34

747 39 0
                                    

Umandar na ulit ang sasakyan namin ng matapos kaming kumain. Iyong iba ay natulog na ulit. Ang iba naman ay naglalaro ng mga games sa phone at ang iba ay sountrip-soundtrip lang. At meron ding nagkukwentuhan.

Kami naman ni Nikki ay nakatingin lang sa labas at nawiwili kami sa ginagawa dahil ang gaganda ng mga nakikita namin.  Kumukuha pa kami ng litrato ng mga iyon para remembrance. Ang gaganda kasi ng mga nadadaanan namin.

Sabi ng ni Sir ay malayo pa raw kami sa pupuntahan namin kaya mas mabuti ng matulog na muna o hindi kaya ay gumawa ng mga bagay-bagay para hindi mabagot.

Maya-maya lang ay puro na puno ang nadadaanan namin kaya tumigil na kami ni Nikki saka naupo na ulit sa upuan at kumain ng mga pagkaing dala. Si na Lie at Az ay naglalaro ng COD, isang sikat na laro kaya hindi maisturbo ngayon.

"Ano kaya gagawin natin? Ang boring, puro lang tayo kain." Nakangusong saad ni Nikki. "Hopia pa kinakain natin." Natawa na lang ako.

"Oo nga eh. Ano kaya maglaro tayo? Marunong ka nung mini militia? 'Yung barilan ba?"

"Oo! Alam ko 'yan. Napapanood ko sa Kuya ko 'yan noon kasi hindi ko na try eh."

"Edi ngayon mo na itry. Madali lang naman laruin 'yan eh."

"Sige. Susubukan ko."

"Sandali sabihan natin 'yung iba." Saad ko saka tinapik ang dalawa na nasa harapan na kakatapos lang maglaro. "Sali kayo? Lalaro kami Mini Militia."

"Oy! G ako."
"Akin din! Magaling ako diyan."

"Ayon may dalawa na." Saad ko pa. "Pasahan niyo muna si Nikki kahit via share it na lang para mabilis." Saad ko pa saka humarap naman doon sa likuran at kinalabit si Nixxon at Axel.

"What?" Tanong nila.

"Tara laro. Mini Militia."

"Game. Bored na bored na ako dito eh." Saad naman ni Nixxon at inilabas ang cellphone niya.

"Hm. Sali din ako." Sagot ni Axel saka inilabas na din ang cellphone.

"Ayon! Pares-pares. By seats na para ayos. Ako na hotspot." Saad ko saka inopen na ang Mini Militia ko.

Tumunog naman kaagad ang despacito roon. Pumunta na ako agad sa 'MULTI PLAYER' then 'DEATH MATCH' saka sunod sa 'LAN WIFI' at ako na rin 'yung naghost.

"Nakaconnect na ba kayong lahat?" Tanong ko pa.

"Yeah. Red kami." Saad ni Lie at pula nga sila ni Az.

"Ready. Blue kami." Saad naman ni Nixxon.

"Orange kami. Sandali, saan tayo? Catacombs muna? 15 minutes ko na 'to, ah?"

"Game! Ready na." Sigaw nila saka nagsiready na kaya nagready na rin ako. Nagcount down naman kaya sumubo pa muna ako ng isang buong hopia saka tuluyan ng nagfocus ng magsimula na.

Agad akong nagpalit ng baril na for one shot one kill lang. Iyong isa kasi ay mahina ang damage kahit madami bala.

Wala akong kalaban sa part kung nasaan ako kaya naghanap muna ako ng magagamit ko na baril para makapagpalit ako pero bigo hahaha. Biglang sumulpot si Az kaya agad naman kaming nagkabarilan na dalawa.

"Wahahahahaha takbo Rin! Tak---ay? Ang daya naman nun." Natawa na lang ako ng napatay ko siya matapos siyang tamaan.

"Manahimik ka kasi. Ang ingay mo!" Singal ni Lie saka kaniya kaya natahimik naman ito.

Nagpatuloy lang ang laro at  masaya naman iyon. Enjoy na enjoy lahit kahit na namamatay. Lumalakas rin ang baril na nakukuha ko kaya mas madali ko na silang napapatay.

Nagdaan pa ilang mga minuto at natapos na ang first game namin at si na Axel 'yung pinakamadaming napatay at sumunod naman kami at panghuli sila Lie. Puro kasi ingay eh.

"Bottle neck tayo." Saad ni Lie kaya tumango naman ako saka nagready na matapos maset. Fifteen minutes pa rin 'yung time.

Paulit-ulit lang naman ang ginagawa namin. Patayan, nagpapalit ng baril saka patayan na naman. Ganon lang pero ang saya-saya lang.

Seryuso na kaming lahat at hindi na rin gumagawa ng ingay kaya mas intense 'yung patayan na nagaganap sa loob ng game.

Napatay ko ng magkasunod si Axel at Nixxon kaya napatingin naman sila sa akin pero nagkibit balikat naman ako saka nagpalit ng baril ng may makitang sniper. Pinalitan ko 'yung m4 ko ng sniper at saka sinwitch to AK-47 at iyon ang ginamit sa paghuhunt habang nasa loob. Mamaya ko gagamitin 'yung sniper kapag nasa labas na ako. Pero kadalasan lang naman na may lumalabas kapag nasa bottle neck, kadalasan kasi ay nasa loob 'yung away.

Maya-maya ay nakita ko sina Lie at Az kaya agad naman akong napunta doon saka pinaulanan sila ng bala pero sniper pala ang dala ni Az kaya napatago naman ako. Si Lie naman 'yung naghahagis ng bomba sabay paputok ng m14 na hawak.

Pero hindi nila nakita si Nikki na nasa likod at binaril silang dalawa ng AK-47 na baril kaya patay rin silang dalawa. Bigla ko naman siyang cinover ng makita sina Axel. Agad kung hinagisan ng bomba si Nixxon na nasa baba at sapol saka binaril si Axel na nasa harapan. Nagkasagupaan at muntek na akong mamatay mabuti na lang at naunahan ko siya. "Nice!" Nag-apir pa kami ni Nikki saka nagpatuloy na ulit.

Hindi ko na mabilang kung nakailang laro kami basta nagtuloy-tuloy na iyon dahil gustong makabawi ng iba. Napatigil na lang kami ng mamanhid na ang kamay namin kakalaro. Kumain pa muna kami ng natirang hopia saka natulog na muna dahil malayo pa rin raw ang byahe.


THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon