29

789 49 3
                                    

"Dahil P.E natin ngayon at maglalaro ulit tayo. Gusto niyo ba 'yon?" Tanong ni Sir.

"Yes!" Sigaw rin naman namin.

"By group ulit ang laro natin ngayon. Four people each group. At ang lalaruin? Paper dance, guys!" Sigaw pa ni Sir kaya ayon at nagsigawan naman ang iba.

"Rin, grupo tayo." Nakangusong saad ni Az.

"Op! Op! Bunutan ang magiging group. Huwag mo munang titingnan kapag nakakakuha na. Hintayin ang hudyat ko." Napatutol naman ang kaligayahan ni Az ng marinig iyon pati na rin ng iba.

Nagsimula ng mag-ikot si Sir dala-dala ang box na may lamang mga papel na nakaroll. At ng ako na ay agad naman na akong bumunot saka napatingin sa iba na bumubunot din. Meron pang nagdadasal muna bago bumunot. Meron ding may papikit-pikit pa. At meron ding halos halungkayin na 'yung laman ng box bago makapili.

Nang tuluyan ng matapos ay agad naman ng bumalik si Sir sa harap. "Buksan niyo na." Utos nito kaya binuksan ko naman ang akin at number one iyong nakuha ko.

"Lahat ng number one ay pumunta rito." Saad ni Sir habang nakaturo sa papel na nasa unahan sa me kanan.

Naglakad naman ako palapit doon at nanlaki ang mga mata ng makita si Axel, Nixxon at Lie. "One kayo?" Tanong ko at tumango naman sila.

"Ayos lang ba sa'yong maglaro? Baka mahilo ka mamaya." Saad ni Axel pero umiling lang ako.

"Okay lang ako." Nakangiting saad ko.

"Magkasama na naman ulit kayong tatlo? Sana wala ng magkainitan, okay?" Sabi ni Sir habang nakatingin sa amin.

"Opo, Sir." Sagot naman namin kaya nagpatuloy na si Sir doon sa iba.

"Number two dito kayo sa kaliwa." Saad naman ni Sir kaya pumunta naman doon ang mga number two at meron na rin sila roong newspaper nakatupi kagaya sa amin at sa iba.

Nagpatuloy lang si Sir sa pagtawag ng ibang group hanggang sa tuluyan ng matapos kaya naman bumalik na siya ulit sa harap.

"Alam niyo naman na siguro ang larong ito, diba? Kahit sa fiesta o Christmas Party ay meron nito. Kaya hindi ko na kailangang dumada pa ng marami rito, ano? Simulan na ba natin?"

"Yes,, Sir!"

"Ayon. Basta ang patakaran lang rito ay kaikangan kayong magkasiya sa newspaper na nakalatag. Ang matitira ang panalo.  Kapag tumigil ang kanta ay agad na kayong tatayo sa loob ng newspaper at pagkakasiyahin lahat ng members. Magbibilang ako hanggang lima at dapat ready na kayo, maliwanag? Ang matumba o lumabas ang paa ay tanggal na." Dagdag pa ni Sir. "Simulan na natin." Tumugtog na 'yung kanta at agad naman kaming nagsimulang umikot sa newspaper namin.

Si Lie ay may pasayaw-sayaw pa katulad ni Az na nasa kabilang team at ng iba pa. Para silang uud na umiindak. Nakakatuwa.

Tumigil bigla ang kanta kaya  naman pumasok kami agad sa loob ng newspaper. Maluwag pa naman kaya kasiya kaming apat na pasok 'yung dalawang paa.

"Walang natanggal. Magaling. Tupi!" Tinupi naman ni Lie ang amin at nagsimula na naman ang kanta.

Paikot-ikot kami doon ulit sa newspaper at tawang-tawa namana ko dahil parang uud talaga si Lie na sumasayaw. Nang tumigil na ang kanta ay agad ko namang ipinasok ang paa doon saka napakapit sa mga kasama para hindi matumba.

"Bakit mo'ko tinulak? Kasama mo ako, oy! Baliw ka. Out na tuloy tayo." Nakangusong singhal ni Az kay Eocn na nakapeace sign habang tumatawa.

"Nakakatawa kasi mukha mo, gago." Humagalpak na naman ng tawa si Eocn habang hawak-hawak ang tiyan pero agad ring napatakbo dahil hinabol ni Az.

"Out na ang group three. Apat na grupo pa ang natirira. Tupi!" Tinupi ko naman iyon saka umikot na ng magsimula na naman ang tugtog.

At ng mamatay ang music ay agad naman akong pumasok doon at natapakan ko na ang paa ni Nixxon at nakakapit ako kay Axel at Lie. "Sorry HAHAHA." Tumatawang saad ko saka napatingin sa iba at nakitang natumba sila Terrence kaya out na rin sila.

"Group five out. Tupi!" Tinupi naman ni Nixxon iyon at napangiwi pa dahil medyo maliit na iyon.

"Kasya pa ba tayo diyan?" Tanong ko.

"Kaya pa 'yan. Malaki pa 'yan." Sagot naman ni Lie kaya napatango na lang at napatigil sandali sa pag-ikot ng nahilo ako.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Axel mula sa likod ko kata ngumiti naman ako saka tumango.

"Ayos lang. Natusok lang ng bato 'yung paa ko." Pagpapalusot ko saka nagpatuloy na sa pag-ikot.

At agad na pumasok sa loob ng tumigil na ang music at natapakan ko na naman ang paa nila pero parnag balewala lang naman iyon sa kanila.

"Group two is out!" Group nila Inchy iyon.

Natira na lang kami at ang team nila Wexrel kung nasaan si Nikki.

"Last two groups! Tupi!" Sigaw ni Sir kaya tinupi naman iyon ni Axel at napangiwi ako ng makitang ang liit-liit na nun.

"Hindi na tayo kasya diyan."  Natatawang saad ko.

"Try natin." Saad naman nila kaya natawa na lang ako saka nagsimula ng ring umikot ng marinig ang music.

At ng tumigil ay agad na unang tumayo si Axel doon saka pumatong si Nixxon at si Lie saka ako. Ang tindi ng kapit ko dahil parang mahuhulog talaga ako.

Pinipilit ko lang ang sarili na hindi mahulog pero bigla na lang akong nahilo kaya napabitaw naman ako sa kanila. Mabuti na lang at nasalo agad nila ako.

"Sorry." Saad ko na lang.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nila at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Group one is out! Group four is the winner!" Dinig kung sigaw pa ni Coach.

"Upo ka muna." Tumango naman ako saka naupo sa sahig.

"Ayos na ako. Na-out of balance lang. Sorry, natalo tayo." Saad ko naman.

"It's okay. Atleast hindi ka nasaktan." Sagot namna ni Lie kaya ngumiti naman ako.

"Ayos lang ba ang mga paa niyo? Sensya na kanina, ah?"

"Ayos lang. Huwag mo ng alalahanin pa 'yon. Punta muna tayo canteen para makabili ng tubig." Tumango naman ako saka tumayo pero tinulungan nila ako.

Matapos makapagpaalam kay Coach ay agad naman na kaming naglakad paalis sa gym habang ako naman ay tawa ng tawa kay Lie dahil sa mga biro nito.

"Rin!"

Napatigil naman ako sa pagtawa ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ