25

817 44 3
                                    

Humahangang nakatingin ako sa dalawang lalaki na nasa tabi ngayon. Andito kami ngayon sa harap ng bulletin board. At sina Axel at Nixxon 'yung nangunguna na may pinakamatas na average.

Galing!

"Don't stare." Sabay nilang saad.

"Ang galing niyong dalawa."

"At gagalingan ko pa para hindi mo'ko maabotan." Nakangising saad ni Nixxon kaya natawa naman ako.

Sumusunod naman kasi ako sa kanila--kami ni Wexrel 'yung sumunod sa kanila.

"Gagalingan ko rin sa susunod." Saad ko naman.

"Papakopyahin na lang kita para malamangan mo siya." Saad naman ni Axel.

"Oh, narinig mo 'yun? Papakopyahin daw ako ni Axel at malalamangan na kita." Biro ko pa sa kaniya.

"Eh bakit sa kaniya ka pa mangongopya kung pwede namang sa akin? Mas matalino naman ako diyan eh." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"In your dreams." Banat naman ng isa.

"Tama na nga 'yan HAHAHA. Pareho na kayong matalino. Tara na sa cafeteria, nagugutom na ako." Aya ko sa kanila. Break na kasi namin ngayon.

Pagpasok namin sa cafeteria ay naagaw na naman namin ang mga mata ng ibang estudyante pero maski isa ay walang pumansin sa kanila. Tuloy-tuloy lang kami papunta sa pila.

"May camping tayo sa mga susunod na week. Excited na ako. Isang linggo pa naman." Saad ko.

In-announce kanina sa amin na may camping raw kami sa susunod na week sa may bundok malapit lang rin naman dito. Sabi ng teacher ay nasa lima hanggang anim na oras ang byahe papunta doon. Isang linggo kami doon magse-stay.

"Psh. Boring." Saad naman ni Nixxon.

"Buong buhay mo boring kaya huwag ka ng magtaka." Asik naman ni Axel kaya sinamaan naman siya ng tingin pero parang wala lang naman sa kaniya iyon.

Hindi na sila nag-aaway ngayon na suntukan. Pero nag-iinisan pa rin sila. Mabuti na rin ang ganoon kesa suntukan, palagi silang may pasa eh.

"Nagsalita 'yung hindi." Parinig rin ng isa.

"Kunin niyo na nga lang pagkain niyo. Nagugutom na ako eh." Sabi ko kaya napatingin naman sila sa harap at agad na kinuha ang pagkain nila saka umalis na.

Kinuha ko na rin iyong akin saka sumunod na sa kanila papunta doon sa mesa. Andoon na sila Lie at Az kasi sila 'yung pinakaunang pumila.

"Bunso salamat sa regalo. Nagustuhan ko." Ngumiti naman ako kay Lie.

"Ako din. Nagustuhan ko din 'yung akin. Salamat Rin!" Segunda ni Az at sumunod naman iyong iba. Hindi kasi sila kanina nakapagpasalamat dahil dumeritso na kami sa me bulletin.

"Rin para sayo." Napatingin naman ako kay Nikki ng may iabot ito na maliit na gift. "Hindi ko kanina nabigay kasi lumabas agad tayo." Hindi na siya nauutal ngayon pero nahihiya pa rin.

"Salamat." Nakangiting saad ko saka sinilip naman kung anong nasa loob at nanlaki ang mata ng makitang watch iyon na kulay itim. Itinabi ko na muna iyon dahil nagugutom na ako.

Habang kumakain ay nag-uusap naman kami tungkol sa mga bagay na dadalhin namin para sa camping. Since medyo marami sa amin ang hindi nakasali dati.

Enjoy na enjoy rin namin ang pagkain namin ngayon dahil ang sasarap ng mga nasa plate namin.

Nang marinig ang bell ay umalis na kami kaagad doon at saka bumalik sa room at tyempo namang nakasabay namin ang teacher namin for third sub.

Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Disscuss.
Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Disscuss.
Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Disscuss.
Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Disscuss.
Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Disscuss.
Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Disscuss.
Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Disscuss.
Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Disscuss.

At  hindi mawawala ang quiz.

Fifty item quiz iyon kaya natahimik naman ang buong room dahil tutok ang lahat sa pagsagot. Hindi naman masyadong mahirap kasi itinuro niya naman muna bago niya ipa-quiz kaya fresh pa sa utak mo iyong mga sagot basta nakikinig ka lang.

Maya-maya pa ay natapos na ako kaya tumayo na ako at tumayo rin iyong dalawa sa gilid ko na parehong nakangisi sa akin.

Hinihintay lang pala nila ako.

"Tapos na kayong tatlo?" Tanong ni Sir na parang nagulat at napatingin sa relo niya.

"Opo Sir." Sagot naman namin saka binigay sa kaniya ang mga papel namin saka bumalik na sa upuan.

"Bilis niyo naman." Bulong ko ng makabalik na kami sa upuan namin.

"Ang dali lang naman nun." Simpleng saad ni Axel at wala sa tono ang pagmamayabang.

"Kahit natutulog  kaya kung sagotan 'yun." Sagot naman ni Nixxon.

"Talaga ba?" Natatawang tanong ko naman.

"Oo naman." Sagot niya pa.

"Parang kaya namang gawin." Parinig ulit ni Axel sa kaniya.

"Dahil kaya ko talaga."

"Sabi mo eh."

Nagsamaan naman sila ng tingin kaya agad ko namang tinabunan ang mata nila. "Tama na nga 'yan. Mamaya mag-away na naman kayong dalawa. Tas magkakapasa na naman kayo." Natawa na lang ako nang maalala 'yung dati. "Nagmumukha kayong panda." Tumawang saad ko pa saka habang tinatabunan ang bibig.

Silang dalawa naman ay agad na nag-iwas ng tingin, nahiya siguro. Hinagod ko pa kunwari ang likod nilang dalawa habang tumatawa pa rin.

Maya-maya pa ay tinigilan ko na sila ng marinig na pinagtatawag na ni Sir ang mga score namin. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang iba at si Sir sa pagche-check. Nawili ako kakatawa dito sa dalawa.

Pagkatapos niyon ay dumating ang sunod na teacher namin kaya nakinig naman na kami ulit. Ang dalawa naman sa tabi ko ay nakahiga na naman sa braso nila.

Tulog ng tulog pero matataas 'yung grade. Paano kaya 'yun?

Ibinalik ko na ulit sa board ang paningin at nakinig na sa mga sinadabi ng teacher at minsan ay naglilist down notes din para may mapag-aralan mamayang gabi.

Hindi rin nagtagal ay natapos na ang lahat ng klase namin sa pang umaga kaya dumeritso na kami sa cafeteria para mananghalian.

Napagod utak ko sa klase namin ngayon. Ang talino kasi ng mga katabi ko kailangang sumabay. Hayyy.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon