03

1.3K 71 9
                                    

"Meron tayong group project ngayon. Five members each group. Mamili na kayo ng gusto niyong makagrupo at kapag tapos na ay manatili lang sa mga kagrupo niyo at ililista ko. Maliwanag?"

"Maliwanag po Sir!" Sagot naman namin.

"Sino kaya ang pwede kung samahan?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa mga kaklase.

"Me." Nagulat naman ako ng biglang magsalita ang dalawa sa gilid ko.

Pero agad rin akong umiling saka napakamot ng noo. "Hindi naman kayo gumagawa eh. Natutulog lang kayo."

"Rin! Sayo kami sasama." Agad na saad ni Az at Lie na nasa likod ko na pala.

"Puro lang kayo kain kapag may project eh." Alam ko dahil ng nakaraan ay ako lang ang gumawa ng mga projects.

Ang mga baliw ay nakatingin lang na parang mga boss.

"Kayo na bang lima? Magkagrupo ba kayo?" Tanong ni Sir sa amin.

"Hin---"

"Yes Sir! Magkagrupo kaming lima." Biglang saad ni Az at Lie kaya napakamot na lang ako ulit ng ulo.

"May problema ba Rin? Gusto mo bang lumipat ng grupo?" Biglang tanong ni Sir kaya napangiti naman ako pero agad ring nauwi sa ngiwi ng makita ang mga mukha ni Az at Lie habang ang dalawa naman ay nakaiwas na ang tingin.

Galit na ata.

Pero may kasalanan pa sila sa akin eh.

"Rin, dito ka na lang sa amin. Hindi ka pa mahihirapan." Sigaw ni Werxel.

Totoo nga ang sinabi niya. Puro matatalino ang mga andon sa grupo nila eh.

Kaso...

"Dito na lang ako." Nakangiting saad ko kaya ayon sayang-saya na ulit ang dalawa habang ang dalawa naman ay tahimik pa rin.

Ayon at inilista na kami ni Sir saka pumunta na doon sa sunod na grupo.

Group project sa science ang gagawin namin. Gagawa kami ng research tapos ay ilalagay namin iyon sa manila paper para sa reporting. Dapat ay may planner rin kung paano namin pagsusunod-sunorin ang mga gagawin. Next is may drawing-drawing din.

Ang daming dapat gawin.

Pero kapag nagawa namin ng maayos ito ay siguradong mataas ang mumukha naming grades.

Kahit na hindi naman namin kailangan gumawa ay mataas pa rin naman ang mumukuha namin pero nagbago na ang mga baliw kung kaklase.

Gusto na raw nilang pagsikapan ang grades nila.

"Ay paano ba 'yan? Bawal ka sa hapon Rin, diba? Umuuwi ka kaagad?" Tanong bigla ni Az.

"Ayos lang 'yun. Itetext ko na lang mamaya si Daddy na gagawa pa ako ng project." Napatango-tango naman ito saka ngumiti.

"Good. Sa bahay nina Lie na lang tayo mamaya gumawa." Pagtuturo pa nito.

"No problem." Sagot naman ni Lie.

"Balik na kami sa upuan namin. Maya na lang ulit." Ngumiti naman ako saka tumango at tiningnan pa ang dalawa na papalayo at papunta sa upuan nila.

Maya-maya ay napahikab naman ako saka napakusot ng mata at napatingin sa gawi ni Axel at nakita ko itong nakatitig. "Ano?" Tanong ko sa kaniya pero umiling lang ito saka bumalik sa pagkakahiga sa braso.

Pero may nakita akong nasa kamay nito na nakalahad sa akin. Kinuha ko naman iyon at nakita ang candy. "Salamat." Bulong ko sa kaniya saka binalatan iyon at isinubo.

"It's---"

"Ang sa---" Napatigil ako ng maramdamang parang umiinit ang loob ng bibig ko.

Agad naman akong tumayo at dali-daling tumakbo papunta sa basurahan at iniluwa ang candy na iyon.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara