35

774 43 5
                                    

"Wow!" Sabay na saad namin ni Nikki habang nakatingin sa harapan.

Nasa baba kami ng bundok.

"Andito na ba lahat?" Tanong pa ni Sir at binilang kaming lahat at ng makitang kompleto kami at agad na itong pumunta sa harapan. "Dederitso na tayo ngayon sa lugar kung saan tayo maglalagay ng mga tent, okay? Huwag kayong lalayo sa amin para hindi kayo maligaw, maliwanag ba? Ang mga nakatayong tao dito sa kanan ko ay siyang magiging tour guide natin habang andito tayo. Sila ang binayaran natin para mag-assist sa atin habang nandito tayo. Kung may tanong kayo ay lumapit lang kayo sa amin. Ngayon, magsimula na tayo para makarating tayo doon bago maggabi." Tumango naman kami saka nagsimula ng sumunod sa kanila. Merong dalawa sa harap meron ring dalawa sa likod na magbabantay sa amin.

Nagsimula na kaming maglakad pero hindi paaakyat sa bundok. Papunta lang kami sa me gilid na parang papunta sa gitna ng gubat. Maayos naman ang daan. Madaming puno na matataas at malalaki.

Ang ganda.

Halos mahigit thirty minutes ata bago kami tuluyang makarating sa lugar kung saan kami magtatayo ng tent.

"Andito na tayo. Bago kayo maglagay ng tent ay siguraduhin niyo munang walang ahas o ano mang mapanganib na bagay ang andiyan, okay? Sige na at magsimula na kayo. Magdidilim na mamaya. Maghahanap na muna kami ng kahoy para sa bonfire mamaya. Bukas ay kayo na ang gagawa nun, okay?"

"Yes, Sir!" Sagot pa namin saka nagsimula ng mag-ayos.

Mabuti na lang at mayroong mga tao kanina na tumulong sa amin na buhatin ang gamit namin.

Madami kasi ang dala namin, eh. Pagkain, damit at kung ano-ano pang kailangan. Kaya marami. Lalo na at isang linggo 'yung stay namin dito.

Nagsimula na kaming gumawa ng tent namin. Dalawa kami ni Nikki sa tent ko. Pareho kasi kaming hindi sanay na mag-isa. Siya palaging kasama ang Yaya niya sa kwarto kapag natutulog habang ako naman ay si Daddy.

"Salamat at pumayag ka na makasama ako, ah? Hindi talaga kasi ako sanay na mag-isa lalo na kapag hindi sa bahay. Nahihiyang saad niya kaya pinisil ko naman ang magkabilang pisngi niya.

"Ayos lang 'yon, okay? Gusto ko rin naman ng may kasama, eh." Nakangiting saad ko pa.

Pumasok naman kami sa loob ng tent para ayusin ang mga gamit namin. Matapos nun ay lumabas na kami at pumunta kay Sir na tinuturo kung saan ang magiging banyo namin. Malapit lang iyon mga ilang mimuto ay mararating mo na rin naman mula sa pingalatagan ng mga tent.

Napatingin naman ako sa oras na sa cellphone ko at 6:04 P.M. na pala. Kaya medyo dumidilim na.

Pumunta agad kaming lahat doon sa harap ng bonfire at doon nagkwentuhan kasama sina Sir at 'yung mga tour guide. Kung ano ang mga gagawin namin sa mga susunod na araw at sa mga susunod pa.

Makaraan ang ilang sandali ay naluto na yung sinaing kaya kaniya-kaniya namang labas ng ulam.

May malapit na bahay dito sa amin, doon kanina sa pinanggalingan namin. Pero sabi ni Sir ay kailangan raw naming ma-experience na magluto ng sarili naming kakainin. Gumawa ng tent ng matutulugan. Hindi iyong aasa na lang kami palagi.

Yung mga matatanda pa ngayon ang nagluto at gumawa ng bonfire at naghanap ng mga kahoy. Bukas ay kami na ang gagawa nun.

Can goods yung mga ulam namin na dala dahil pwedeng kainin kahit hindi mo na lutuin kasi half cook naman na at hindi napapanis.

"Anong ulam niyo?" Tanong ni Lie at naupo sa gilid ni Nixxon.

"Ham saka hotdog." Nag-ihaw kami ng hotdog na binigay nila Sir kanina.

"Wow! Pahingi naman. Wala kaming ulam, eh." Nagulat naman kaming napatingin sa kanila.

"Wala kayong ulam na dala?" Tanong ni Nikki.

"Meron hehe. Pero masarap kapag galing sa hingi, eh." Nailing na lang ako saka natawa.

"Just eat. Stop talking." Asik naman ni Axel pero hindi pa rin natahimik ang dalawa.

Hindi nagtagal ay natapos din kaming kaumain pero nanatili pa rin kami doon sa paligid ng bonfire.

"Bago kayo matulog mamaya ay i-check niyo muna ang loob ng tent niyo, okay? Baka kasi may nakapasok na ahas o daga ng hindi niyo namamalayan." Paalala ni Sir sa amin saka tumayo na. "Mauuna na muna ako sa inyo at makikipag-usap muna ako roon sa tour guide na kasama natin. Tawagin niyo na lang ako kapag may problema. Matulog na rin kayo mamaya para hindi kayo mapuyat bukas." Tuluyan na itong nagpaalam kaya naiwan naman kaming buong section doon.

Mas nauna kasi ang amin kesa sa ibang section. Next week pa raw sila pagkatapos ng sa amin. Kaya sulong-sulo namin ngayon ang lugar.

"Az kanta ka! Ako bahala sa gitara." Aya ni Eocn bigla kaya napatingin naman kami sa kanila.

"Oh, sige ba! Kunin mo dun dali. Kakantahan ko kayo bahay kubo at magtanim ay 'di biro." Humagalpak naman agad siya ng tawa saka naupo doon sa me gitna sa malaking kahoy at maya-maya ay bumalik na si Eocn dala-dala ang gitara niya.

Nagsimula na si Eocn na tipain ang gitara at agad kaming nagkatinginan ni Nikki ng marealize kung ano 'yun.

"Ay, feeling good, like I should
Went and took a walk around the neighborhood
Feeling blessed, never stressed
Got that sunshine on my Sunday best
(Yeah)"

"Ay, everyday can be a better day despite the challenge
All you gotta do is leave is better than you found it
It's gonna get difficult to stand but hold your balance
I just say whatever 'cause there is no way around it"

"E-e-everyone falls down sometimes
But you just gotta know it'll all be fine
It's okay, uh-huh, uh, uh
It's okay, it's okay"

"Ay, feeling good, like I should
Went and took a walk around the neighborhood
Feeling blessed, never stressed
Got that sunshine on my Sunday best"

"Ay, somerays you woke up
And nothing works, you feel surrounded
Gotta give your some gravity to get you grounded
Keep good things inside your ears
Just like the waves and sound did
And just say whatever 'cause there is no way around it"

"E-e-everyone falls down sometimes
But you just gotta know it'll all be fine
It's okay, uh-huh, uh, uh
It's okay, it's okay"

"Ay, feeling good, like I should
Went and took a walk around the neighborhood
Feeling blessed, (Ay) never stressed
Got a sunshine on my Sunday best"

"Ay, feeling good, like I should
Went and took a walk around the neighborhood
Feeling blessed, never stressed
Got the sunshine on my Sunday best"

Mula simula hanggang matapos ay kumanta kami kasabay si Az. Ang hyper hyper niya. Pero ang ganda-ganda ng boses niya. Bagay na bagay lalo doon sa kanta.

"Galing ko ba?" Tanong nito sa akin ng makalapit.

"Oo."

"Tsh. Bukas si Nixxon na kakanta." Turo nito kay Nixxon pero tiningnan lang siya nito saka umalis na.

Matutulog na kasi kami at pabalik na kami ngayon sa kaniya-kaniya naming mga tent.

"Goodnight Rin! Goodnight Nikki!" Sigaw pa niya saka lumapit kay Lie na siyang kasama niya sa tent.

"Goodnight din." Saad naman namin ni Nikki saka pumasok na rin sa loob ng tent namin saka tiningnan pa muna kung merong hayop na nakapasok pero wala naman kaya sinarado na namin iyon saka nahiga sa kaniya naming higaan.

"Goodnight." Saad ko pa.

"Goodnight din." Sagot naman niya.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now