42

661 32 3
                                    

"Kinakabahan ako." Mahinang sambit ko habang nakakapit sa kamay ni Nikki. Pareho kaming nakahiga at hawak-hawak ko ang kamay niya habang nakapikit.

Ang tahimik na ng lugar at madilim na rin. Mabuti na lang at may kaunting sinag na umaabot sa gawi namin mula doon sa bonfire.

"A-Ako din. Baka kung anong gawin niya---"

"Shh. Don't worry. Magiging maayos din ang lahat." Bulong ko habang pinapat ng mahina ang kamay niya para pakalmahin siya.

Masyado ng malalim ang gabi. Huling time check ko ay 12:45 na at halos ilang oras na ang nakalipas mula nun.

Tahimik na tahimik ang lugar. Tanging huni ng mga ibon at kung ano-anong hayop ang naririnig ko pero dahil masyado akong balisa ay hindi ko na napapansin iyon. Mas natutuon ang tenga ko sa paligid ko at sa labas ng tent.

Oo, lalaki kaming dalawa ni Nikki. But we still worried for our safety. That tour guide is acting like a stalker. Creepy. Baka kung anong gawin niya sa amin.

Ang dami ko ng naiisip na mga scene pero agad ring inaalis sa isipan kasi mas lalo lang akong natatakot.

Daddy...

Hindi ko masabi ke daddy dahil bigla na lang nawala ang signal dito sa lugar. Kahit saan ay wala talagang signal, sinubukan ko kasi kanina pero wala talaga. Pero mabuti na rin siguro iyon dahil baka mag-alala si Daddy at bigla na lang iwan ang trabaho niya para sa akin tapos wala naman palang nangyari sa akin pagdating dito. Hayy.

Sana nga walang mangyari...

Pero maya-maya lang ay biglang may kumaluskos mula sa me labas dahilan para humigpit ang pagkakahawak namin ni Nikki sa kamay ng isa't-isa. Kitang-kita ko ang isang anino na nasa labas dahilan para kabahan ako lalo.

Dahil sa sinag na nanggagaling sa apoy ay nagrereflect sa tent ang anino ng nasa labas kaya makikita ko kapag nasa loob ko.

Halos hingalin na ako sa pagpipigil na gumawa ng kahit anong ingay. Kahit paghinga ko ay pigil na rin.

Napahinga lang ako ng maluwag ng makitang umalis na ang anino na nasa harapan ng tent.

Pero maya-maya lang ay may kumaluskos na naman kaya napatigul na naman kami ni Nikki sa paghinga lalo na ng unti-unting bumukas ang tent.

Halos magwala ang puso ko sa loob ng dibdib ko habang nakatingin doon pero agad ring napahinga na maluwag ng makitang sina Lie at Az iyon.

Senenyasan nila kaming lumabas na sa tent kaya naman agad naman kaming kumilos pero hindi gumagawa ng ingay.

Nang makalabas ay nagtago lang kami sa me dilim sa gilid ng tent at andoon na rin ang iba.

Senenyasan ako ni Lie na tumingin sa harapan kaya napatingin naman ako doon at napahawak na lang sa manggas ng damit niya ng makitang pinasok ng tour guide ang tent namin.

Nagpalit kami nina Nixxon at Axel ng tent. Sila doon sa tent namin ni Nikki at kami naman sa kanila.

Kaya ang laman ngayon ng tent namin ay 'yung dalawa...

Naisip iyon ni Axel kanina para malaman na kung ano talaga ang pakay ni Dame.

"Arghh!"

Nakita namin kung paano tumilapon iyong tour guide mula sa loob papunta sa labas ng tent.

"Lights on." Senyas ni Lie at agad naman naming binuksan ang mga flashlight na dala at doon nga tumambad sa paningin ko iyong tour guide.

Akala ko pa naman mabait...

"What the hell is happening here? May narinig kaming malakas na sigaw at kalabog---anong nangyari sayo, Dame?" Biglang dumating si Sir at ang ibang tour guides.

"Yan Sir! Balak na pasokin ang tent nina Rin." Sigaw ni Az habang nakaturo sa tour guide na halata ang gulat.

"Ano?! Totoo ba 'yun, Dame?" Agad na tanong ni Sir.

"O-Ofcourse not! Bakit ko naman gagawin 'yun?" Palusot pa nito.

"We have a proof. What now, you gonna lie again? Lahat kami nakita ang ginawa mong pagpasok sa tent nina Rin. You fucking perv!" Galit na sigaw ni Lie sa kaniya at balak pa sana siyang sugurin pero pinigilan na namin siya.

"Anong---totoo ba 'yun?" Tanong ni Sir sa amin pero tiningnan lang namin siya.

"Ang gago akala siguro hindi namin mahahalata. Eh titig pa lang parang hinuhubaran na 'yung mga kaibigan namin eh." Sigaw ni Eocn.

"Dame! Ano na naman ba 'to? Akala namin nagbago ka na. Hindi pa pala." Sigaw bigla ng isa sa mga tour guide.

"Hindi mo na ba iniinom ang gamot mo, huh?!" Singhal rin ng isa pa sa kaniya saka hinawakan siya sa magkabilang braso.

"H-He did it too before?" Gulat na tanong ni Sir da mga tour guide at napapahiyang tumango naman ang mga ito.

"A-Akala namin nagbago na siya kasi hindi naman na siya ulit gumawa ng mga bagay-bagay pero ito na naman pala."

"Tsk. Dalhin niyo 'yan sa barangay, bilis! Kapag ito nakaabot sa parents ng mga batang 'to. Hindi ka na sisikatan ng araw. Lalo na sa daddy ni Rin na balak mo pang galawin! Susunod ako agad sa barangay hall. Kakausapin ko lang ang mga estudyante ko." Agad namang hinatak ng mga tour guide si Dame paalis na nagpupumiglas.

"Bitawan niyo ako! Wala akong kasalanan! Bitawan niyo ako!" Sigaw pa nito.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Sir ng makalapit.

"We're fine but this two might not." Sagot ni Axel ng makalapit.

"Ayos lang po ako lalo na ngayon na wala na siya." Sagot ko naman.

"A-Ako din kahit na medyo kinakabahan pa rin ako." Sagot rin ni Nikki.

"R-Rin, I have some favor to ask?" Biglang saad ni Sir.

"Ano po 'yun?" Tanong ko.

"Huwag na sana itong makarating ke Mr. Falcon. Papatayin ako nun kapag nalaman na napahamak ka na naman na nasa subject ko pa. Magalit na lahat ng parents ng mga 'to huwag lang 'yung sayo." Saad ni Sir na halatang nag-aalala.

"Sige po. Ayos lang--"

"Rin! You're guardian needs to know too." Saad naman ni Nixxon.

"Mag-aalala 'yun eh. Nakakatakot magalit 'yun kaya huwag na. Ayos naman na ako eh." Sagot ko naman.

"Thanks Rin! Huwag kayong mag-alala ako na bahala kay Dame." Tumango lang naman ako. "Pahingi ako ng pruwebang hawak niyo para hindi niyo na kailangang sumunod sa akin. Ako na magpapaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari." Ibinigay naman ni Sona ang cellphone niya na hawak kung saan nakasave ang video.

Umalis na si Sir at naiwan naman kami doon...

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now