58

635 35 2
                                    

"Tara na?" Tanong ko ke Axel.

Tumila na ang ulan kaya napagdesiyonan na naming umalis at bumalik sa camp site.

"Hm. Talaga bang ayos na ang paa mo?" Tanong niya kaya ngumiti naman ako saka tumango.

"Oo. Ayos na ayos na ako. Huwag ka ng mag-alala sa'kin." Nakangiting sagot ko saka na lumabas doon sa kubo dala-dala ang maliit na basket na dinasabit sa likod. May laman iyong pagkain.

"Pwede naman kasi kitang buhatin kung masakit pa 'yang paa mo. Hindi mo kailangang tiisin."

"Magaling na nga ako. Kahit tumakbo pa ako ayos na ayos na."

"Okay then, let's go."

Nagsimula naman na kaming maglakad paalis sa lugar na iyon. Nakasunod lang ako sa kaniya habang nakahawak sa kamay niya dahil masyadong maputik ang daan.

"Grabi naman. Ang daming punong natumba ah." Saad ko habang nililibot ng tingin ang mga nadadaanan namin.

"Malamang. Bumagyo eh." Natatawang sagot nito.

"Kaya nga."

"Kaya nga."

"Nang-iinis ka na naman eh." Nakangusong saad ko saka sinamaan pa siya ng tingin. Kahapon pa 'yan eh.

"Hahahaha sarap mo inisin eh. Alam mo, para kang tumatanda pabaliktad. Imbis na maging mature ma nagiging inosente ka pa lalo."

At nagpatuloy lang siya sa pang-iinis sa akin habang naglalakad kami. Ako naman ay kumain na lang ng kamoteng dala namin.

May tanim na kamote doon sa likod ng kubo. Napansin lang namin iyon kahapon nung may makitang nakalabas na kung ano sa lupa then ng tingnan namin ay kamote kaya ito at may baon kami ngayon.

Swerte namin kahit papaano.

"Tama ba 'tong daan na dinadaanan natin?" Tanong ko sa kaniya.

"I guess? Just follow me a don't be scared na maligaw."

"Okay. May tanong pala ako....kayong dalawa na lang ngayon ni Nixxon magkasama?"

"Yeah, magkasama kami sa bahay. Si Lolo ay minsan lang naman kung dumalaw dahil busy siya sa trabaho. But, wala kaming problema financially."

"I see. Eh paano 'yun sa bahay niyo? Walang pansinan? Away?"

"Pikonan lang, pikon 'yun eh."

"Hahahahah isusumbong kita sa kaniya. Kapag tayo nakabalik, isusumbong talaga kita."

"Psh. Kahit siya alam 'yun. Tsaka bakit mo'ko isusumbong? Kampi ka ba sa kaniya, ah?"

"Syempre...kampi ako sayo. Baka iligaw mo'ko mamaya bigla eh." Natatawang biro ko pa.

"Tara na nga. Ang ingay mo baka mamaya hulihin ka ng kapre dito." Nanlaki naman ang mga mata ko saka napalinga-linga at agad na lumapit sa kaniya.

"M-May kapre ba talaga dito?" Pabulong na tanong ko.

"Oo kaya huwag kang lumayo sa akin at baka kunin ka nila." Pananakot niya pa.

"S-Sige dito na lang ako sa tabi mo. Bilisan na natin." Bulong ko habang palinga-linga pa sa paligid dahil baka biglang may sumulpot na kapre at kunin...waaaaah!

"A-Ano 'yun?" Gulat na tanong ko ng biglang may mabilis na bagay na gumalaw sa gilid.

"Tsh. Malaking ibon lang 'yun. Binibiro lang kita eh. Parang hahayaan ko naman ang kapre na kunin ka."

"T-Talaga?"

"Syempre....biro lang." Natatawang saad nito dahilan para suntokin ko naman ang balikat nito.

"Ang sama mo."

Tinawanan niya na naman ako kaya napapabuntong-hininga na lang ako para hindi siya patulan.

Masyadong makulit ang kasama kung Axel ngayon. Parang sinapian ng ibang tao eh.

Nagpatuloy na nga kami sa paglalakad at huminto lang ng makaramdam ng pagod sa paglalakad. Kumain na rin kami bago magtuloy ulit.

"Sana malapit na tayo sa camp site, no?"

"Wala ng tao sa camp site. Andoon na ata sila ngayon sa center."

"At least kapag nakarating na tayo ng camp site, madali na lang tayong makakapunta ng center, diba?"

"Hm...you have a point."

"Ako pa ba?"

"Marunong ka na ngayong magmayabang, ah?" Natatawang tanong nito.

"Anong pagmamayabang dun? May point naman kasi talaga ako." Inosenteng saad ko.

"Oo na nga. Huwag mo ng ipagmukha hahaha."

"Ang gulo mo." Natatawang saad ko na rin.

"Anong magulo run?"

"Ikaw mismo." Sagot ko naman.

"Hindi kaya."

"Oo kaya."

"Hindi."

"Oo---"

"Rin!"

Napatigil naman ako sa nagsalita at agad na nanlalaki ang mga mata ng makita si Daddy at kasama ang mga tour guide at si Sir.

"Daddy!" Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at agad na yumakap.

"Are you okay? Are you hurt? May masakit ba sayo? Sugat? Fracture?"

"Wala po. Ayos lang po ako." Sagot ko naman kaya napahinga naman ito ng maluwag.

"Let's go. Uuwi na tayo." Tumango lang naman ako saka sumunod sa kaniya sa paglalakad pero napatigil rin sandali saka kumaway ke Axel.

"Salamat! Buh-bye! Kita na lang tayo sa school." Sigaw ko pero tinawanan niya lang naman ako.

"Oo na." Sagot naman nito kaya ngumiti naman ako saka humarap na ke Daddy at inayos naman nito ang suot kung damit saka ngumiti.

"I'm glad you're safe."

"Masaya rin po ako na nakabalik na po kayo." Saad ko naman.

"But I'm late. I'm sorry...hindi kita naligtas kaagad."

"Okay lang po 'yun. Dumating naman po kayo eh."

"Hm." Nginitian lanh ako nito saka ginulo ang buhok ko.

Nang makarating na sa me Center kung nasaan nakaparada ang sasakyan nina Daddy ay agad na kaming sumakay doon. Nakuha na raw nila ang mga gamit ko kaya umalis na kami kaagad at hindi na ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng antok habang nasa biyahe at maya-maya lang ay nakatulog na ako. Pero bago iyon ay naramdaman ko pa na inihiga ni Daddy ang ulo ko sa balikat niya kaya napangiti naman ako.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα