50

671 37 4
                                    

"Good morning!" Masiglang bati sa akin ni Nikki na bakas ang masayang ngiti sa labi.

Anong nangyayari sa kaniya---ay! Yung kagabi pala!

Ano kayang napag-usapan nilang dalawa? Waaahh! Erase. Erase. Para naman ako nitong tsismoso.

"Good morning din. Masaya ka ata?" Nakangiting tanong ko.

"Good mood lang. Tara ligo na tayo." Nakangiting aya pa niya. Tumango lang naman ako tiningnan pa siya sandali.

Mabuti na rin itong masaya siya kesa malungkot.

Nag-ayos na rin ako ng higaan ko saka kumuha ng gamit pampaligo at damit saka sabay na kaming lumabas ni Nikki.

"Good morning!" Bati namin ke Az na kakagising lang. Pero iyong boses ni Nikki ay masyadong energetic at hindi na siya nahihiya. Natural na siya magsalita.

"M-Morning din. Saya mo ata?" Takang tanong ni Az sa kaniya.

"Good mood lang." Sagot nito.

Cute niya HAHAHA.

"Pupunta ba kayo sa banyo? Sabay na tayo pumunta roon. Hintayin niyo'ko diyan." Bumalik ito sa tent nila at narinig ko pang sinigawan niya si Lie.

Naghilom na iyong ibang sugat at pasa ni Az pero may kaunti pang natira. Mukhang magaling na rin naman ata iyong tama niya sa gilid dahil mukhang wala lang naman na 'yun sa kaniya.

"Tara? Lie, bilisan mo diyan. Huwag kang pagong." Sigaw pa niya ke Lie na humihikab pa.

"Hindi na ba sumasakit 'yung sugat mo, Az?" Tanong sa kaniya ni Nikki.

"Hindi naman na. Kapag ginagamot lang, mahapdi 'yung mga gamot na nilalagay eh." Sagot niya naman.

"Ganun talaga pero tutulungan ka naman nun na gumaling eh."

At nagpatuloy lang sila sa pag-uusap na dalawa at paminsan-minsan naman ay sumasagot rin ako.

Natigil lang sila ng makarating na kami sa liguan. Kagaya ng dati ay kaniya-kaniyang pasok sa cubicle na walang laman saka naligo na. Malamig ang tubig kaya agad na nagising ang katawan ko.

Mahigit sampung minuto ata ay nakalabas na ako at nagtoothbrush na. Maya-maya ay sumunod naman iyong dalawa at nagtoothbrush din.

Nang matapos ay bumalik na kami at agad sa camp site saka nag-umagahan. Sabay-sabay na naman kaming kumain at panay kwento naman si Az at Lie sa mga kung ano-anong bagay. Ewan sa dalawang 'to at  palaging energetic, para bang hindi nauubosan ng energy.

Matapos kaming kumain at magpahinga ay kaniya-kaniyang ginagawa naman kami. Merong natulog ulit. Meron ring naglalaro. Naglalakad-lakad. Nagbabasa sa ilalim ng puno at kung ano-ano pa.

"Yo."

Napatingin naman ako sa kaniya na papalapit na sa akin ngayon kaya ngumiti naman ako. "May kailangan ka?"

"Let's go gala." Aya nito.

"Sino kasama natin?" Tanong ko kaya natawa naman siya.

"Dapat ba talagang groupings kapag gumala?" Napailing na lang ako saka natawa rin.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pa ulit pero tumayo na.

"Diyan lang. May ipapakita ako sa'yo. Let's go?" Tumango naman ako saka sumunod sa kaniya sa paglalakad.

"Salamat pala kagabi, ah?" Basag ko sa katahimikan.

"Bakit nga ba nasa labas ka pa kagabi?" Tanong niya kaya napabuntong-hininga muna ako.

"Kasi kagabi hindi ako makatulog. Nakahiga lang ako at pinipilit na makatulog pero wala talaga. Kaya balak ko na sanang bumangon pero bigla ring bumangon si Nikki tapos lumabas. E-nacurious ako eh kaya sinundan ko naman siya kung saan siya pumunta."

"What happened next? Pinuntahan niya si Axel?" Nagulat naman akong napatingin sa kaniya.

"Nakita mo rin sila?"

"Tsh. Andoon na ako bago pa kayo makarating kasi hinihintay nga namin yung shooting star pero nabored na ako sa paghihintay doon kaya umalis na ako. Tyempong nakita naman kita ng bumalik na ako."

"Napapansin ko lang... parang magkabati na kayo ni Axel." Saad ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad.

"Hindi na ata mangyayari 'yun. Oo, hindi na kami nagsusuntokan but that doesn't mean na hindi na rin kami magkagalit." Naupo ito sa isang natumbang kahoy kaya sumunod naman ako doon at naupo rin.

"Bakit ba kayo nagkagalit? Kasi nacu-curious talaga ako bakit palagi na lang kayong nag-aaway, eh."

"We're twins."

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"But we acted like we're not. Since we're children, we fight for things. Pareho kami ng gusto at pareho kaming gustong makuha 'yon kaya sa huli ay nagiging magkaagaw kami sa mga bagay-bagay."

"Wala akong masabi." Mahinang sambit ko.

"Pero kahit ganoon ay maayos pa rin naman kami. Nasira lang talaga ng tuluyan ng mamatay ang buong pamilya namin at kaming dalawa ang natira. Doon na nagsimulang magkalimutan. Wala ng kapatid-kapatid."

"B-Bakit naman namatay ang pamilya niyo?"

"Hm... pinatay sila."

"S-Sinong namang gumawa n'on?"

"Ang pumatay sa kanila?" Tanong niya kaya hindi naman ako nakapagsalita at napatango na lang. "Sabi ng mga police ay si Axel raw at inamin niya 'yon na walang alinlangan. Gago lang talaga. Lahat ng ibinibintang ay sa kaniya napupunta at inaamin niya naman lahat ng 'yon. Tsk. Para bang siya talaga gumawa kung makaamin, eh. Ang gago, dalawa kaming pinagbibintangan pero kinuha niya lahat. Tangina niya. Ano akala niya sa'kin, hindi kayang ipaglaban sarili ko?! Haha, gago."

"Eh, anong nangyari sa kaniya?"

"Siya? Ewan. Hindi ko alam. Paano ko malalaman eh sinarili nga niya. Basta isang araw kinuha siya ni Lolo sa bahay. Naiwan akong mag-isa doon dahil napakamakasarili niya. Dahil inako niya lahat at lahat naman naniwala sa mga arte niya. Ayon at siya nga ang inaakala nilang pumatay sa sarili niyang pamilya. Tangina, nakakatawa."

"B-Bakit?"

"Sa aming dalawa siya ang mahal na mahal ng pamilya namin, eh. Kaso hindi alam ni Lolo 'yon kaya siguro naniwala siya na si Axel yung pumatay sa pamilya namin. Marahil alam ng gago na kapag hindi niya inako 'yon ay sa akin mapupunta lahat ng sisi. Ako kasi ang sakit ng ulo sa pamilya namin, eh. All this time naging bayani siya para sa'kin?! Tangina niya. Tapos babalik siya? Parang walang nangyari. Psh. Gago niya."

"Eh, bakit ka nagagalit sa kaniya kung iniligtas ka pala niya?"

"Kasi wala kaming kasalanang dalawa. Alam naming dalawa iyon dahil pareho kaming wala sa bahay ng mga oras na pinatay ang pamilya namin. Pero inako niya pa rin! Para sa akin inako niya pa rin. Nagagalit ako sa kaniya dahil kailangan niya pang saluhin lahat para iligtas ako. Nagagalit ako dahil kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong niya na hindi ko naman hiningi simula ng umpisa. Pero gago ipinilit pa rin. Nakakainis! Nagagalit ako sa kaniya dahil nakaya niya akong iwan para iligtas ako..."

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now