22

957 52 0
                                    

Naramdaman ko namang may nakayakap sa akin kaya gumalaw naman ako paharap doon at isiniksik ang sarili. Maya-maya ay nararamdaman kung may humahalik-halik sa pisngi ko kaya unti-unti akong napamulat at nakita ko si Daddy. "Good morning." Nakangiting bati nito at niyakap ako ng mahigpit saka pinupog ng halik ang buong mukha ko.

"Good morning din po, Daddy. Kanina pa po ba kayo gising?" Tanong ko sa kaniya habang kinukusot ang mata.

"Hm."

"Anong oras na po ba?" Tanong ko ulit.

"9:47 A.M."

Napaupo ako kaagad at narinig ko naman siyang natawa kaya napanguso naman ako. "Bakit hindi po ako ginising? Hala! Nakapagbihis na kayo?"

"Ang sarap-sarap ng tulog mo eh." Napanguso naman ako saka tumayo na at agad na naghanap ng damit saka dali-daling pumunta sa banyo.

Binilisan ko na ang pagligo dahil baka naghihintay na ang mga kasama namin at baka kanina pa naghihintay sa akin si Daddy.

Nang matapos ay agad naman na akong nagsipilyo at saka tuluyang lumabas ng matapos.

"Come here. Tulungan kita." Agad naman akong pumunta sa may harap ng salamin at naupo sa upuan at si Daddy naman ang nagtuyo ng buhok ko. Napapikit naman ako pero agad ring nagmulat ng maramdaman ang labi ni Daddy sa pisngi ko.

"You smell so good, baby. Fresh blueberry infront of me, huh?" Nakangising tanong nito kaya hindi naman ako tumingin sa kaniya at itinuon sa salamin ang paningin pero napalunok ako ng makitang nakatingin na siya sa akin mula doon.

Pero mabilis lang ako nitong hinalikan sa pisngi saka nagpatuloy na sa pagtutuyo ng buhok ko.

Nang matapos na kami ay bumaba na kami at dumeritso sa kinainan din namin kahapon. "Nasaan na po ang iba?"

"Nauna na sila sa labas." Tumango na lang ako saka magsimula ng kumain ng senyasan niya ako.

"Here, try this. It's sisig but it's octopus."  Nilagyan ako nito sa pinggan kaya triny ko naman at napatango-tango dahil masarap nga iyon.

"Masarap?"

"Opo." Nakangiting sagot ko.

Nagpatuloy na ulit kaming dalawa at panay naman ang lagay niya ng ulam sa plate ko at sinasabi kung ano iyon.

Hindi na rin kami nagtagal roon dahil matapos kumain ay dumeritso na kami sa labas at agad na sinalubong ng preskong hangin.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong naman niya habang inaayos ang sombrero niya.

"Hindi ko po alam eh." Nakangusong saad ko.

"Ayaw mong maligo?"

"Mamaya na lang siguro, busog pa po ako eh."

"Oo nga pala. Hm... maupo na muna tayo dun." Tumango naman ako at magkasabay na naglakad papunta sa dalampasigan.

Naupo kami doon at pinanood lang ang mga taong lumangoy saka mga ibong lumilipad. Ang presko-presko ng hangin kaya kahit medyo mainit na ay hindi mo nararamdaman.

"Rinnnn!" Napatingin kami sa sumigaw ng pangalan ko at nakita ko si Mommy Ganda na may nakasabit na camera sa leeg.

"Bakit po?"

"Halika, picture picture tayo doon! Wala kasi akong kasama eh." Nakangusong saad niya pa kaya natawa naman ako saka tumayo at tumingin kay Daddy.

"Be safe you two." Bilin niya pa.

Sumunod naman ako kay Mommy Ganda sa paglalakad at maya-maya lang ay umakyat na kami sa may hagdan na yari sa bato. Nang makapunta sa taas ay agad akong namangha dahil parang artificial forest ang nakikita ko. Pero ang ganda!

"Tayo ka diyan, Rin. Kukunan kita." Masiglang saad ni Mommy Ganda kaya pumunta naman ako doon at siya naman ay kuha lang ng kuha ng mga litrato.

Nang matapos ay siya naman ang kinuhaan ko. Tawa naman kami ng tawang dalawa dahil sa mga post na ginagawa niya.

Pagkatapos ay dinala niya naman ako sa parang kabilang pare ng lugar at namangha na naman ako ng makitang  mini-zoo iyon.

Ayon at todo kuha na naman ng litrato si Mommy Ganda habang naglilibot kami kasama ang isang tourist guide. Hindi masyadong madami iyong hayop na andoon pero hindi rin kaunti.

Nagpakain rin kami ng mga pabo at giraffe doon at nasubukan ko ding hawakan ang isa sa mga leon doon.

Ang saya-saya ng buong paglilibot namin kaya hindi namin namalayan na napatagal na pala kami doon masyado.

Umalis na kami doon at bumalik sa mga kasama namin sa beach at dahil medyo may kalayuan din iyon ay medyo natagalan kami bago tuluyang makabalik.

Hiningal pa kami dahil tumakbo pa kami pabalik pero tawa pa rin ng tawa.

Makaraan ang ilang sandali pa ay tuluyan na naming nakita ang mga kasama namin. Si Mommy Ganda ay panay kwento at ako naman ay dumeritso kay Daddy saka yumakap.

"Kamusta ka? Nag-enjoy ka naman ba?" Nakangiting tanong nito at pinunasan ang mga pawis ko.

"Opo!"

"Halata nga eh. Talikod ka, pupunasan ko 'yung likod mo." Sinunod ko naman ang sinabi niya at pinunasan nga nito ang likod ko.

Pumasok na ulit kami sa loob ng hotel dahil tanghalian na pala. Kagaya kanina ay masasarap na naman na pagkain ang mga nakahain ngayon.

Parang palagi namang masarap ang pagkain kahit saan kami pumunta eh.

Pagkatapos nun ay dinala naman ako ni Daddy sa  na malaki sa me gilid ng isla sa may mga puno ng niyog iyon nakatali.

Ang ganda dahil sa harap ay makikita mo ang mga bukid at ang asul na asul na dagat. At ang sarap rin ng hangin dito.

"You like it?"

"Opo." Masayang sagot ko. Nasa kabilang duyan siya pero maya-maya lang ay lumapit ito at bigla na lang nahiga sa tabi ko. Malaki kasi kaya kasya kahit dalawa.

Niyakap ako nito mula sa likod at nanatili kaming ganoon habang nakatingin sa tanawin na nasa harap.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now