok na ata.

Uminom na rin ako ng kaunti saka naupo doon sa gilid ng papag kung nasaan si Rin nakahiga. "Hindi ka ba nilalamig? Share na tayo dito sa kumot, oh."

"Don't bother, mababasa lalo 'yan kapag nakihati ako." Sagot ko.

"Okay lang 'yon atleast hindi ka malalamigan."

"I'm fine. Just rest there."

"O-Okay. Goodnight."

"Hm."

Naging tahimik na ang lugar matapos iyon. Ipinikit ko na lang rin ang mata ko habang nakaupo pa rin.

Pero agad ring nagising ng marinig si Rin na gumagawa ng ingay. Napatingin ako sa relo ko at 11:32 P.M pa lang.

Ilang oras pa lang akong nakatulog. Napatingin ako kay Rin at nakita siyang nanginginig.

"Hey, ayos ka lang? Shit! Ang taas-taas ng lagnat mo." Kung kanina ay mainit na siya ngayon ay dumoble pa lalo.

"A-Ang lamig t-talaga" Usal pa nito.

Nanginginig ang katawan nito pero ang init-init naman.

"What should I do..."

Mahinang usal ko habang nakatingin sa kaniya. Naiiyak na ito kaya agad ko namang tinuyo ang luha nito. "I will hug you---with this curtains on, okay? Makakatulong iyon kahit papaano." Bumuntong-hininga naman ako saka inayos ang kurtinang nakakumot sa katawan nito at tiningnan pa siya ng ilang sandali pero isiniksik nito ang sarili sa akin kaya natawa na lang ako saka niyakap siya. "Ang dami mo ng utang sa'kin." Bulong ko sa kaniya.

"Salamat..."

"Matulog ka na." Hindi na siya sumagot kaya natahimik naman ulit ang buong lugar. Nanatili lang ako nakadilat at nakatitig sa mukha nito na nakapikit at mahimbing ng natutulog. Salamat sa ilaw na nagmumula sa apoy ay nakikita ko ang mukha nito.

Para talaga siyang bata. Pft.

"Why are you so innocent, hm? Kaya lahat ng tao ay gusto ka, eh. Para kang bata." Mahinang tanong ko sa kaniya at inayos ang buhok nito na natuyo na.

Nagulat ako nang bigla itong gumalaw at mas lalong sumiksik sa akin dahilan para lalong lumapit ang mukha nito. Pero agad na lang rin akong napangiti saka iginalaw ang mukha nito papunta sa me leeg ko at saka ipinikit na ang mga mata. Nasa ganoon kaming posisyon ng makatulog ako.

Nagising na lang ako kinabukasan ng marinig na may gumagalaw sa paligid. Agad akong napamulat at hinanap si Rin pero hindi ko ito nakita sa tabi ko dahilan  para mapabangon ako at agad na hinanap siya.

"Anong ginagawa mo diyan?!" Singhal ko sa kaniya ng makita ito sa kusina.

"Nagluluto hehe. May nakita kasi akong kamote doon sa me taas, diyan oh. Sa lalagyan ng mga kahoy. Kaya niluto ko para may makain---"

"Bakit ka bumangon kaagad?! Ang taas ng lagnat mo, alam mo ba 'yun?!" Singhal ko sa kaniya.

"Kagabi 'yon, ngayon ayos na ayos na ako. Magaling yung taga-alaga ko, eh. Upo ka na diyan, boss. Ako bahala sa kakainin natin ngayon kasi kagabi inalagaan mo'ko hanggang sa gumaling ako. Sandali, luto na 'to." Bumalik ito doon at binuksan iyong maliit na kaldero at kinuha iyong kamoteng nandodoon at nilagay sa lumang pinggan.

"Tada! Sandali, ito pa. Tada!" May kinuha itong saging na hinog at mangga na hinog dahilan para kumunot ang noo ko habang siya naman ay ngiting-ngiti.

"Saan mo kinuha lahat ng 'yan? Don't tell me, lumabas ka at nagpaulan at inakyat ang mga putanginang 'yan?!" Tanong ko sa kaniya pero umiling naman ito at napanguso.

"Hindi, ah. Kanina kasing umaga tumila iyong kahit papaano kaya lumabas muna ako. Tapos diyan sa me labas ay nakita ko 'yung mga hinog na mangga na nahulog, siguro dahil doon sa lakas ng hangin kagabi. Tapos sa me bandang gilid may nakita akong natumba na saging kaya tiningnan ko kung merong bunga at ang swerte kasi meron at hinog pa. Tapos nang makabalik ako dito kumuha ako ng panggatong doon sa taas para sana mag-init ng tubig kaso hindi ko abot eh kaya kumuha ako ng hagdan na nakita ko doon sa me likod tapos inakyat ko 'yung mga panggatong ta's nakita ko ang mga kamote! Oh, diba? Sige na, kain na tayo. Gutom na ako eh." Masiglang pagkukwento pa nito.

"Tsk. Huwag mo ng gagawin ulit iyon, maliwanag? Hindi ko nga alam kung magaling ka na talaga pero ayan at lumabas ka na agad. Tigas ng ulo mo."

"Magaling na nga ako. Oh, tingnan mo." Tunghay nito ng noo niya kaya kinapa ko naman iyon at hindi na nga siya mainit. Bumalik na ang normal na init niya.

"Pero hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon. Baka mabinat ka."

"Kung hindi ko ginawa 'yon wala tayong kakainin ngayon." Nakangusong sagot naman nito.

"You're right but---"

"Tama na nga. Nagugutom na talaga ako." Nakangusong sagot nito at nakabusangot na dahil hindi makain ang kamoteng hawak dahil sa pagtatanong ko at ang init pa niyon.

Napailing na lang ako at hindi maiwasang matawa dahil sa ekspresiyon nito.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon